Chapter 6: Meeting

60 3 1
                                    

Jid's Pov

Mamemeet ko na ang mga kamember ko yehey!

Pumasok ako ng maaga , at pumunta sa Dance room namin.

Nandun na silang lahat , ako nalang inaantay. Ang aga ko naman ah , sabi nila 7:30am , 8am palang naman. Aga pa.

"Guys introduce yourself.
You first Jid."

Ako agad porket late ako.

"Im Jid Kobe Rame"

"Next"

"Im Peter Jae Chavez"

"Im Luke James Mendez"

"Im Marco Yvann Hill"

"Im Jacob Matthew Lim"

"Im Ghinno Wiles"

"Im Ken Yohan Wiles"

Mag kapatid sila kaya pareho sila maliit.

Jae's Pov

Ano kayang gagawin namin ngayon.

"Guys ngayon kailangan niyo muna kilalanin ang mga kamember niyo. Dahil next week start na ng training niyo. Ayaw kong magkaron ng ilangan kaya gawin niyo na."

Nakakaexcite naman yung training.
Umalis na yung manager namin , kaya nag usap usap kami. Medyo kilala na namin yung isat isa. Mababait naman sila , makukulit sila , si Ken lang medyo tahimik at ako.

Hanggang 10:30am kami nag usap usap. Tapos umalis na din kami nag punta ko sa room para puntahan si Jiselle.

Jiselle's Pov

Nasan nanaman kaya yun. Ang tagal niya.

"Jiselle?"

Nandito na pala siya akala ko wala nanaman.

"Tara na jae?"

"Oo punta tayo sa cafeteria nagugutom na ako."

Pumunta na kami sa cafeteria para kumain. Kumain kami nag kwentuhan nag kwento siya tungkol sa mga kagroup niya ang kukulit daw at madaldal lalo na daw yung nalate sa kanila. Pero nakalimutan niya na daw pangalan. Bata bata pa niya makakalimutin na.

"Kamusta naman manager niyo? Masungit ba?"

"Hindi naman mabait siya."

"Ah buti naman , next week start na daw talaga ng class natin."

Kumain lang kami at nag kwento. Tapos pumunta kami sa park , car niya nalang ginamit at hahatid nalang daw ako at bukas susunduin niya daw ako.

Nasa park kami nakaupo sa swing.

"Jae kahit Ji nalang ang itawag mo sakin."

"Ji bakit naman?"

"Kasi yan lang tinatawag sakin ng mga kaclose ko na yung mga hindi ang tawag sakin Jiselle or shanaia."

"Sige , ako itawag mo nalang sakin Jae padin"

Natawa ko kasi kala ko may ibang pwede itawag sa kanya.

"Sige jae. Bakit ka pala lumipat ng school?"

"Gusto lang ng parents ko na lumipat ako , dahil daw lahat ng anak ng mga mag kabusiness partner dun nag aaral."

"Ahh kaya pala. Di ka ba nalungkot dahil iniwan mo mga kaibigan mo dun?"

"Wala naman akong kaibigan dun. Nag karon ako ng kaibigan na naging bestfriend ko then we love each other so much. Pero naka arrange marriage siya sa hindi niya naman gusto. Nilayo siya sakin. Tapos hindi niya kinaya tapos.."

"Tapos?"

"Nag suicide siya. Sobra kong nasaktan nung nalaman ko yun , sinisisi ko yung parents niya dahil sa ginawa nila nawala siya. Akala ko nga nun sabay kaming lalaban , pero dahil wala pa kaming kayang gawin , pag aantay lang ang kaya namin kung kailan kaya na namin na hindi sundin ang parents namin. Simula nun ayaw ko ng makipag kaibigan kahit sino dun sa school namin. Gagradute na sana kami pero nasayang yung pinag hirapan niya."

"Kaya ba pumayag ka na lumipat para makalimutan na yung past?"

"Oo , habang nandun ako masasaktan ako"

Ang sakit naman ng nangyari sa kanya. Kung mangyari sakin yun hindi ko gagawin yung ginawa nung bestfriend niya.

"Kaya kung mag karoon ulit ako ng girlfriend at mangyari yun na ilalayo siya. Hinding hindi ako papayag."

"Mabuti yan , sabi nila kapag mahal mo ipag laban mo"

Natawa siya sa sinabi ko , ginulo ko nalang buhok niya.

"Umiiyak kana ba Jae? Hahaha"

"Hindi ah namimiss ko lang siya."

"Sige ganto pumikit ka , tapos isipin mo na ako siya. Tapos sabihin mo lahat ng gusto mo sabihin sa kanya."

"Sigurado ka?"

"Oo dali na gawin muna."

Pumikit siya at tinitingnan ko lang siya.

"Kathlene , bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka nag antay?"

Habang nag sasalita siya nararamdaman ko yung sakit na dinaramdam niya. Unti unti ng tumutulo luha ni jae. Naiiyak din tuloy ako.

"Kath alam mo ba , miss na miss na kita miss ko na yung pagiging makulit mo , at pagiging childish. Kahit na minsan palagi mo akong inaasar sa ilong ko namimiss ko pa din. Sana kath bago ka nawala nakausap muna kita sana nalaman mo lahat , lahat ng dahilan kung bakit kita nagustuhan at kung bakit kita minahal. Lahat ng tungkol sayo gusto ko. Mahal na mahal kita kath , sobra. Kung pwede lang na maibalik yung dati hindi ko na hahayaan na ilayo ka nila sakin. Pero wala na tapos na. Sana kath masaya ka ngayon , sana makakilala ako ng katulad mo na kahit weird at may pag kanerd masarap kasama at masarap mahalin. Hindi kita kakalimutan. Mahal na mahal kita"

Umiiyak na si Jae sobra talaga siyang nasaktan. Sa nangyari , pinunasan ko yung luha niya at niyakap ko siya para icomfort. Pero alam ko naman na kulang pa yun para sa sakit na nararamdaman niya.

"Tahan na Jae , hindi ko gusto na umiiyak ka , nasasaktan ako."

"Ji?"

Pinikit ko ulit mata niya.

"Im kath. Hindi ako masaya kapag nasasaktan ka. Kaya tahan na magiging okay ka din at makakakilala ka din ng mas better pa sakin. Mahal na mahal kita Jae."

"Mahal na mahal din kita"

Mahal niya nga talaga si kath. Pinadilat ko na siya.

"Ang iyakin mo Jae tingnan mo pati ilong mo umiiyak na."

Nag tawanan kami , kumain ng icecream. Tapos dahil gabi na hinatid niya na ako pauwi.

To be continued...

It Matters How It EndsWhere stories live. Discover now