CHAPTER FIVE

21 1 0
                                    

IVEYFEL'S POV

When I was a child I started to believe in fairytales. Believing that there is someone who is destined for you to be your better half. Someone that will make you happy. Yung taong mamahalin mo at mamahalin ka din ng buong puso. Yung laging nandiyan para saiyo. And someone who will protect you because he might be nothing without you in his life.

"And they live happily ever after. The end" I closed the book and face the children in front of me. I am in a park right now and I am reading one of my favorite fairytale doon sa mga batang lansangan na nakikita kong tumatambay sa park na iyon. Lagi akong nagpupunta dito para lang magbasa o kaya naman ay kapag bored ako.

Nagbabasa lang ako noon ng may lumapit sa aking isang bata. Akala ko nga ay aagawin niya yung book ko pero tinanong niya kung ano daw yung ginagawa ko noon at ano daw ang hawak ko. Sinabi ko na nagbabasa ako ng libro at inalok ko siya kung gusto niya din bang mabasa ito pero dahil hindi siya marunong mag-basa ay nakiusap ito na basahin ko nalang ito sa kanya.

Natuwa naman ito at nagrequest pa na basahan ko pa siya ulit sa susunod at pumayag naman ako. The next time I came here nagulat ako dahil hindi na lang siya nag-iisa. May kasama na ito na iba pang mga bata na gusto ding marinig ang mga kuwentong binasa ko sa kanya, since then ay inaabangan na nila yung pagdating ko sa lugar na iyon para mabasahan sila ng iba pang story. Noong nalaman ko na ang karamihan sa kanila ay hindi marunong magbasa I decided to teach them. Minsan naman sinasama ko si Kana dito kapag tinuturuan namin silang magbasa. Nagdadala pa nga kami ng mga visual aids dito para makita ng lahat at mas maintindihan nila yung mga tinuturo namin sa kanila.

"Buti nalang at nailigtas ng kanyang Prinsipe si Rapunzel doon sa Tower noh Ate Ibyang at pinaglaban nila yung pagmamahalan nilang dalawa para sa isat-isa. Ako po kaya makikita ko din po ba ang Prince Charming ko?." Natawa ako ng marinig ko ang tanong ni Eizel. Isa siya sa mga batang nakilala ko sa park na iyon.

"Oo naman pero dahil mga bata pa kayo kailangan mag-aral muna kayo ng mabuti. Sa tamang panahon mamemeet din natin ang mga prince charming na nakalaan para sa atin". Mukhang nakinig naman sila sa akin dahil sabay-sabay na nag Opo naman ang mga ito. Nag-ayos na din kami pagkatapos ko silang basahan ng kuwento. Napansin ko na mag-gagabi na pala, hindi ko namalayan ang oras.

"O paano mga bata alis na ako dahil baka abutan ako ng dilim at saka may pasok pa ako bukas".

"Salamat Ate Ibyang sa susunod ulit ha. Isama mo din si Ate Kana para magpapaturo kami sumayaw sa kanya." nakangiting wika ni Eizel sa akin.

"Oo ba yun lang pala eh pero mga bata yung usapan natin ha. Yung mga may exam bukas kapag mataas ang nakuha niyo may premyo kayo kay Ate Ibyang okay". Nagyehey ang mga ito at nagtatalon sa tuwa. Nagpaalam na ang mga ito sa akin at ako naman ay naghanda na ding umalis.

Habang naglalakad ay naiisip ko kung nakapasa ba kami ni Kana sa Fordman University. Ang sabi kasi sa amin non ay makakatanggap daw kami ng mail kung makakapasa or hindi ngunit isang linggo na ang nakakalipas ay wala pang feedback mula sa kanila kaya nag-aalala na din kami ni besty. Naisip nga namin na baka dahil doon sa walang paalam namin na pagtuturo sa mga bata doon ay nakaapekto iyon sa evaluation nila sa amin. Hindi ko maiwasan ang malungkot.

"Aray!" Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin.

Nahulog ang librong dala ko. Nang kukunin ko na yung libro ay nakita ko ang pares ng mga paang nakatapak dito. Nang tignan ko kung sino ang tumapak ay nakita ko ang dalawang lalaki na nagsusuntukan. Hindi lang basta suntukan ang ginagawa ng mga ito but you can see that they're both know how to kick and punch. Natapak-tapakan nila yung libro ko at hindi ko makuha iyon dahil na rin sa dalawa. Natulala na lang ako sa mga pangyayari. Pakiramdam ko ay nanonood ako ng action film dahil sa galing nilang makipaglaban. Maya-maya pa ay bumagsak ang isang lalaki habang kumaripas naman ng takbo ang kalaban nito. Habang ang lalaking nakikipagsuntukan naman ay tumayo at pinagpag ang damit nito.

HIGHSCHOOL ADVENTUREWhere stories live. Discover now