KANA'S POV
"Besty...... aray.....besty!". Napatakbo ako sa may pituan namin ng marinig ko ang pagsisigaw ni Ibyang at nagulat ako ng bigla akong yakapin nito.
"Sandali Ibyang anong nangyayari sa iyo. May masakit ba sa iyo?. May nang aaway ba sa iyo?". Pinaikot ko ito at tinignan kung may sugat ba ito.
"Ano ka ba besty okay lang ako. Walang nang away sa akin, takot lang nila". Nakangiting wika nito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Lukaret talaga itong babaeng ito.
"Eh kung kurutin kaya kita sa singit?. Bakit ka ba humahangos at halos madapa dapa ka na diyan?" May pinakita itong papel sa akin at halos ipagduldulan na niya sa mukha ko iyon. Napakabait na kaibigan diba?. Kinuha ko naman ito dito dahil hindi ko naman mabasa ng maayos.
Nakasaad dito na pareho kaming nakapasa ni Ibyang sa evaluation ng Fordman University. At by next year ay doon na kami mag-aaral. Agad kaming nagtungo na dalawa kay Lola. Paunahan pa kami sa paglapit dito. Hindi namin maitago ang aming kasiyahan.
"Lola...... lola....... nakapasa kami.... lola nakapasa kami sa Fordman.!" Tuwang tuwa naming ipinakita kay Lola na nakapasa kami at dahil doon ay nilutuan niya kami ng paborito naming tinola. Ang dami nga naming nakain ni Ibyang.
Napatingin naman ako kay Ibyang sarap na sarap ito sa pagkain at, at home na at home dito sa bahay. Napangiti na lang ako dahil bumalik na din ang makulit at masayahing Ibyang na kilala ko. Mabuti na nga lang at pinapansin na niya ako. Noong nakaraan kasi ay iniiwasan niya ako. Kapag pinupuntahan ko siya sa bahay nila ay pinagtataguan niya ako hanggang sa hindi na ako nakatiis at sinugod ko na siya sa loob ng bahay nila.
Pinagpapalo ko yung pinto ng kuwarto niya kasi ayaw niyang lumabas. Pinabayaan nalang kami ng parents niya dahil kilala naman nila ako. Naging pangalawang pamilya ko na din kasi sila. Hanggang hindi na rin siguro nakatiis si Ibyang at lumabas na ito. Umiiyak ito habang lumalabas ng kuwarto. Tapos bigla na lang niya akong niyakap.
Paulit-ulit siyang nagsorry habang umiiyak dahil daw may kasalanan siya sa akin. Nag-isip naman ako ngunit kahit na anong isip ko ay wala akong alam na naging kasalanan niya sa akin. Humiwalay ito sa akin tapos bigla niyang pinakita yung librong binigay ko sa kanya. Sira-sira na ito at punit-punit na ito. Nilagyan niya lang ng scotch tape para hindi tuluyang masira. Alam kong isa ito sa mga paborito niyang libro at hindi siya nagsasawang basahin kahit na madaming beses na niya itong nabasa.
Alam kong pinapahalagahan niya ang mga bagay na ibinibigay ko sa kanya at masaya ako dahil doon. Kapatid na ng turingan namin dalawa at halos magkadugtong na nga ang mga bituka namin. Nang makita ko ang libro alam ko na kung bakit ito upset at kung bakit niya ako iniiwasan. Alam kong natatakot itong magalit ako sa kanya. Lumapit ako dito at binatukan ito.
Sinabi kong mas magagalit ako sa kanya dahil sa ginagawa niya at sa paglilihim niya. Lalo niya kasi akong pinag-aalala. She apologized again then I went inside her room. After a while she also told me what happened at the park and I noticed that her eyes spark when she mentioned the man he met. I think he has crush on him. Tinukso ko nga ito na baka na meet niya na ang pinakakahintay niyang prince charming. Nag-alala nga din ako sa kanya dahil sa pagkakakuwento niya ay parang mga gangster ang mga yun at mukhang mahilig basag ulo ang mga ito.
"Hoy Kana bakit ka na naman nakatingin sa akin. Sinasabi ko na nga ba, may lihim kang pagtingin sa akin eh". Pinagkrus pa nito ang mga braso niya sa may bandang dibdib nito. Lumapit ako dito at pinitik ito sa noo.
"Nasaniban ka na naman. Hindi mo na naman ininom yung gamot mo noh?" Umaray naman ito at hinimas ang kanyang noo at nakasimangot na nagpatuloy sa pagkain.
"Kayo talagang dalawa nag-asaran na naman kayo. Kapag nandoon na kayo sa eskuwelahan na lilipatan niyo huwag kayo masyadong magulo at huwag gagawa ng gulo. Umiwas kayo sa mga estudyanteng alam niyong hindi magiging mabuti sa inyo at kung maari huwag sasali sa gulo. Naiintindihan niyo ba?". Pareho kaming nag opo ni Ibyang. Si Lola talaga parang sinasabing basagulera kami. Ang bait nga namin ni Ibyang eh... ay ako lang pala.. hehehe
YOU ARE READING
HIGHSCHOOL ADVENTURE
RandomHUNTER MARUHI-I hate everything that she likes so be it....coz I love her...... YUMI GRANT- I love books, I love to read and I love him...... SANDREE PRINCETON - I am a joker the funny side of the gang, but when I say I love you it will be the most...