Ang simula nang pagbabago ni Josh

71 1 1
                                    

Mabilis ang paglipas nang panahon. Isa nang regular employee si Edward. Labis naman syang pinag initan nang kanyang field supervisor.

Alfred, mukhang malakas ka talaga sa taas ah, baka kaginsa ginsa niyan ay ikaw na ang nasa position ko. Wika nang mayabang na supervisor. At ang tinutukoy na Alfred ay siya.

Ah sir nagkakamali ka, wala akong planong kuhanin ang position mo. Ayokong maging mayabang eh. Para wala akong nakaka away.

Atleast meron akong ipagyayabang, hindi katulad mo. Anu bang pwede mong ipagmayabang ang kapangitan mo? Mayabang na sagot nang supervisor.

Oo sir, pangit man ako hindi naman masama ang ugali ko. Hindi katulad mo na feeling perpekto. At umaastang walang kapintasan. Unano ka na baboy ka pa. Wika ni Edward.

Aba, at talagang sinusubukan mo ako ah. Galit na ang tinig ng supervisor.

O o ikaw ang nag umpisa nang argumentong ito tapos mapipikon ka. Baka mag sisi ka pag pinatulan kita. Kalmadong wika ni Edward.

Sa inis nang supervisor ay sa dingding niya ibinaling ang galit kay Edward. Dahil hindi nya pwedeng saktan ito, alam nya na magkaka problema sya oras na pinangunahan nya ang pananakit.

Hinabol na lang nang tingin ni Edward ang papaalis na supervisor.

___________________________________

Masayang sinalubong ni Josh si Edward.

Kuya, may pasalubong ka? Bungad ni Josh sa paparating na kuya.

Oo Josh, dun tayo sa loob sabay sabay tayong maghahapunan nila ate Hannah mo.

Pagpasok ni Edward sa loob ay inilabas niya ang fried chicken na kanyang nabili sa nadaanang tindahan nito.

Hannah nakapag saing ka na ba? Tanong ni Edward.

Opo kuya nagsaing po ako agad nung pagka uwi ko galing sa eskwela.

Mabuti naman, maghain ka na at may dala akong ulam.

Opo kuya. Maghahain na po ako. Magalang na sagot ni Hannah

Kumusta ang pag aaral mo Josh?

Aus naman po kuya. Matatas po ang mga grades ko. Maagap na sagot nang bunsong kapatid.

Yan ang gusto ko laging good boy, ikaw Hannah kumusta ang pag aaral mo. Baling ni Edward sa kapatid na babae.

Actually kuya nasa top po ako ngaun. Naungusan ko na po ang kakumpetensya ko. Mas gagalingan ko pa po sa susunod para hindi na nya ako maungusan. Pag naka graduate ka nang may parangal may matatanggap kang regalo mula sa akin.

Talaga po? Anu naman po yun?

Mamili ka? Anu ba gusto mo? Computer? Lap top? Celphone? Wika ni Edward.

Kahit anu po dun kuya basta po totoo. Aasahan ko po yan kuya.

Eh panu naman ako kuya? Wala ka bang ireregalo sa akin? Paglalambing naman ni Josh.

Aba syempre meron din Josh. Basta ipangako mo lang na mag aaral kang mabuti. At iiwas ka sa mga masasamang barkada ha.

Pangako kuya hinding hindi ka po namin bibiguin ni ate. Hindi namin sasayangin ang hirap at pagod mo sa pagpapalaki sa amin.

Naantig ang damdamin ni Edward sa sinabi nang kanyang kapatid.

Hindi inaasahan ni Edward na mapapalaki niyang mababait at masunurin ang mga kapatid.

Kasalukuyang nasa grade 10 na si Hannah at grade 7 na si Josh.

Kung nandito lang sana si Martha, makikita nya kung paanu ko pinalaki ang mga kapatid ko. Dahil sa pag pupursige ko ay napalaki ko sila nang maayos. Usal ni Edward sa kanyang isipan.
____________________________________

KAHIT AKO'Y PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon