Jiselle's Pov
*kriiiiing kriiiiiing*
Ang ingay ng alarm clock. Inaantok pa ako buti nalang walang pasok ngayon. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
Iniisip ko yung mga sinabi ni Jae. Ano kaya itsura nung kathlene , pano kaya sila nag kakilala. Akala ko katulad ng ibang lalaki si Jae hindi pala. Pamysterious yun
Nag shower na ako , kumain at pumunta sa meeting place namin ng mga kagroup ko.
Nasa mall na ako pero wala pa rin sila. Sabi nila 8:30am bakit wala pa sila 9am na nakakainis naman.
Kinuha ko phone ko para icheck yung group chat namin.
Friday at 11:50pm
Anicca : Okay. Pm niyo nalang si Jiselle na hindi tuloy ang practice.
Seen: Jewel , Ruffy , Janicca..Seriously? Wala talagang nag pm man lang. Nakakainis naman gumising pa ako ng maaga tapos wala naman pala kainis.
Nag lalakad na ako dito sa mall mag gagala nalang ako bibili ng gamit ko at kung ano ano pa.
Nandito ako ngayon nag titingin ng mga magazines. Bibili kasi ako ng magazines , notebooks , ballpen , book. Nag lalakad na ako papunta sa cashier bigla akong nabunggo nung lalaki , nalaglag lahat ng daladala ko. Dinampot niya lahat tapos binigay sakin.
"Sorry ms. Nag mamadali kasi ako , gamit mo oh"
Malas talaga ng araw ko ngayon.
"Ah okay lang."
Binigay niya yung gamit ko tapos umalis na. Nag bayad na ako at nandito ako sa coffeeshop. Nag papahinga lang saglit. Biglang nag ring yung phone ko kaya sinagot ko.
[CALL: Jae]
"Hello , Jiselle nasan ka ngayon?"
"Hello , nandito ako sa coffeeshop. Bakit?"
Tumatawa siya.
"Ako din"
[End call]
Biglang may umupo sa harap ko at si Jae.
"Bakit ka nandito Jae?"
"Wala lang. May pupuntahan ka Ji?"
"Wala naman."
"Punta tayo sa bahay."
"Ha? Bakit?"
"Wala lang dun lang tayo."
"Ah sige."
Pumunta kami sa bahay nila tapos nanuod lang ng movie. Nakakaantok naman.
Jae's Pov
Nanunuod lang kami ng movie dito sa bahay. Nakatulog na si Jiselle. Binuhat ko siya para ihiga dun sa kwarto ko.
Umupo lang ako sa tabi ng kama , habang tinitingnan siya. Ang ganda niya pala , tatanggalin ko na yung salamin niya.
Pag tanggal ko nagulat ako kasi kamuka niya yung babaeng nag audition dun. Pero feeling ko si Jiselle at yung nag audition iisa lang.
Mas maganda pa lalo si Jiselle kapag walang salamin. Nag kaboyfriend na kaya siya?
Ang saya ko kasi nag kabestfriend ako ng tulad niya.
Sana magustuhan mo din ako Jiselle. Paparamdam ko sayo kung gaano kita kagusto.
"I Like you Jiselle"
Jiselle's Pov
Bakit? Bakit ko kailangan marinig yung sinabi ni Jae.
Paulit ulit na sa isip ko yung sinabi niya na gusto niya ako. Hindi talaga ako tulog kanina , pumikit lang ako pumikit lang. Lord why you do this to me.
Dinilat ko mata ko para makita ko si Jae. Nakatulog na siya.
Dahan dahan ako tumayo , at nag ikot ikot sa kwarto niya. Ang laki ng kwarto niya at puro picture ni PIcachu. Hahaha
Kinuhaan ko ng picture mga pictures niya na may lipstick siya sa cheek. Gusto niya maging picachu.
Tapos may nakita akong picture ni kathlene. Ang ganda niya pala , mukang mabait siya.
Kung magustuhan ko si Jae paano kung pag hiwalayin nila kami. Ayaw kong masasaktan si Jae.
Kinuha ko na yung gamit ko at umuwi na nag paalam na ako sa maid nila sa bahay at sabihin na umuwi na ako.
Nasa bahay na ako ngayon nakahiga. Gusto ko muna matulog.
[Panaginip]
May humihila sakin na babae. Hindi ko makita yung mukha niya. Pero alam kong maganda siya.
"Saan mo ako dadalhin."
Pilit kong kinukuha kamay ko pero ang hirap kasi ang lakas niya. Biglang dumilim sa paligid. Naririnig ko lang nag sasalita yung babae.
"Wag mong sasaktan si Jae. Mahal ko siya. Sana wag mo hahayaan na umiyak ulit siya."
~~~~
Bigla akong nagising si kathlene ba yun. Pawis na pawis ako kahit naka aircon naman dito sa kwarto ko.
6am na pala. Matutulog na lang ako ulit.
Sinubukan ko ulit matulog pero hindi ako makatulog ng maayos.
Ayaw kong masaktan din si Jae , nagugustuhan niya na ako pero may sakit ako , may sakit ako sa puso ayaw kong masaktan siya kapag nawala ako. Ayaw kong maramdaman niya ulit ang maiwan.
Anong gagawin ko nito?
To be continued...
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
RandomAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...