Jae's POV
Biglang nag alarm yung phone ko , Nagising na ako kaagad. Nag madali pa ako tumayo para mag ayos kasi gusto ko makausap si Jiselle baka may sagot na siya sa tanong ko.
Dalawa lang naman ang pwede nyang isagot oo pwede, o kaya hindi pwede. Pero kung ano man ang maging decision nya, tatangapin ko na lang. Okay lang kung hindi pwede basta't maging mag best friend pa rin kami.
Yung pagkakaibigan namin yung isasaalang alang ko, kaya handa ako kung sakali mang hindi ang sagot nya.
Ready na ako, kaya bumaba na ko at kumain sandali ng breakfast tapos umalis na rin.~school~
Nakita ko na si Ji, papasok na ata ng room nila, kaya tinawag ko. "Ji!"
"Uy Jae, good morning" bati nya, pero parang matamlay ata sya. Hayss matanong nga. "Ji okay ka lang ba mukhang kang matamlay ah" sabi ko sa kanya. "Ah okay lang ako, wag ka na magna lap a, nga pala sabay tayo ulit mamayang lunch ah, may klase pa ba ng hapon?" Tuloy-tuloy na sabi nya. "Wala ata kasi may seminar yung mga teachers natin sa hapon." Sabi ko naman. "Ah okay, sige kita na lang tayo sa garden ah. Bye." Sabi nya pa. "Sige. Bye Ji".
Ayun naghiwalay na kami, sya papunta sa room nya, ako syempre papuntang room ko din.
Hayss, nag-aalala pa rin ako sa sagot ni Ji. Whoo. Kalma lang Jae. Focus muna sa lesson. Inhale! Exhale!
Nagstart na yung class namin, nag focus na lang muna ako para naman may maintindihan at may pumasok naman sa utak ko.
-after two subjects-
Yesss! Tapos na ang klase namin, inayos ko na yung gamit ko, at nagmadali na kong pumunta ng garden baka andun na yun si Ji.
Pag pasok ko sa garden, nakita ko kaagad si Ji, hawak ang phone nya, naglakad ako ng dahan dahan para di nya ko makita, sisilipin ko kung ang ginagawa nya, pag silip ko,.. Nagbabasa sya?? "Anong binabasa mo?" Tanong ko. "Ah mga story sa wattpad, libangan habang inaantay ka. Tara na Jae. San nga pala tayo kakain?" Sabi nya sabay nag pout pa siya.
Shet lang ang cute ni Ji. Okay kalma ka na Jae, whoo. "Ah san ba gusto mo?" Tanong ko sa kanya. "Uhmmm sa....sa.....sa Pizza hut nalang!!" Sabi naman nya. Ang energetic nito ngayon. "Okay tara na?" Sabi ko naman "Tara na, nag crave ako bigla sa pizza eh, haha." Sabi naman nya.
~Pizza hut~
Kakaupo lang namin, makapag order na nga baka gutom na si Ji. "Ji anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya. "Hmmm ikaw na bahala, basta't may pizza" sabi nya naman. "Okay, antayin mo na lang ako dyan." Sabi ko naman sa kanya.
Kumakain na kami ngayon ni Ji, pero di ko alam parang kinakabahan ako, ngayon na siguro sasabihin ni Ji yung sagot nya, kung pwede ko ba syang ligawan. Hayss, good luck na lang sa kin.
Jiselle's POV
Kailangan ko nang sabihin ngayon kay Jae, dahil kapag pinatagal ko pa ito baka isipin ni Jae, pinapaasa ko sya. Okay ito na, whooo.
"Uhmm Jae" sabi ko. "Oh, bakit Ji?" Tanong naman nya. "Yung about sa tanong mo kahapon. Ahh, may s-sagot n-na kasi a-ako" sabi ko naman. "Talaga Ji oh anong sagot mo?" Sabi nya naman. Hayss, hirap naman nito oh, pero kaya ko to. "Uhmm Jae,
s-s-sorry, a-ayaw ko m-muna kasi m-mag p-paligaw sa n-ngayon eh. G-gusto ko muna k-kasi mag-focus s-sa p-pag aaral." Ays bakit nauutal ako. Hala anong sasabihin ni Jae?."Ano ka ba Ji wag kang mag sorry, naiintindihan ko naman kung ayaw mo pa mag paligaw, tsaka hinanda ko na yung sarili ko kung sakaling hindi ka pwedeng ligawan. May isa lang sana akong hiling sayo." Sabi nya
Nakahinga na ko nang maluwag sa sinabi nya, pero ano yung hiling nya, kinabahan ako dun, sana kaya ko kung ano man yung hiling nya. "Ahh Jae, ano yung hiling mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mo sana akong layuan, o kaya naman wag ka mailang sakin, tsaka, sana maging mag best friend pa rin tayo" sabi nya.
Hayss kala ko kung ano yung hiling nya yun lang pala. Yun din naman yung gusto ko, yung maging best friend ko pa rin sya, yung laging nasa tabi ko lang sya. "Oo naman Jae, ikaw lang ang nag-iisa kong best friend bakit pa kita lalayuan noh." Sabi ko naman.
"Thank you Ji" sabi nya naman. Nginitian ko na lang sya. Siguro di ko naman sya nasaktan. Hayss.
Jae's POV
Hayss, hindi ko pwedeng ligawan si Ji, oo kumirot yung puso ko, pero medyo gumaan naman yung pakiramdam ko nung sinabi nyang, di nya ko lalayuan, tsaka ako lang ang nag iisang nyang best friend. Okay na rin siguro na mag kaibigan muna kami.
Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila Ji. Pagkatapos kasi namin mag-usap, hinatid ko na sya.
"Jae una na ako, thank you sa pag hatid sa kin." Sabi nya. "Wala yun Ji, sige alis na din ako. Bye." Sabi ko naman. "Bye Jae. Take care" sabi naman nya.
Tuluyan na nga akong umalis. Di ko pa rin maiwasan na isipin yung nangyari kanina. Pero okay lang yun basta't best friend ko pa rin sya. Haysss.
To be continued...
YOU ARE READING
It Matters How It Ends
RandomAno ang mangyayari kung malaman mong ang taong mahal mo ay mawawala na at ang tanging kasagutan ay yung puso? Handa ka bang ibigay ito kahit buhay mo ang mawawala? Patuloy mo ba siyang babantayan, kahit kaluluwa ka na lang? Babantayan mo ba siya ha...