Chapter 3: End of summer.

59 2 0
                                    

Jae's Pov

Nakaupo ako ngayon sa swing inaantay ko ulit si jiselle di ko na kasi siya nakikita mag eend na yung summer , di ko alam kung umuwi na ba siya. Hindi naman pwede sabihin kung saan siya nakaroom.

Nasan na kaya yun?
Bigla may nag takip ng mata ko. Jiselle?

Napatingin ako , at siya nga.

"Jiselle?"

"Yes? Bakit parang gulat na gulat ka?"

" kasi ngayon lang kita ulit nakita e , inaantay kita lagi dito wala ka naman"

Bakit parang may mali , di naman niya ako boyfriend para maging demanding.

"Ah kasi masama pakiramdam ko , bawal ako lumabas labas pag masama pakiramdam ko. Sorry , pero okay naman na ako , tsaka nandito na po ako sir"

"Okay kana talaga? Uuwi ka na ba mamaya? Next week may pasok na ulit diba"

"Andami mong tanong. Una okay na ako. Oo uuwi na ako mamaya. At oo may pasok na. Ikaw ba?"

"Oo uuwi na din."

"Ah bakit parang malungkot ka? Di mo ba naenjoy yung vacation dito?"

"Naenjoy naman pero nakakabitin e  , di na kasi tayo nakapag usap ulit nakapag bonding."

"Haha may next summer pa naman eh , wag kana malungkot diyan , tara dali may gift din ako sayo."

Hinila niya ako papunta sa tabing dagat at umupo kami. Kinuha niya yung kamay ko.

"Jae ito gift ko sayo , wag mo tong iwawala ha?"

May sinuot siya sakin na bracelet na color black. Mag kapareho kami.

"Para san to?"

"Ibig sabihin nito bestfriend na tayo. Okay? Kaya next summer kailangan nandito ka para mag kita tayo ulit."

Bestfriend?

"Thank you Jiselle , oo iingatan ko to lagi ko tong susuotin promise."

"Yan di kana malungkot kala ko iiyak kana dyan eh"'

Natawa ko sa sinabi niya pero ang cute niya talaga.

Nag gabi na kaya bumalik na siya sa room niya sabay kaming uuwi. 8:30pm babyahe na sya pauwi ako din. 8:15 na inaantay ko na siya.

Nakita ko siya dala mga gamit niya kaya tinulungan ko na dalhin sa car niya. Tapos ayun nag paalam na siya at mag iingat daw ako. Pero syempre kinuha ko whole name niya at contact number para mag kakatext kami. At ayun na umalis na sya umuwi na.

Pauwi na din ako , sana summer na ulit. Pero bakit gusto ko na lagi siyang kasama e kakakilala ko palang sa kanya. Ang weird naman.

Jiselle's Pov

Nakauwi na ako at eto nag papark na ng sasakyan. Tinawag ko na din si yaya para kunin mga gamit ko. Pag pasok ko pa lang ng bahay kinulit na ako ng kuya ko. Hay nako!

"Oy Jiji ano pasalubong mo sakin?"

"Wala kuya" aasarin ko muna siya at pag ddramahin

Umupo muna ko sa couch habang nag papahinga

"Ji ano nga kasi? , kinalimutan muna ba ako?"

"Hindi eh , binilan kita ng anti third eye"

"Talaga?? Nasaan?"

Hahaha uto uto talaga si kuya.

"Sayaw ka muna"

Nag sayaw nanaman siya ng Gee hahaha bakla.

"Joke lang kuya walang anti third eye. Pero binilan kita ng bracelet color gray sayo akin kasi black"

"Thank you Ji~" niyakap niya nanaman ako. Kahit sobrang kulit ng kuya ko mahal na mahal ko yan siya kasi nag iisa lang yan alien kasi.

"Oo na wag muna ko yakapin"

"Hindi thank you talaga. I love you Ji~ lollipop ko?"

"Nandun na sa ref nilagay na ni yaya , sige na gusto ko na mag pahinga. Bye kuya goodnight"

Nung nalaman niya kung nasan lollipop niya tumakbo na agad walang goodnight at thankyou man lang. Pero sanay nako.

Matutulog na ako nakakapagod..

To be continued...

It Matters How It EndsWhere stories live. Discover now