Chapter 13: Old Stories

32 3 0
                                    

Jae's POV

Tapos na yung midterm namin , pero may practice kami ngayon malapit na ang performance namin. Haay wala na kaming pahinga.

Nag ayos na ako at pumunta sa kusina para kumain. Kaso nakakawalang gana kasi wala naman akong kasabay kaya bumili nalang ako ng kape sa starbucks. Kaso naisip ko pano ka mabibitbit ng maayos e nakabike ako. Tsk nag lakad nalang muna ako papuntang park uupo nalang muna ako dun para inumin yung kape , 6:30am palang naman.

Habang nag lalakad ako nakita ko kaagad yung matandang babae na nakaupo sa isang bench at nilapitan ko siya at binati.

"Good morning po" sabay nginitian ko nalang at napatingin naman siya sa akin.

" Good morning din" at nginitian din ako , tumabi nalang ako kay manang.

"May kasama ho ba kayo dito? Nakakaistorbo po ba ako?"

"Wala akong kasama , tuwing umaga nag pupunta ako dito para mag pahangin at mag lakad lakad"

"Ah ganun po ba okay po yun , makakapag exercise po kayo para po maging healthy kayo"

Natawa si manang sakin , di ko alam kung bakit.

"Alam mo para kang yung asawa ko , gusto nun palagi akong healthy ayaw niya na nag kakasakit ako , hindi ko alam bakit sobra niyang maalaga sakin. Kaya mahal na mahal ko yun kahit na wala na siya hinding hindi ko siya ipag papalit at kakalimutan kahit matanda na ako"

"Sorry po , pero bakit po siya nawala?"

" okay lang iyon iho. Dati nung kami ay ganyan pa kabata tulad mo , ang saya saya namin palagi , kahit na di kami nag kakaintindihan , nag kakaayos pa rin kami. Namatay siya dahil sa car accident , noong gustong gusto niya akong puntahan dahil nag away kami at iyon din yung araw na anibersaryo naming dalawa. Inaantay ko siya rito kasi ayaw ko rin na tumagal ang pag aaway naming dalawa. Ng nalaman ko nalang na wala na siya"

"Pano mo po kinaya ang lahat?"

"Hmm nung papunta siya dito daladala niya ang bulaklak na rosas at ang isang sulat."

Ipinakita sakin ni manang yung sulat at binasa ko ito.

Dear Ellen mahal ko ,

      Una sa lahat maraming salamat sa iyong pag mamahal , sa iyong pag aalaga at pag tiya-tiyaga. Ikaw ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko bukod sa aking ina. Kahit na minsan ay ang sakitin mo kasi pasaway ka , ayaw mong sinusunod yung sinasabi ko. Pero mahal na mahal parin kita , at kahit mawala ako patuloy kitang mamahalin at babantayan. Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa buhay ko , ikaw ang pinaka magandang babae sa lahat , hinding hindi kita kakalimutan kahit tayo ay matanda na , at kahit sa kabilang buhay na mag aantay ako sa iyo. Ellena mahal ko makalimutan mo man ako , mawala man ako , ipag palit mo man ako , patuloy kitang mamahalin habang buhay.

  Nag mamahal
Alex

Habang binabasa ko ang sulat na iyon , naiiyak ako kasi sobrang tibay ng pag mamahalan nilang dalawa. Alam ko sa sarili ko at pinangako ko na sa oras na mag mahal ako muli hinding hindi ko na hahayaang mawala ang babaeng pinaka mamahal ko at hinding hindi ko hahayaang may mga bagay na mag layo sa aming dalawa.

Binigay ko kay manang yung sulat.

"Manang ganun pala talaga kayo kamahal ng asawa mo"

"Oo sobrang mahal ako noon. Kaya ikaw iho habang bata kapa maging masaya ka kasama ang mga mahal mo at pahalagahan mo ito"

"Opo manang salamat po"

"Sige na iho ako'y aalis na sa susunod ulit na tayo ay mag kita kkwentuhan kita tungkol sa amin ng aking asawa. Ano nga pala ang iyong pangalan?"

"Ako po si Jae. Sige po manang"

"Sige mag iingat ka"

Umalis na si manang , at natulala nalang ako bigla , ayaw kong maranasan ni jiselle ang ganoon kay manang kaya lahat gagawin ko para maging masaya siya.

Di ko na namalaya  yung oras , 7:15 na pala , at di ko na nainum ang kape ko kasi malamig na. Nag bike na ako papunta sa school.

Nakita ko kaagad si ken. Nilapitan ko siya ang weird talaga neto.

"Uy ken , napractice muna ba yung kanta at sayaw?"

"Hindi pa."

Tinanggal ko yung headphone niya. At binalik niya kaagad ito at iniwan na ako.

Nag lakad na ako nag tataka ako dun sa kotse na nakapark hindi familiar yung kotse na yun kanino kaya yun.

Nasa practice room na ako kasama yung iba ko pang kagroup. Kinausap na kami ng manager namin na kailangan na daw namin matapos yun dahil mag kakaron ng event next month isa daw kami sa mag peperform kasama na din ang group nila , jiselle.

Nag practice na kami. At yung title ng kanta namin 'Butterfly' pero ang ganda naman ng message nung kanta at masarap pakinggan. Nag start na kaming mag record at nag tulong tulong gawan ng dance cheography yung kanta.

Buong mag hapon nag papractice kami may break pero 30 minutes lang.

Pauwi na ako ngayon , iniwan ko nalang yung bike at mag taxi nalang ako. Baka di ko kayanin mag bike sa sobrang pagod.

Habang nag aantay ako biglang dumaan yung kotse na nakita ko kanina , nakita ko lang yung sideview ng muka ng babae. Hmm sino kaya yun transferee siguro yun

Nakauwi na ako at naligo kaagad at pag katapos ay kumain. Tinignan ko kaagad yung facebook account ko at nag tingin tingin lang saglit.

Iniisip ko parin yung kwento ni manang , kinaya niya yun hanggang pag tanda niya hindi niya pinag palit yung asawa niya.

Bilib talaga ako sa mga katulad nila , na kayang kaya panindigan yung mga salitang binibitawan nila. Hmm

Gagawin ko rin yun tulad ng ginawa ni manang kahit wala na si ji o wala na ako patuloy ko siyang mamahalin habang buhay , at di ko siya papalitan kahit anong mangyari.

Matutulog na ako at may practice pa kami bukas , pupuntahan ko rin si jiselle sa kanila para ikwento yung napag usapan namin ni manang sa park. Siguro matutuwa yun mahilig pa naman siya sa mga ganung story.

Tinignan ko muna pictures ni Ji at natulog.

It Matters How It EndsWhere stories live. Discover now