CHAPTER ONE

50 1 1
                                    

KANA'S POV

"Lola gugora na po ako!" Sigaw ko dahil nasa kusina si Lola. Pupunta ako ng mall para maglagalag. Today is the first Saturday of the month and today is my "ME DAY". Sinukbit ko na ang aking bag.

Napagpasyahan ko na magkaroon ng time sa sarili ko after ng isang nakakapagod na buwan hahaha.......tama naman diba we should have time for ourself.

Ako nga pala si Megumi Kana Valenzuela, nasa 3rd year highschool na ako sa isang public school pero balak namin ni Iveyfel na mag apply for a scholarship sa Fordman University. Hindi lang namin sure kung makakapasa ba kami pero nag-aaral naman kami at pinaghandaan namin iyon.

"At saan ka na naman pupuntang bata ka ha?. Napakalayas mo talaga". wika ni Lola sa akin. Galing itong kusina nakita ko itong nagluluto kanina. Lagi ko ngang sinasabihan yan na huwag masyadong magkikilos dahil tumatanda na siya kaya lang ako lang din ang pinapagalitan sa huli. Si Mang Kanor lang daw sa kabilang kanto ang matanda. Sabi pa nga niya mas magkakasakit pa raw siya kapag walang ginagawa. Hindi yan napipirmi sa isang lugar at laging may ginagawa.

Simula noong maulila kami ng aking kapatid si Lola nalang ang tumayong magulang sa amin ng aking kapatid. Namatay kasi sa isang aksidente ang aming mga magulang dahil bumanga ang sinasakyan nilang jeep noon sa isang pajero at dahil masyadong malakas ang pagkakasalpok ng mga ito ay malakas ang impact kaya dead on arrival noong sinugod sila sa Hospital. Yung mga sakay naman daw ng pajero ay malubha din ngunit nakaligtas naman daw ang batang sakay nun.

Si Lola na ang nag-alaga sa amin kaya naman mahal na mahal ko yan kahit na medyo may pagkamasungit yan pero she is also the one who teach me how to be a good person at napapaalala sa akin na masaya ang mundo kahit na parang nawala na sa amin ang lahat.

Ang aking kapatid naman na si Kuya Lance ay nagtatrabaho sa ibang bansa para sa pangangailangan namin. Medyo malayo ang aming agwat dahil hindi agad nagkaroon ng anak ang aming mga magulang, kumbaga isa akong menopause baby. Namimiss ko na nga si kuya eh.

"Lola its first Saturday of the month, don't you remember?". binigyan ko ito ng isang sweet na ngiti. Alam din kasi ni Lola ang "ME'' day ko.

"Ay oo ng pala. Sige pero huwag kang magpagabi ha". lumabas ito habang pinupunasan ang mga kamay. Naghuhugas kasi ito ng pinggan kanina habang nagluluto noong nagpaalam ako. Pumasok akong muli at niyakap ito at hinalikan sa pisngi.

"ok Lola papasalubungan nalang kita. Anong gusto mong pasalubong?"

"Bahala ka na basta umuwi ng maaga". Wika naman nito at hinug na rin ako. Ang sweet ng lola ko diba.

"Aye aye captain!. Una na ako Lola para makauwi ako agad" sumaludo ako dito at hinalikan ito sa pisngi.

Nilagay ko sa aking bulsa ang pera ko na 500 pesos. Hindi kasi ako gumagamit ng wallet, takaw nakaw lang kasi iyon. Tumakbo na ako paalis para makasakay ako agad, medyo tanghali na rin kasi.

Magliliwaliw lang naman ako sa mall na malapit sa amin. Mula sa amin dalawang sakay ang kakailanganin ko para makarating doon. Sumakay muna ako ng jeep at pagkatapos non ay sasakay naman ako ng bus papuntang mall.

Nang makababa ako ng jeep ay agad akong pumunta sa sakayan ng bus at dahil medyo tanghali na ako umalis ay medyo mainit na dun. Gravity na talaga ang global warming sa Pilipinas. Ang aking malaporselanang kutis may gulay.... ay hindi pala ang aking kutis lang pala. O(∩_∩)O

Nang makarating ako sa sakayan ng bus ay nakita ko na madami ang sumasakay since rush hour ngayon. May nakita akong bus na papaalis na kaya naman hinabol ko ito. Ayoko ng maghintay dahil ang sakit na sa balat ng araw, wala pa naman akong dalang payong.

HIGHSCHOOL ADVENTUREWhere stories live. Discover now