CHAPTER FOUR

27 1 2
                                    

IVEYFEL' S POV

"Hoy Kana tama ba itong pinuntahan natin?" Nandito kasi kami sa harap ng Fordman University. Isa itong International School. We are here now to take up a test for scholarship. We have a reccomendation from our school para makapag exam dito. Sobrang review ang ginawa namin ni Kana bilang paghahanda sa araw na ito.

Ako nga pala si Iveyfel Joy Garcia. Kana is my bestfriend since first year highschool that's why I call her besty but Kana don't call me that dahil nababaduyan daw siya. Unlike Kana I don't have talent in dancing because singing is my hobby. Minsan nagpe-perform kami ni Kana sa school event ako ang kakanta and Kana will interpret it. Ideya ko na magtake kami ng scholarship exam dito nung sinabi ng Principal namin sa school na irerecommend nila kami for a scholarship dito sa school na ito at ito na nga kami nakatayo na sa harap ng University.

"Oo tama ito, diba ito yung school doon sa internet diba?." Wika naman nito.

"Sabagay, tara pumasok na tayo. Naku besty kinakabahan naman ako. Natatae ako besty.". Kinakabahang wika ko dito. When I'm nervous parang hinahalukay yung sikmura ko sa kaba.

"Huwag kang kabahan. Ikaw kaya ang may ideya nito, saka itikom mo yang bibig mo baka mamaya marinig ka ng mga tao dito mandiri pa yung mga yun. Alam mo naman na sosyalin ang mga tao dito." Hinila ako nito palapit sa guard.

"Ah eh Manong guard magandang hapon po, magtatake po sana kami ng exam for scholarship. Meron po kaming recommendation letter. Ibigay daw po namin kay Mr. Manalo". Kinuha ni Manong guard yung letter sa amin at binasa pero binalik niya na din sa amin after. Pinaglog niya kami at tinuro niya yung way papunta sa may registrar dahil dun daw namin makikita yung hinahanap namin.

Napansin namin medyo mahigpit ang security sa school na ito dahil nakita namin na yung mga I.D. ay itinatapat sa parang scanner nung mga estudyante tapos lalabas naman sa monitor nung nasa guard house. Malalaman agad kung outsider ka o hindi. Sinunod namin yung way na sinabi ni Manong guard. Habang naglalakad kami patungo sa may registrar namamangha kami dahil sa laki ng school na ito. Iba't-ibang lahi ang nakikita namin.

"Besty tama ba itong dinaanan natin?. Bakit parang walang Registrar akong nakikita. Parang ang layo na ng napuntahan natin. Magtanong na kaya tayo". Nag-aalalang wika ko dito, baka kasi maligaw kami.

"Oo nga Ibyang teka maghanap tayo ng pwedeng mapagtanungan." Lumingon-lingon ito sa paligid.

"Ayan besty mukhang Pilipino, siguro naman di tayo duduguin diyan". Tinulak ko na ito para ito na ang magtanong hehe kaya na ni Kana yan.

"Hi miss do you know where the registrar is?". Wow umienglish spokening ang besty ko. Ang tarush. Hindi naman talaga kami fluent sa English. Nagdudugo nga ang ilong at utak namin diyan.

(Pati rin po si Author nagdudugo na ang utak at ilong T_T so kayo nalang readers ang umintindi..^O^)

"Hi... the way to registrar?. Ok..go straight and turn left, the first door that you will see is the registrar office" nagthank you kami dito. Pero habang paalis ito ay sinundan namin ito ng tingin. Grabe ang ganda naman nung babaeng yun. She looks like a Filipino but she has a foreign features. She's really beautiful.

"Grabe besty ang ganda naman niya, nakakatomboy". Namamanghang wika ko.

"Oo nga eh. Tara puntahan na natin yung registrar". Tumuloy na kami doon sa registrar. Nang makarating kami ay ni ring namin yung bell na nandoon. May maliit na bilog doon kung saan mo sila pwedeng kausapin.

"Hi ladies how may I help you?". Nakangiting tanong nung babae sa amin.

"Ahm ano po magpapasa po sana kami ng requirement to take a scholarship exam. We have the letter of recommendation from our school". Binigay ni Kana yung mga documents sa babae at binasa niya iyon.

HIGHSCHOOL ADVENTUREWhere stories live. Discover now