KANA'S POV
"Grabe talaga yang si Maddy bhesty. Bakit naman nila ginawa sayo yun. Wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Dapat siguro isumbong natin sa admin ng school".
"Hayaan mo na sila Ibyang, wala namang nangyaring masama sa akin. At isa pa baka mas lalo lang nila akong guluhin kapag nagsumbong pa ako. Saka hindi ko naman hahayaan ng ibully nila ako palagi no".
"Sabagay tama ka diyan. Huwag lang sana nila tayo guluhin. Pero maiba ako bhesty nakita mo ba si Liam?. Ang guwapo niya diba?. Ang cool niya nung binigay niya itong jacket sayo. Para siyang prince charming" pagkawika non ay nagpagulong-gulong ito sa kama ko at nagtitili. Habang yakap-yakap nito yung jacket. Napag-alaman ko na Liam ang pangalan nito dahil wala ng bukambibig si Ibyang kundi ang lalaking iyon.
"Hoy Ibyang maghunos dili ka nga diyan. Para kang timang. Baka sabihin ni Lola kung ano na ang nangyayari sa atin dito." Pinalo ko ito sa binti dahil ayaw pa rin nitong tumigil. Nandito kami ngayon sa bahay dahil sabado at walang pasok.
Isang linggo na ang nakararaan after that incident. Halos isang linggo na rin na hindi pumasok ang grupo ni Ash at sa loob ng isang linggo ay hindi ko rin napagkikita si Maddy. Tanging yung mga alipores lamang niya ang nakikita ko. Hindi ko nalang sila pinapansin. Hindi ko alam kung bakit wala ang mga ito. Tahimik naman ang mundo ko sa loob ng isang linggo na iyon. Madami na rin akong naging kakilala at naging kaibigan. Minsan bumibisita kami sa elementary school para bumisita sa mga batang tinuruan namin ng sayaw. Muling umupo si Ibyang at humarap sa akin habang yakap-yakap pa rin yung jacket ni Liam.
"Akin nalang itong jacket ni Liam bhesty ha. Sabihin mo nawala mo para hindi mo na ibalik sa kanya". Lumapit ako dito at inagaw sa kanya yung jacket kaya narinig ko na naman ang reklamo nito.
"I need to return it to him. Baka mamaya kung ano pa isipin non noh. Saka mukhang ang mahal pa naman nito. Baka mamaya pabayarin pa sakin ito. May ipapautang ka ba sa akin ha kapag nagkataon?". Hindi ito sumagot bagkus ay sinimangutan lang ako nito. Inaya na ako nitong bumaba dahil kasalukuyang nandirito kami sa roofdeck ng building. Nadiscover namin ito nung isang beses na inutusan kami ng isa naming teacher para maglagay ng ilang gamit na hindi na kailangan. Hindi daw kasi nila mautusan yung ibang student eh. Simula noon dito na kami tumatambay ni Ibyang kapag may free time o kaya naman ay breaktime. Para makaiwas na din sa mata nang mga studyanteng hindi kami tanggap sa school na ito. Habang daan ay masaya kaming nag-uusap ni Ibyang hanggang sa may pamilyar na boses akong narinig.
"Hi there Ash's girlfriend. Long time no see mate". It was Sandree. Alam na namin ang mga pangalan and faces nilang lahat. Sa loob ng mga araw na wala ang mga ito we did our research, para alam namin kung sino ang iiwasan namin. We found out na sila ay mga anak ng mga mayayamang pamilya. Ang iba sa mga ito ay mga part owners ng school. Hindi sila isang simpleng mamamayan lamang ng school na ito kaya pala parang ilag ang mga studyante sa kanila. Ni wala man lang nagtangka na sawayin sila noong bigla-bigla nalang silang pumasok sa loob ng room. Samantalang kami ni Ibyang introduction with matching performance pa.
Nagkatinginan kami ni Ibyang. Sa tingin palang ay nagkaintindihan na kami. We pretended that we don't see and hear them. We kept on talking and walking. Binilisan din namin ang paglalakad ngubit napatigil kami ng bigla nalang humiklat sa braso ko.
"Didn't you here anything brat. Are you deaf or stupid" nakaramdam ako ng sakit dahil sa mahigpit na hawak nito sa aking braso. Hindi namin napansin na kasama pala ng mga ito si Maddy.
"Nasasaktan ako Maddy" hiniklat ko ang braso ko dito at inaya na si Ibyang ngunit muli na naman nitong hinawakan ang aking braso.
"Bitiwan mo si Kana, Maddy ayaw namin ng gulo." Wika ni Ibyang dito. Ngumisi ito at tumingin ng masama kay Ibyang.
YOU ARE READING
HIGHSCHOOL ADVENTURE
RandomHUNTER MARUHI-I hate everything that she likes so be it....coz I love her...... YUMI GRANT- I love books, I love to read and I love him...... SANDREE PRINCETON - I am a joker the funny side of the gang, but when I say I love you it will be the most...