7

15 1 0
                                    

Chapter 7. Sobrang sweet.

Nakakainis. 3 nights na akong walang tulog na matino. Kaya ngayun mukha na akong zombie dahil ng eyebags ko.

3:55 na. Bumaba na ako para hintayin si Andy sa labas. Pero nagulat ako ng makita ko siyang nakaupo sa tapat ng gate namin.

"Aga mo." Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko sa ngiti niyang iyon. Bakit ganito?

Pinalapit naman niya ako at pinaupo sa tabi niya.

"Anong gagawin natin ngayun?"

"Hihintayin ang sunrise."

"Ah. Sa garden nalang namin. Tara, pagtitimpla kitang kape." Tumango na lamang siya at sumunod saakin.

"Bakit mo naman naisipan na manuod ng sunrise?"

"Wala lang." Wala lang? Ganun? Siguro kung normal na araw namin ito ay nabatukan ko na siya at nasigawan.

"Nandamay ka pa sa weird mong trip."

"Kasi slave kita."

Nakaramdam naman ako ng konting sakit sa sinabi niya. Konti lang.

Konti lang talaga.

Promise.

"Ah." Kung ganun, kung di mo ako slave iba ang isasama mo dito? Gusto kong itanong sakanya yun pero alam ko naman na wala ako sa lugar.

Tahimik lang kameng naghihintay hangang sa unti unti nang sumikat si haring araw.

Ang ganda pala. Ang saya pala panuorin ito. Kahit sampit lang ako dito ay nagpapasalamat parin ako kay Andy dahil isinama niya ako.

Napansin ko nalang na may hawak ng camera si Andy. Bakit hindi ko iyon nakita? Nagkibit balikat nalang ako at tiningnan ang sunrise. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kanya. Mukhang tuwang tuwa siya sa ginagawa niya.

Yung ngiti niya. Natural na natural. Yung mata niya parang kumikislap sa kaligayahan. Hindi ko namalayan na naka-ngiti narin pala ako.

"Marunong ka bang magluto?" Tanong niya habang nakatingin sa screen ng kanyang camera.

"Oo, pero prito lang." Nakakahiya naman. Prito lang talaga ang alam kong lutuin. Madalas kasi ay si mama ang nagluluto o kaya naman ay yung katulong namin.

"Tara. Pagluto mo kong breakfast." Kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad papuntang kusina.

"Ako na dito, doon ka nalang sa living.manod ka na lang ng t.v."

"Dito nalang ako." Umupo na siya sa high chair sa mini bar.

"Ikaw ang bahala." Nagsimula na akong magluto. Hotdog, bacon at breadtoast. Maya maya pa ay lumabas na yung katulong namin.

The Fall (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon