Jiselle's POV
Dalawang araw na simula nung sinagot ko si Jae na hindi nya ko pwedeng ligawan medyo masakit sakin dahil gusto ko na nga si Jae, pero ayaw ko siyang masaktan kaya okay na rin yun tutal lagi pa rin naman kaming mag kasama, actually everyday, we are together. I'm not having bad time with him. Masaya ako kung ano kami ngayon, mag best friend.Kalalabas ko lang ng room inaantay ko lang si Jae dito sa garden, nag iba pa kasi ako ng block eh, yan tuloy di na kami sabay. Psh.
Pero speaking of my best friend, andito na siya.
"Yow" sigaw nya.
"Psh. You are not a rapper so don't say 'Yow'" sabi ko sa kanya, inaasar ko lang.
"Grabe Ji, katanghaliang tapat nambabara ka" sabi naman nya.
"Okay lang yan, ikaw lang naman yan. Hahahaha" sabi ko sabay tawa.
"Sige Ji tawa pa" sabi naman nya na kala mo nalugi.
"Joke lang di ka mabiro, yung mukha mo kasi parang nalugi" sabi ko. Hayss okay na kalma na, delikado sa puso ko.
"Tara mall tayo, bonding tayo bago mag start yung midterm natin" sabi naman nya.
"Sure, kasi for sure kawawa tayo pag nag start na yung midterm natin. Kaya magandang idea yang naisip mo" sabi ko naman.
-Mall-
"San muna tayo Jae?" Tanong ko sa kanya. "Ikaw san mo ba gusto muna pumunta?" Tanong naman nya. "Timezone tayo Jae" suggest ko sa kanya. "Sige, namiss ko na rin mag laro-laro sa timezone eh" sabi naman nya. "Tara na Ji" yaya nya sakin.
-Timezone-
"Ji panoorin mo ko mag basketball, gagalingan ko promise" sabi nya habang naglalakad kami papunta sa harap ng basketball machine.
Katatapos lang kasi namin pumila para kumuha na lang ng card dito sa Timezone.
"Wushu, sige pag naka 50 plus kang points, libre ko na yung pagkain natin mamaya" hamon ko sa kanya.
"Sige, sabi mo yan ah, wala ng bawian yan Ji ah" kampante nyang sabi.
Nagsimula ng mag shoot si Jae, ang galing nga nya, sunod sunod na shoot. Ilan lang yung pumalya. After nya maglaro score nya 64. Galing! Kaso libre ko yung pagkain mamaya, pero okay lang yan, si Jae naman yan eh.
"Pano ba yan Ji, score ko 64, libre mo ah" pagmamayabang nya sakin.
"Psh. Tsamba lang yun Jae, pero sige na nga libre ko na mamaya" sabi ko naman sa kanya.
"Ano naman gusto mong laruin?" Tanong nya sakin.
"Ikaw bahala." Sagot ko naman.
"Hmmmmm, 'Deal Or No Deal' tayo Ji" suggest naman nya.
Pumayag na ko. Gusto ko din naman maglaro nun eh. "Number 7 piliin mong brief case Jae" suggest ko naman.
"Bakit naman 7 napili mo Ji? Anong meron sa 7?" Nagtatakang tanong nya.
Ay di na nya naalala." Di mo ba naaalala? 7 nun nung una tayong nagkita?!" Sabi ko sa kanya."Ganun ba, di naman ako mahilig umalala ng mga dates" inosente nyang sabi.
Yun nga pinili nya yung 7. Malapit ng matapos yung laro brief case na lang namin na 7 at yung number 4 yung di bukas. Yung nasa board naman, 1 ticket at 200 tickets. Grabe, deal or no deal.
"Ji deal na tayo" sabi ni Jae na sobrang pressure kala mo 1million yung nasa board.
"Noooo! No deal tayo" sabi ko naman. Dapat ilaban namin yung case namin. Basta gusto ko No Deal.
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
RandomAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...