Jiselle's POV
After ng performance namin, pumunta na kaagad ako sa backstage. Kailangan ko na ayusin yung mukha ko, mag reretouch na ako.Pagkatapos kong mag-ayos lumabas muna ako sandali para mag pahangin. Umupo muna ako sa isang bench.
Nagulat ako ng may tumabi sa akin. Si Jae. "Hey" sabi ko na halos pabulong na.
"Ang galing mo kanina" sabi nya naman sakin.
"Thank you. Ikaw din, ang galing mo kanina." Sabi ko sa kanya.
"Why did you cry?" Tanong nya sakin.
"May naalala lang akong tao dun sa kanta." Simpleng sabi ko.
"Ahh, ganun ba" sabi nya sabay ngiti.
"Ikaw? You cry too. What's the matter?" Tanong ko sa naman sa kanya.
"May naalala lang din ako" nakangiti nyang sabi.
"Jae, please be my best friend forever okay?" Nagmamakaawang sabi ko.
"I will be your best friend forever. I promise. I will never leave you. I will always by your side. Remember what I've said 'I will live with you, even when we're ghost, cause you are always there for me when I needed you most" tuloy-tuloy nyang sabi sa akin.
Bigla na lamang akong naiyak sa mga sinabi nya. Buti pa siya naipangako niyang di niya ako iiwan. Sana magawa ko rin, sana malabanan ko ang sakit ko.
Ayaw kong iwan si Jae, bwisit kasi tong sakit ko eh. Sana bigla na lang mawala tong sakit ko na parang bula.
Nakayakap na pala sakin si Jae. Kaya naman mas lalo akong naiyak. Pag yakap ko si Jae, parang feeling ko safe ako. Kaya di ko siya kayang iwan.
Natapos na yung program , nag lalakad na kami ni Jae pauwi ihahatid niya daw ako kaya ayun bumili na muna kami ng pag kain para habang nag lalakad kumakain kami.
Nag kwento lang siya tungkol dun sa matanda na nakasama niya dun sa park , ayun natuwa naman ako sa mga kwento niya nakaka inspired yung story.
Sana ganun din kami ni Jae gaya nung sa dalawang matanda kahit na wala na ang isa sa amin, di namin malimutan ang isa't-isa.
"Alam mo Ji.."
"Di ko pa alam" putol ko sa sinasabi nya.
"Patapusin mo daw muna kasi ako diba?." Sabi nya
"Pfft. Go on." Sabi ko na lang.
"Bilib ako dun sa matanda, kasi kahit wala na yung taong mahal nya, ni minsan di nya nakalimutan. Ni wala nga atang balak palitan eh" tuloy-tuloy na sabi nya.
Bilib ako sa lalaking to, ang daldal, pano kaya pag nag-uusap sila ni Kuya Jid. For sure, ang di sila nauubusan ng pag-uusapan. Aish. Makapagsalita nga din.
"Oo nga eh, kaya naniniwala akong may forever, kasi for sure inaantay lang nila ang tamang panahon para magkita sila ulit at magkasama na." Sabi ko naman.
"Sana magkita na sila at maka-pagusap na ulit para pareho na silang masaya. Di ba?" Sabi naman ni Jae
"Yeah pwede silang magkita pag pareha na silang ghost" sabi ko naman.
"Ji, naniniwala ka sa mga multo?" Tanong nya sakin.
"Uhmmm, oo, sabi kasi nila, kapag may ghost daw parang may kakaiba kang nararamdaman. Tsaka sabi ng iba, yung ibang ghost, nandito pa rin kasi gusto nila bantayan ang mga taong mahal nila o mahahalaga sa kanila." Paliwanag ko sa kanya.
"I agree, kaya ako pag nauna akong naging ghost, babantayan kita" sabi nya.
Jusko Jae. Kung alam mo lang baka ako pa mauna maging ghost. Hayss. Buti na lang at sa isip ko lang yan nasasabi.
"Ako din Jae, pag ako naman ang naunang maging ghost, babantayan kita palagi." Sabi ko naman.
"Promise natin yan sa isa't-isa. Promise Ji?" Sabi nya.
"Promise" sagot ko naman. Sabay nag pinky swear kami. Kahit mukhang ewan lang.
"Malapit na tayo Ji, di ko na napansin. Napasarap ata kwentuhan natin." Sabi nya.
"Oo nga eh, para tuloy ang bilis natin maglakad" sabi ko naman.
"Ganun talaga, pag masarap kausap ang kasama mo habang naglalakad, di mo na mapapansin na malapit na pala kayo sa pupuntahan nyo." Sabi naman nya.
Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Tumayo at nagtitigan muna kami ng ilang segundo bagk nag salita
"Pano Jae, pasok na ko, gusto ko na rin magpahinga eh." Sabi ko na lang.
"Sure, good night Ji, sleep well" sabi naman nya.
"Good night din Jae. Bye. See you when I see you again" sabi ko naman.
"Sige na Ji, pag naka pasok ka na, aalis na rin ako." Sabi nya sabay senyas na pumasok na ko.
"Sige, bye ulit Jae." Sabi ko sabay kaway at naglakad na papasok ng bahay.
____________________________________
A/N: Picture po ni Jiselle yung nasa multimedia nung nag perform sila at kinanta nila yung One In A Million.
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
RandomAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...