Jae's Pov
3weeks ng hindi nag papakita sakin si Jiselle , nag change block na din siya. Hindi ko alam kung anong block niya na ngayon.
Galit kaya siya sakin.
Papunta ako ngayon sa training namin. Habang nag lalakad ako nakita ko ang mga kagroup ni Jiselle pero wala naman siya dun.Nandito na ako sa Practice room namin. Kausap si Jid.
"Jid alam ko na kapatid mo si Jiselle , bakit hindi ko na siya nakikita?"
Ayaw talaga sabihin sakin kung nasan siya.
"Hindi ko alam hindi naman kami nag kakausap ni Ji."
"May problem ba siya?"
"Jae , tigilan muna kapatid ko please. Iniiwasan ka talaga niya. Kaya wag muna siya hanap hanapin. Mag focus na tayo sa ippresent nating sayaw next year."
"Yun ba ang gusto niya?"
"Oo."
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kaming nag ganito ni Jiselle.
Nag sayaw nalang ako , nag compose ng mga kanta. Araw araw ang routines ko lang , matulog , kumain , pumasok , mag training , umuwi matulog ulit. Paulit ulit lang lumipas ang mga araw na hindi ko siya nakikita.
Namimiss ko pa din siya , kapag nakita ko siya kakausapin ko talaga siya.
Jiselle's Pov
"Guys pahinga muna tayo. Maya practice ulit tayo. Lets take a break."
Nakakapagod mag sayaw ng paulit ulit. Mamaya pag uwi ko kailangan ko pa mag review may test kami bukas.
Ganto nalang ako palagi sobrang busy.
Madami ng nag bago ngayon. Hindi na ako tulad ng dati na nerd , binago kaming lahat ng manager namin.Madaming nag kakagusto sakin , pero wala sa isip ko ang lovelife. Career and study first.
Madalas kong tinataguan si Jae kapag nakikita ko siyang hinahanap ako sa mga kamember ko. Ang hirap na nga dahil palagi niya akong hinahanap. Pero itong mga nakaraan , hindi ko na siya nakikita. Nag bago nadin siya sobra , tapos aaminin ko sobrang gwapo niya , madaming babae ang nababaliw sa army ngayon pati sa G7 na kalaban nila.
Pero mas boto ako sa army dahil nandun si Jae at si kuya Jid. Ang galing nila sumayaw , tapos mga pacute sila. Haha lalo na si kuya Jid.
Yung kamember ko nga eh nag kakacrush sa kanya at tulungan ko daw siya kay kuya Jid pero hindi yun pwede.
"Guys practice na ulit then after uwi na tayo."
Nag practice kami ulit. Ang kukulit nila paulit ulit kami. Hanggang sa natapos na kami mag practice.
Nag lalakad na kami papunta sa parking lot. Sumakay nako sa car , pero nag pahinga lang saglit.
Jae's Pov
"Ghinno pm mo sila mamaya. Para mag happy day tayo."
"Sige. Di ko alam kung sasama ba si ken kasi walang hilig yun."
"Pilitin mo siya. Sige bye."
Nag lalakad na ako papunta sa car ko. Biglang nag ring phone ko.
[Jid Incoming call]
Sinagot ko na.
"Jae nakita mo ba si Jiselle? Hindi pa kasi siya umuuwi. Late na masyado."
Tiningnan ko yung oras 11:30pm na.
"Hindi ko siya kasama pero hahanapin ko siya dito sa school."
"Sige salamat text mo ako kapag nakita mo siya."
Binaba ko na kaagad yung call.
Tumatakbo ako papuntang library dahil baka nandun lang siya mahilig siya sa tahimik na lugar kaya baka nandun siya.
Paikot ikot ako ngayon dito sa library pero wala. Pagod na pagod na ako naikot ko na ang buong school. 12:15 na. Tinawagan ko si Jid.
[Call]
"Jid wala pa ba siya diyan?"
"Wala pa din."
"Sige"
Binaba ko na ulit agad. Bumalik ako sa parking lot para uminum may inumin ako sa sasakyan.
Nag lakad lakad ako sa parking lot.
"Jiselle?"
Tumakbo ako papunta sa sasakyan niya nakita ko siyang nakaupo sa sasakyan niya at nakapikit.
Binuksan ko kaagad yung sasakyan niya.
"Jiselle? Okay ka lang ba?"
Nag aalala na ako sobra sa kanya.
Tumingin siya sakin. At nag katinginan kami."Ji ano bang ginagawa mo dito? Nag aalala na sila lalo na ako sayo."
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sorry." Sabi niya lang.
Yakap ko pa din siya.
"Wag muna uulitin yun. Akala ko nawawala ka talaga."
Nakatingin lang siya sakin.
"Hahatid na kita pauwi , tara na."
Sinakay ko siya sa sasakyan ko. At hahatid ko na siya pauwi.
"Ji bakit iniiwasan mo ako?"
"Sorry talaga Jae. Yun lang alam kong tama."
"Tama? Naguguluhan ako Ji."
"Hindi mo ako pwedeng magustuhan , hindi tayo pwede."
"Bakit?"
"Dahil nag uumpisa palang tayo sa career natin ayaw ko masira yun"
"Ji hindi naman ako nag mamadali. Kung gusto mong kilalanin ako maigi sige okay lang. Basta wag kana ulit iiwas sakin."
"Sorry Jae. Hindi ko na uulitin."
Nandito na kami ngayon sa bahay nila. Hinatid ko siya sa loob ng bahay nila. Nag pasalamat sakin sila tito at tita. Tapos umuwi na din ako.
Nakahiga ako ngayon. Iniisip ko kung pano at ano ang gagawin ko para magustuhan din ako ni Jiselle. Pero okay na yung ayos na kami. Makikita ko na siya ulit.
To be continued...
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
RandomAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...