"Salamat talaga bestfriend! Alam mo naman na hindi ko ito magagawa lahat kung wala ka. Salamat talaga!"
Marahan kong pinunasan ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa mga mata ko.
"Welcome... bestfriend."
1st Monthsary na nila ngayun at heto ako, nanunuod sa kanila habang sweet na nagsasayaw.
Marahan kong pinunasan ang mga luhang walang tigil sa paglabas sa mga mata ko. Masokista nga yata talaga ako. Kahit sobrang sakit ay patuloy ko parin silang pinapanuod. Worst, kasabwat pa ako sa pagpaplano ng surprise na ito. Anong magagawa ko, mahal ko siya. Hindi ko siya kayang tanggihan sa mga hiling niya.
Napangiti naman ako sa mga naiisip ko. T*nga ko ba? Siguro nga.
"I love you Justice." saad ni Andy habang nakatingin sa mata ni Justice.
Fvck! Ang sakit. Yung puso kong basag ay lalo pang nadurog sa sakit. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal ng isang buwan na kasama sila, gayong araw-araw akong parang pinapatay sa sakit sa mga nakikita ko.
"Last na ito." bulong ko sa aking sarili. "Sagadin mo na ang sakit para matapus na itong kahibangan mo."
Naaawa na ako sa sarili ko. Nagpapakatanga ako para sa isang tao. Ikinukulong ko ang sarili ko sa kalungkutan para lamang mapasaya siya. Bwisit!
Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. "Tama na Andilynn. Tumigil ka na sa kaiiyak!" Utos ko sa sarili ko. Pero pakingshet lalong bumuhos ang mga luha ko. Paano nga ba ako nagkaganito?
Let me tell the story, of how I fell for my best friend.
BINABASA MO ANG
The Fall (On Going)
General FictionI fell for you so damn hard I don't know if I will ever recover.