CHAPTER THREE

36 2 2
                                    

KANA'S POV

Glare....

Oopss I can sense that he is glaring at me. Bahala siya diyan si Tita naman ang kausap ko. Pero naging sunod-sunod ang pagsubo ko ng pizza kasi naman naiilang talaga ako

"Ganyan talaga ang anak kong yan saka mukhang mahal na mahal ka naman niya eh. Kahit ang kapatid pinagseselosan".

Napabuga ako sa pizzang isinubo ko. Pakiramdam ko ay nabulunan ako. Napaubo-ubo ako, maluha-luha pa nga ako dahil nabigla ako sa sinabi nito. Pinalo-palo ko ang aking dibdib.

"Ate Kana.... Oh my God... what is happening to you?." natatarantang tanong ni Blaze.

"Waiter water and tissue please" narinig kong sigaw ni Tita Amanda. Ubo pa rin ako ng ubo.

"C.r la-lang po a-ako". hindi ko na ito hinintay at dumeretso na ako kaagad ng C.r... Nakakahiya.... Si Tita naman kasi eh... ano bang mahal-mahal ang pinagsasabi niya....

Nang maging maayos na ako ay hindi ko alam kung paano ako lalabas.. Nagkalat kaya ako doon sa labas at siguradong pinag-uusapan na ako ng mga tao doon, after a while I decided to go out, hindi naman pwedeng dito nalang ako sa loob ng C.r habang buhay. Nagulat ako ng madatnan ko si Ash na nakasandal sa gilid ng C.r habang nakacross ang arms.

"Are you alright?" he asked. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya na naghihintay sa labas.

"Ha I... I'm okay. Tara na..." nauna na akong maglakad. Sinalubong ako agad ni Blaze ng yakap. He is teary eyed.

"What happened Ate Kana?.. Awe you sick? Let's go to the Hospital". Nag-aalalang tanong nito.

"No... no Blaze.. hindi na okay naman na ako, huwag kang mag-alala okay lang si Ate Kana". pagbibigay ko ng assurance dito.

"Are you sure Kana baka kung ano ang mangyari sa iyo" nag-aalala din wika ng Mama nito. Nako po nabulunan lang naman ako. Hindi naman ako mamatay agad.. bakit hospital agad.... Saka wala naman akong pambayad sa hospital... mabuti na nga lang at hindi nila ako pinagbayad ng pizza kanina eh.

"Naku tita ayos lang po talaga ako. Medyo sumama lang po ang pakiramdam ko siguro medyo napagod lang ako sa maghapon"

"Ang mabuti pa siguro ay magpahinga ka na. Ipapahatid nalang kita kay Ash".

"Nako po Tita huwag na po... okay lang po talaga ako, kaya ko naman pong umuwi mag-isa" mabilis kong pagtutol, ayoko kayang makasama ang taong poker face at saka kanina pa yan masama kung tumingin sa akin.

"Ate Kana west ka na ha. I don't want you to be sick." umupo ako upang maging magkapantay na kami. This adorable kid is very sweet.

"Of course young man I will. Thank you at huwag ka ng kung saan pupunta ha para hindi ka na mawawala. Be good at maging mabait na bata ha" paalala ko dito.

"Of couwse Ate Kana. I am always a good man. Ito pala can I have youw number?" inabot nito sa akin yung phone niyang latest model ng IPhone, gravity itong bata na ito samantalang ako ay simpleng phone lang ang meron ako.

I dialled my number at sinave ko ito. Mabuti nalang kahit paano ay marunong naman akong magoperate ng ganito. I returned it to him na may malaking ngiti sa labi. Niyakap naman ako ng Mommy nila at inimbitahan niya pa akong pumunta sa bahay nila. Grabe parang nagpropose lang sa akin si Blaze kanina, tapos meet the parents and now meet the family na agad?.. agad-agad?... So much for 1 whole day...

His Mom insisted na ihatid daw ako ni Ash kaya naman ito kami ngayon at nakabuntot siya sa akin. Kanina din ay Blaze kiss me again on the lips at nagulat kami ng buhatin itong bigla ni Ash at pinabuhat sa Mommy niya. His Mom teased us again. Pinauna naming umalis ang Mommy nito at si Blaze na kumakaway pa bago umalis. Sabi pa niya ay tatawagan niya ako kapag nasa bahay na siya.

HIGHSCHOOL ADVENTUREWhere stories live. Discover now