Jae's Pov
Nasan kaya si Jiselle , saang club kaya siya sumali.
"Mag sisimula na ang audition para sa boy band na army!! Handa na kayo?"
Sobrang daming tao at ang ingay. Nandito ako sa backstage inaayusan ako para sa audition.
"Attention , once na nag simula na ang audition silence please? Para mapakinggan sila ng maayos ng mga admin. Okay mag sisimula na tayo. Let's give him around of applause for Ken Yohan Wiles!"
Nag sisimula na pala , pumunta ako sa gilid para makita yung unang nag audition.
"Good morning , Im Ken Yohan Wiles from ABM block A. Sasayaw po ako"
[Eyes nose lips by taeyang]
Nag simula na mag sayaw yung ken , ang galing niya sobra sumayaw siguro kung makakapasa siya magiging dancing machine siya ng army. Natapos na siya mag sayaw. At nag bow na siya. Nag salita na yung admin.
"Ken , Your in. Pero may training pa din kayo so Congrats!"
Nag sigawan nanaman yung mga tao dahil nakapasa siya. Sino na kayang next.
"Let's give around of applause for our next auditionist. Jid Kobe Rame"
"Hello. Im Jid kobe Rame. Kakanta po ako"
Sobrang sikat naman nito andaming nag sisigawan sa kanya.
[Im yours by Jason Mraz]
Nag simula na siya kumanta at ang charm niya kaya andaming nag kakagusto sa kanya. Hanggang sa natapos na siya kumanta.
"Your in! Congrats Jid" speaker
Lahat sila nakakapasa ako kaya. Kinakabahan ako.
"Let's give him around of applause. Next is Peter Jae Chavez"
Ako na pala next. Nag inhale exhale muna ako bago pumunta sa stage. Nung napatingin ako sa malayo nakita ko Jiselle na nakaupo habang nanunuod. Nginitian ko siya.
"Hi , Im Peter Jae Chavez. Kakanta po ako at sasayaw"
[ It will rain by Bruno Mars]
Habang kumakanta ako si Jiselle lang ang tinitingnan ko kasi nawawala yung kaba ko. Di ko alam kung alam ba niya na sa kanya ako nakatingin. Para sa kanya tong kinakanta ko.
Hanggang sa natapos na yung kanta.
"Jae may tinitingnan ka ba sa likod? Nasa likod ba ang kinakantahan mo?"
Tanong ng admin.
"Ah opo."
"Ganun ba kaya pala. Your in! Be on training. Congrats!"
"Thank you po"
Umalis na ako sa stage. Tumakbo ako papunta kay Jiselle pero hindi ko nakita si Jiselle sa kinauupuan niya. Hinanap ko siya kung saan saan. Pero wala pa din. Umupo nalang ako sa likod pinapanuod yung mga nag aaudition.
Natapos na yung mga nag audition para sa Army. Siguro bukas mag kikita na kaming lahat. Girl naman yung mga nag aaudition ngayon.
Tinawag na yung name ng unang mag aaudition. Pero hindi ko narinig yung pangalan ang ingay kasi e. Lumabas na galing backstage yung .
Familiar yung mukha niya.
Jiselle's Pov
Kinakabahan ako para sa audition.
"Hello , kakanta po ako"
[Music play: Crazier by Taylor Swift]
Habang kumakanta ako , kinakabahan pa din ako.
Hindi ko alam kung bakit yung mga mukha ng mga tao paramg gulat na gulat. Siguro di nila ako nakilala dahil nag ayos ako at walang salamin.
Napatingin ako sa likod at nakita ko si Jae , tinitingnan ko lang siya , parang nag baliktad kami. Kanina siya yung kumakanta dito , ako kaya yung tinitingnan niya kanina.
Natapos na yung kanta at masaya ako dahil nagawa ko ng maayos.
"You're so beautiful. So Congrats. See you on training" admin.
Ang saya ko nakapasa ako sa audition.
Umalis na ako sa stage at pumunta sa cr para mag palit ng damit.Pag tapos ko pumunta na ako sa cafeteria nagugutom na kasi ako.
Kumain lang ako , habang naka headphone nakikinig ng music."Jiselle?"
Ang sarap talaga ng ricecake.
Biglang may kumalabit sakin. Tinanggal ko kaagad yung headphone ko. Si jae pala."Ikaw pala. Bakit?"
Tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Jiselle sorry nung last time dahil di tayo nakaalis. Galit ka ba sakin?"
Hmm hindi na ako galit sa kanya pero ewan ko hindi ko alam.
"Hindi naman. Okay lang yun"
Nginitian ko nalang siya para makita niyang okay na talaga.
"Babawi ako bukas , promise!"
"Sige. Sino pala yung kausap mo kahapon?"
Hala bakit ko tinanung yun. Ano bayan!
"Ah ayun nakita mo pala. Manager ng army yun , pinag audition niya kasi ako kaya nag kausap kami"
"Kaya pala nag audition ka"
"Oo , bakit nawala ka bigla kanina? Sayang di mo nakita yung babae kaninang nag audition bago lang siya dito yata. Sobrang ganda niya tapos mukang mahiyain siya."
"Ah sayang kasi...."
"Tapos ang familiar ng mukha niya at boses"
Hindi kaya ako yung tinutukoy niya?
"Ano kinanta niya?"
"Crazier ni taylor swift"
Ako nga , hindi niya pala ako nakilala. Hahaha bahala siya mag isip kung sino yun.
"Ah ayun oo."
"Kilala mo?"
"Hindi yata"
"Ah sige , Jiselle una na ako may meeting kami"
"Sige ingat. Bukas nalang ulit."
Umalis na siya at ako pumunta din sa meeting namin.
To be continued...
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
De TodoAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...