Chapter 4: School

62 2 0
                                    


Jiselle's Pov

"Magandang umaga sa lahat"

nag sasalita yung speaker , iwewelcome niya daw kaming mga Grade 11. Nakakaborring siya at ang ingay pa dito.

"Sana magustuhan ninyo ang building na ipinagawa para sa inyo , room with Cr , aircondition , at hindi kayo gagamit ng black board , white board ang gagamitin niyo. Masaya ba kayo sa mga rooms niyo?"

Sana nga maganda , at sana naman matino mga classmate ko.

"Attention , dito mag aaral ang anak ng nag pagawa ng building ninyo , so iwelcome natin siya , Peter Jae Chavez , let's give him around of applause"

Nagulat ako ng sobra , kahit sobrang ingay dito rinig na rinig ko yung pangalan niya. Father niya? Yung nag pagawa so it means mayaman pala siya.

Ibig sabihin nun makakasama ko siya at makikita na palagi? Masaya ba ako?

"Hello po , goodmorning everyone. I hope you like our new building."

Nung nag salita na siya andaming nag tilian na mga babae. At naririnig ko pa mga sinasabi nila.

"Ang gwapo niya"

"My ghad , ano daw ulit pangalan niya?"

"Peter Jae Chavez daw , ano kayang block niya sana classmate natin siya."

"Madadagdagan na ang gwapo dito sa school"

Hay na ako parang yung nababasa ko lang sa wattpad , yung mga lalaki na sikat sa school. Tapos madaming nag kakacrush sa kanya.

"Ang block ni Peter Jae , ABM block A"

Classmate kami?? Why..

"Okay guys hanapin niyo na ang mga rooms niyo enjoy , and welcome back!."

Makaalis na nga dito , ang ingay nila. Pumunta na ako sa room ko , wala pa naman tao ako palang. Baka yung mga student nag iikot pa sa buong building.

Biglang may pumasok na lalaki at sinara yung pinto. At Mukang pagod na pagod.

"Grabe kapagod , sana di na nila ko nasundan dito"

tinitignan ko lang siya habang nakatayo sa tabi ng pintuan.

"Wala pa palang tao dito. Buti nalang Hindi na maingay"

Di ba ako tao?

"Jae?"

Napalingon siya sa likuran at mukang gulat na gulat. Tinitigan niya ako pero nakakatakot tingin niya.

"Jiselle???"

Nginitian ko nalang siya.

"Jiselle , dito ka pala nag aaral?"

"Oo , So mag kikita na tayo palagi dahil mag classmate tayo"

"Oo nga , Yes!"

"Ang saya mo ah , san ka pala galing?"

"Galing kasi akong cr , pag labas ko sobrang daming babae tapos nag papapicture sila. Kaya yun pag labas ko tumakbo na ako at hinabol pa nila ako , buti nga nakita ko agad tong room natin"

Biglang may nag bukas ng pintuan , at yung muka ni jae na gulat na gulat at natatakot , natrauma yata siya. Haha

Pumasok bigla yung adviser namin yata.

"Kayo palang nandito? Nasan na iba niyong classmate?"

"Mam , hindi ko po alam wala pa po , baka po nag ikot ikot pa sa building" sagot ko.

"Ah okay , bukas na tayong lahat mag meet ha? Thank you"

"Okay po mam"

Bukas na? Pwede na kaya umuwi.

"Jiselle tara labas tayo."

"Ayaw ko next time na lang. Sige una na ako." Lumabas na ako ng room pero sumusunod pa rin siya.

"San ka pala pupunta?"

"Basta. Bukas nalang."

"Sama ako. Sige na dalhin mo ako sa favorite place mo dito. Tsaka di pako familiar dito. Please?"

"Hmm sige na nga pero wag mo muna ako lapitan. Kita nalang tayo sa parking lot."

Tumakbo na ako palayo sa kanya. Ayaw ko kasi mag karon ng issue na kung ano ano.

Nasa parking lot na ako ng almost 2hours. Nasaan na ba yun? Ano ba yan. Hala hindi kaya naligaw yun? Hindi pa siya familiar dito sa school. Oo nga pala. Hahanapin ko nga yun.

Nag lalakad ako ngayon dito sa building ng junior high. Nasaan na ba yung lalaking yun.

Napadaan ako sa music room , at nakita ko siya na may kasamang babae habang nakaupo sila. Nandyan lang pala siya habang antay ako ng antay.

Bumalik nako sa parking lot at sumakay na sa car at umuwi.
Nakakainis yung Jae na yun

Pag kauwi ko dumiretso na ako kaagad sa kwarto at nag palit ng damit. Humiga ako sa kama , iniisip ko pa din kung sino yung babae. Girlfriend niya kaya yun.

Haaaay nako ewan. Bahala na di ko siya kakausapin talaga bukas. Pinag antay niya ako ng matagal.

Jae's Pov

"Sige pag iisipan ko muna po yung offer niyo."

"Okay. Thank you"

"See you around. Bye"

Tumakbo na ako papuntang parking lot pero wala naman siya dun. Anong oras na ba.

Pag tingin ko sa relo ko 9:30am na? Kanina 7am palang ah. Ang tagal na pala namin nag uusap nun. Lagot ako baka nag antay siya tapos nainip tapos umuwi na.

Kinuha ko kaagad yung phone ko. Tinext ko siya para humingi ng sorry. Pero hindi naman nag rereply.

Umuwi na ako kasi nakakapagod ngayon. Nasa kwarto ko na ako nakahiga at nag papahinga. Hmm sasali ba ako sa group na yun o hindi?

Alam kong mgaling ako sumayaw at kumanta pero kinakabahan pa din ako sa offer niya.

Flashback...

Nag lalakad ako papuntang parking lot ng biglang may tumawag sakin.

"Jae? Pwede ba kita makausap?"

"Okay po mam."

Pumunta kami sa music room at dun nag usap.

"Ako ang manager ng army, bubuo ako ng boy band at gusto kong isa ka dun

"Mam? Pero bago palang po ako dito. At tsaka madami pang iba diyan."

"Alam ko at alam kong ikaw ang bagay dun. Kapag pumayag ka sa offer ko mag kakaron kana kaagad ng trabaho magiging artist kana after mo maka graduate. Madaming nag hahangad na mapasali sa army pero di sila nakakapasa. Kaya please mag audition ka bukas , ippresent bukas lahat ng clubs dito sa school at mga boy/girl band."

"Pag iisipan ko muna po yun."

"Sige , kapag pumayag ka mag handa kana ng ipang aaudition mo."

"Sige po mam"

"Okay. Thank you"

End of flashback

Kaya ko ba? Hmm sige susubukan ko nalang. Kakanta nalang ako bukas.

To be continued...

It Matters How It EndsWhere stories live. Discover now