CHAPTER EIGHT

51 2 0
                                    

KANA'S POV

Hila-hila ko pa rin siya habang naglalakad. Lakad lamang ako ng lakad kahit hindi ko alam kung saan kami patungo hanggang sa mapadpad kami sa likod ng building na walang tao para hindi kami mapansin. Napaka attractive naman kasi ng kumag na ito at lahat nalang tinitignan siya. Binitiwan ko ang kamay nito at tumingin sa kanya. Samantalang ito naman ay inilagay ang dalawang kamay niya sa kanyang bulsa at nakatingin lang sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang sa titig nito.

"Ma-magkalinawan nga tayo Ash. Pwede bang itigil mo na ang pagtawag sa aking ng gi-girlfriend." Nauutal na wika ko habang nakatingin dito. Bakit ba naghuhumirentado ang puso ko sa pagtitig sa kanya habang ito ay tila kalmado lamang na nakatitig sa akin. He still not saying anything.

"Pipi ka ba o sadyang nang-iinis ka lang. Kung gumaganti ka dahil napagkamalan tayong mag jowa ng mommy mo, sorry. Hindi ko naman yun sinasadya kaya pwede ba huwag mo na akong tawaging girlf----" Hindi ko na natapos ang akong sasabihin dahil napansin ko na sobrang lapit na nito sa akin. Napaatras ako ngunit sa bawat pag-atras ko ay ang pag hakbang naman nito. Hanggang sa maramdaman ko ang matigas na bagay sa aking likuran. Nang tignan ko ito ay isang malaking pader ang nasa aking likuran.

"A-anong gi-ginagawa mo?" Naiilang na tanong ko dito but he answered me with nothing instead he streched his both arms placing his palm in the wall and I was like a prisoner in front of him. Ito yung mga napapanood ko sa t.v eh. Yung part na naka-lean ang babae sa wall habang nakakulong sa bisig ng lalaki pagkatapos ay iki-kiss ng lalaki ang babae. Nanlaki bigla ang aking mata sa aking naisip. Huwag mong sasabihin na gusto akong halikan ng abong ito?. Mabilis kong itinaas ang aking kamay to cover my lips.

"Ho-hoy Abo a-anong binabalak mo ha?. Ku-kung ano man ya-yan huwag m-mo ng gawin. Kung hindi-------"

"Kung hindi ay ano?" Natahimik ako ng marinig ko ang boses nito. Sobrang lapit lang naming dalawa kaya naman ramdam ko ang pagdampi ng hininga nito sa aking mukha. May itinatago palang sikreto itong si Ash. Hindi niya sinabing badbreath pala siya..... Hindi joke lang gusto ko lang kalmahin ang katawang lupa ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at natatakot ako ng baka naririnig na ito ni Ash dahil sa sobrang lakas ng pagkabog nito.

"You need to be punish girlfriend because you have committed such crimes......, first giving your number to ramdom people... aniyo... don't give your number at all... second don't call me Abo, third don't kiss another in front of me.....am I clear?" He calmly said. Bigla akong napatingin dito. At talagang pinanindigan na niya na girlfriend niya ako.

"Nababaliw ka na ba ha Abo?. Bakit mo ba pinagpipilitan ng girlfriend mo ako?. Pwede ba kung gusto mong trip iba nalang huwag ako." Wika ko habang hawak ko pa rin ang aking bibig. Mabuti na ang sigurado kesa naman magsisi ako sa huli.

"Pero magsisisi ka nga ba kung hahalikan ka niya?. I doubt it".

Iniling ko ang ulo ko. Pisting konsensiya ito kung ano-ano pinagsasabi.

"Are you still breathing girlfriend?" Nabalik ang tingin ko sa Abong nasa harapan ko. Emegerd bakit ang guwapo ng hinayupak na ito.

"U-uulitin ko ukit sa iyo ito Abo. Hindi mo ako girlfriend at kahit kelan hindi mangyayari yun. Kung gusto mong mangtrip ng tao pwes huwag ako." Seryosong wika ko dito.

Pinakatitigan ako nito at mas inilapit pa nito ng maigi ang mukha niya sa akin. Pakiramdam ay hindi na talaga ako humihinga ngayon. Palapit ito ng palapit sa mukha ko. Hanggang sa hindi ko napigilang ipikit ang aking mga mata. Mahigpit ang pagkuyom ng aking mga kamay at halos nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang minuto na yata ako sa ganong posisyon ngunit tila wala naman akong naramdmang dumampi man lang sa aking mukha. Hanggang sa may narinig akong kaluskos.

HIGHSCHOOL ADVENTUREWhere stories live. Discover now