KANA'S POV
Narito kami ngayon sa library ni Ibyang. May quiz kasi kami mamaya kaya kailangan namin magreview. Scholar kaming pareho kaya need namin i-maintain ang grades namin. Hindi ko na binanggit kay Ibyang yung nightmare ko kagabi dahil siguradong mag-aalala lang ito. Nakaupo kami sa sulok na bahagi ng library. Malaki ito kaya pwede ka kahit saan pumuwesto. Meron itong part na pwedeng umupo sa lapag. Maya-maya pa ay may naramdaman kaming tumabi sa amin. Nang tignan namin ito ay nakita namin si Yumi.
"Hi girls what are you reading?" Nakangiting bati nito. Ngayon ko nalang ulit siya nakita. She has the same grade level like us pero hindi namin siya classmate. Nasa first section kasi siya at medyo malayo ang room nila sa amin. Ang weird nga eh dahil hindi namin katabi yung section nila kahit na kami ang nasa second section.
"Ah nag-aaral kami para sa quiz mamaya. Bakit ka nga pala narito?". Tanong ko dito.
"Ah I need to borrow some books then I saw the two of you and decided to approach you. Anyways I would like to congratulate you".
"Ah wala yun. Kami nga ang dapat magpasalamat para sa pagtulong mo sa amin ni Ibyang noong unang punta namin dito". Paliwanag ko dito. Hindi namin maalis ni Ibyang ang tingin sa kanya dahil ang ganda niya talaga.
"Tama si Kana at saka magpapasalamat din nga pala ako ulit sa pag-hatid niyo sa akin nila Liam last time" nakita ko ang pagkunot ng noo ni Yumi sa sinabi ni Ibyang. Naikuwento niya na din sa akin ang nangyari nung time na hindi ako nakasama sa kanya sa park. Sobrang excited nga siya magkuwento dahil kay Liam.
"Paghatid sa iyo last time?". Tumango naman si Ibyang.
"I don't remember na hinatid kita last time" parang wala nga itong alam kasi mukhang confused ito sa sinabi ni Ibyang.
"Ah at the park. Doon ninyo ako nakita nila Liam". ito naman ang kumunot ang noo.
"Ah sorry but I really can't remember. Anyways you may continue what your doing. Baka naistorbo ko na kayo. It's nice to see you two again". Umalis na rin ito after. Nakangiting nagwave pa nga ito sa amin.
"Ang weird naman ni Yumi. Bakit hindi niya naalala na inihatid nila ako".
"Ah baka marami lang siyang iniisip at marami na siguro siyang ginagawa sa student counsil para maalala pa yung paghatid niya sayo. Mag-aral na tayo at baka bumagsak pa tayo sa quiz natin mamaya".
Lumabas na din kami sa library after namin matapos. We are heading to our classroom ng bigla nalang may humarang sa amin ni Ibyang. I rolled my eyes when I see Maddy standing almighty in front of us with her friends. Bakit ba lagi nalang kami nagkakasalubong ni Maddy. Bakit ba favorite niya kaming ibully?.
"Look at this bitch. Are you not going to greet me?". Nakangising wika nito sa amin. Sasagutin ko sana ito ngunit pinigilan ako ni Ibyang. Bumuntong hininga ako to release my anger.
"Hello Maddy... we greeted you na, so paano mauna na kami hah" naglakad na kami ni Ibyang after kong sabihin yun ngunit, subalit datapwat dahil siya si Maddy ay hinawakan ako nito sa braso bago kami makaalis ng tuluyan.
"Napakawalang galang mo talaga noh at sinong nagsabi ng pwede ka ng umalis?" Wika ni Maddy. Mahinang tumawa naman ang mga alipores nito na tila natutuwa pa sa pambu-bully ni Maddy.
"Anong bang kailangan mo sa amin Maddy?. Bakit di mo nalang kami hayaang umalis?. Ano ba ang gusto mo?" Nagtitimping wika ko dito.
"Ano ang kailangan ko at ang gusto ko?. At nagmamaang mangan ka pa. What I want is for you to stay away from Ash. Hindi pa ba sapat ang pagiging ambisyosa na makapag-aral sa prestigous school like this and now you want to hook a rich boy. You gold digger". Nakangising wika nito. Nagtawanan naman ang mga alipores nito.
YOU ARE READING
HIGHSCHOOL ADVENTURE
DiversosHUNTER MARUHI-I hate everything that she likes so be it....coz I love her...... YUMI GRANT- I love books, I love to read and I love him...... SANDREE PRINCETON - I am a joker the funny side of the gang, but when I say I love you it will be the most...