Jiselle's Pov
Nandito ako ngayon sa rooftop , tinitignan yung mga stars ang ganda kasi e tapos nag rereflect pa sa dagat. Ang peaceful talaga dito sana dito nalang ako nakatira , may school kaya malapit dito. Hmm titignan ko pero as if naman na papayagan ako lumipat ng school , gusto kasi ni mommy na kasama ko sa iisang school si kuya Jid.
Biglang may narinig ako na paakyat dito sino kaya yun nakakatakot.
Jae's Pov
Pupunta ako ng rooftop for sure madaming stars ngayon.
Paakyat na ako at nakita ko yung babae na tinawanan ako kanina , lalapitan ko nga. Nag lalakad ako papunta sa kanya.
" Hi po." Ang awkward naman.
Pero bakit hindi siya sumasagot white lady ba to? Hala.
"Hmm.. Hi po" try ko ulit.
Tumingin siya sakin , buti naman kala ko multo na."Hello" sagot niya.
"Ah ako nga pala Jae. Ikaw?"
"JIselle po" sabi nya , natatawa ko nag po-po siya e mas matanda pa yata siya sakin.
"Ano pa lang ginagawa mo dito? Tsaka bakit wala kang kasama?"
"Wala" sagot niya. Ang sungit niya , pero maganda siya.
"Eh bakit ka pala nandito? Gusto mo lang?" Tanong ko ulit.
"Gusto ko lang stars , at tahimik pero hindi na tahimik ngayon"
"Sorry naman , gusto lang kita makilala at gusto ko ng kausap wala kasi gaanong tao dito e , pwede ba tayo maging friends?"
"Sige" sagot niya sa sinabi ko.
Tapos biglang may dumaan mg shooting star sa sobrang gulat ko nabitawan ko yung flashlight , dinampot ko tapos pag tingin ko sa tabi ko wala na yung babae.
Sa sobrang kaba ko napatakbo ako pababa baka kasi white lady yun e , baka hindi yata tao yung nakausap ko.
Nag pahinga ako at natulog na din.Jiselle's Pov
Gumising ako ng maaga para makita ulit yung sunrise , at sana hindi ko na makita yung lalaki o bakla ba yun ang daldal niya kasi e parang si kuya Jid. Wala nga si kuya may pumalit naman. Haay..
Nakaupo ako sa swing. Habang nakaheadphone. Biglang kumalabit sakin. Pag tingin ko nakita ko yung lalaking makulit. May inabot siya sakin.
"Hi Jiselle. Coffee?" Nag smile pa siya.
Kinuha ko nalang."Thank you" sabi ko , nag smile na din ako at tumabi nanaman siya sakin.
"Goodmorning pala , aga mo yata nagising"
"Ah goodmorning din , ganun talaga inaabangan ko kasi palagi yung sunrise"
"Pareho pala tayo , kagabi din yung stars"
Bigla akong natawa dahil naalala ko yung nangyari kagabi.
Flashback...
Jiselle's Pov
Nung may dumaan na shooting star pumunta ko sa isang sulok at nag wish medyo madilim sa sulok na yun. Tapos bigla nalaglag yung flashlight ni Jae. Di ko na pinansin at habang nag iisip ako ng wish ko nakita ko siya nanlalaki yung mata niya. Kaya di na ako nakapag wish tinitignan ko lang siya. Tapos hinahanap niya yata ako pero di niya ako nakita , bigla siya napasigaw ng "Hala white lady yung nakausap ko!" Tapos tumakbo na siya pababa. Di ko napigilan yung tawa ko nun. Hahaha Laughtrip. Di na tuloy ako nakapag wish.
End...
"Jiselle? Okay ka lang ba?"
Hala kinakausap niya pala ako."Ha? Oo ulit yun?"
"Bakit nawala ka kagabi?"
Anong sasabihin ko?
"Ano ahm inantok nako kasi kaya bumaba na ako di na nga ko nakapag paalam , sorry pala."
"Ah okay lang yun"
Mabait din pala siya. Sana maging close friend kami.
Natapos na kami mag coffee then nag lunch kami , tapos sabi niya lakad lakad daw kami mamayang 4pm. , bumalik muna ako sa room ko at nag pahinga 3:30pm na pala mag papalit muna ako ng damit ko.
Nasa labas na ako sa tabing dagat inaantay ko siya. Nasan na kaya yun 4pm na ah. Tapos may nakita akong lalaking tumatakbo papunta sakin , siya siguro yun. Tapos may dala pero di ko alam kung ano yun.
Nung nakarating na siya sakin yung dala niya pala shell ang ganda , dalawa pa nga yun tag isa daw kami. Bait niya naman bumili pa talaga.
"Jiselle gift ko yan sayo dahil pumayag kang maging friends tayo."
"Ah wala yun jae okay lang. Ikaw nga lang friend ko e."
"Talaga? Bakit naman?"
Habang nag uusap kami nag lalakad lakad na kami.
"Hindi ko din alam , ayaw yata nila sakin pero di ko alam kung bakit eh, mabait naman ako , buti ka nga nakipag kaibigan ka sakin"
"Mukha ka kasing masungit e , ikaw lang naman girlfriend ko"
Ha? Girlfriend?
"I mean babaeng kaibigan."
Hala pano nya narinig yun di naman ako nag sasalita at nasa isip ko lang yun.
"Ah sabi ko nga po"
"Wala ka naman sinabi e" natawa siya sakin.
Di namin namalayan na gabi na pala. Kaya bumalik na kami at nag gawa siya ng apoy tapos nag kantahan kaming dalawa. Ang ganda pala ng boses niya , ang talented pa.
"So tara na?" Tanong niya.
"Sige matutulog na din ako gabi na , kapagod pero thank you pala ah nag enjoy ako next time ulit"
"Sige ba , bukas kita tayo ulit."
"Okay. Goodnight" nag lakad na ako paalis , ng bigla niyang hinawakan kamay ko.
"Ahm jiselle thank you din pala ah?"
Inalis ko bigla kamay ko.
"Ah wala yun sige na pahinga kana din" nag lakad na ako paalis.
"Okay Goodnight" sabi nya at umalis na din.
To be continued...
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
RandomAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...