Jiselle Pov
Summer favorite ko ang summer , kasi favorite kong puntahan yung resort namin na wala naman masyadong nag pupunta , mga nag pupunta lang naman yung mga ka-business partner ng family namin pero hindi naman sila palaging nag pupunta sa resort na yun dahil madaming resort pang mas maganda pero para sakin yung "Paradise Resort" lang ang pinaka maganda dahil sa sobrang fresh ng hangin dito at tahimik. Ang sarap lalo mag gitara kasi tahimik na makakapag isip at relax kapa ng maayos.
Maaga akong nagising para mag ayos ng gamit ko 3am palang kasi gusto ko makita yung sunrise dun. So nag impake nako ng mga kailangan ko damit at iba pa , syempre yung guitar ko. Ito lang kasi palagi kong kasama kaya di ko pwede iwan. Pag tapos ko mag ayos bumaba na ako at nakahanda naman na yung car ko , yes meron akong student license. Nilagay ko na lahat ng gamit ko at nag punta muna ko sa room nila mommy at daddy , usual wala nanaman sila dahil sa business. Di ko na pinuntahan si kuya Jid guguluhin lang ako nun at mag pupumilit na sumama so nag iwan ako ng note sa table niya na aalis na ako for my vacation. Nag paalam nako sa yaya ko at umalis na.
5am na ako nakarating at sakto pasikat na ang araw pinadala ko na ang mga gamit ko sa room ko sa resort namin , at dumiretso ako sa swing na nasa tabing dagat kasama ko gitara ko. Habang sumisikat yung araw tinutugtog ko yung favorite kong kanta na tear drops on my guitar. Naririnig ko yung ingay ng dagat na masarap sa pandinig at napaisip ako na bakit nag iisa ako ngayon? Wala akong friends , ewan ko ba. Ako lang naman si Jiselle Shanaia Rame , kahit anak ako ng mayamang tao hindi naman ako yung tulad ng iba na mayabang , mataray , etc. , mabait naman ako. Hmm siguro dahil may pag ka nerd ako kaya ayaw nila sakin. Pero okay na yun masaya naman ako kahit mag isa ako , pero kung mag kakaron ako ng kaibigan gusto ko muna kilalanin at gusto ko maging bestfriend kami.
Nagugutom na ako hindi pa ako nag breakfast , kaya kumain muna ako at nag pahinga sa room kapagod din sa byahe. Matutulog muna ako ulit at mamaya babalik ako sa dagat.
Jae Pov
Kakagising ko lang dahil napagod ako mag byahe kagabi. Kakain na muna ako at pupunta sa dagat. Kumain ako , nag palit ng damit dahil gusto ko mag swimming na.Nasa dagat na ako naliligo. Naalala ko nanaman yung babae kanina nakakatawa talaga siya first time niya yata makakita ng katawan ng lalaki. Pero nakakatakot yung tingin niya dahil feeling ko pinag nanasaan niya ako. Nag gagawa ako ng castle ngayon namiss ko na gawin to kaso wala na yung dating kasama ko na gumagawa nito iniwan na ako.
Natapos na ako maligo umupo muna ako sa mga tabi ng puno. Napansin ko lang na ang tahimik pala talaga dito kaya nilabas ko yung phone ko at nag patugtog. Nag selfie na din. Bigla ako nakarinig ng tawa napatingin ako sa likod ko nakita ko yung babae na kumakain ng icecream. Tapos nung nakita niya ako na nakatingin sa kanya tumakbo siya paalis ang weird niya pero ang ganda niya sino kaya yun.
To be continued...
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
RandomAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...