Chapter 12. Happiness
Wala namang nabali sa mga buto ko, pero pumutok ang noo ko kaya heto at may benda ako sa ulo.
Napagalitan ako ni mama, bakit daw kasi ako nagmamadaling bumaba ng hagdan. Alangan namang sabihin ko na dahil sa panunukso ni Andy at ng kanyang abs. Baka mabatukan lang niya ako. Kaya nagdahilan nalang ako. Sabi ko nagmamadali na akong umuwi dahil gabi na, which is partly true.
"Yung apple ang gusto ko." utos ko kay Andy.
At dahil pareho naman namin ni Andy'ng alam na kasalanan din niya kung bakit ako nadulas, eto si loko instant yaya ko.
Agad naman niyang binalatan yung mansanas at ibinigay sakin.
"Alam mo, ang daya mo." Aniya.
"Ikaw kaya ang paputukin ko ang noo." singhal ko sa kanya. Aba, madaya pa daw ako eh ako na nga itong injured.
"Yun na nga. Noo ang pumutok sayo, hindi kamay. E kung maka utos ka akala mo di na naigagalaw yang kamay mo. Tsaka, ako kaya ang master mo. May 4 days pa sa deal natin."
Oo nga pala. Nakalimutan ko na yung deal namin ah.
"Ganito nalang. Off muna yung deal natin. Ituloy natin pag, ahm, natanggal na tong benda ko. Tama, ganun nga."
Tumango naman siya at biglang tumayo.
"Oh! Saan ka pupunta?"
"Sa bahay." Aniya.
"Sinong magbabantay sakin?"
May mga kasambahay naman kame, pero ewan ko ba. Eh sa siya ang gusto kong magbantay sakin. Ang weird ko no? Ang OA pa. Thanks. Alam ko. Kahit ako ay naguguluhan sa sarili ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Shit! Amoy na amoy ko tuloy ang pabango niya. Lalaking lalaki at hindi masakit sa ilong.
"Hindi pa ako na aalis. Miss mo na agad ako?"
"Hoy naman Zandy John." Saad ko habang pinipisil ang pisngi niya. "Ilang meters ba ang kapal niyang mukha mo, ha?"
Tinawanan niya lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Parang may kung anong insekto ang nangingiliti sa tiyan ko. Shit lang.
"Babalik din naman ako, okay?" Nag iwas ako ng tingin at tumango. Binitawan niya ang kamay ko at lumabas na ng kwarto. Parang tinutusok tusok ang tiyan ko. Nakakapanindig balahibo.
May kung anong ginagawa si Andy sa sistema ko at hindi ko iyon nagugustuhan. Para bang may kung anong hukay siyang ginagawa at unti-unti akong nahuhulog.
Ilang minuto pa ay nakabalik na siya na may dalang gitara.
"Para saan iyan?" Usisa ko.
"Ito? Ipupukpok ko sa ulo mo" natatawa niyang sabi. "Malamang tutugtog ako. Ano ka ba naman Andi, nabagok ka lang naging bobo ka na?"
Sinamaan ko siya ng tingin pero lalo lang siyang natawa. Kainis! Pasalamat siya injured ako kundi nabatukan ko na talaga siya.
Tumabi siya sa akin at nagsimulang tumugtog.
"The perfect words never crossed my mind, cause there was nothin' in there but you."
Ito na ang pangalawang beses na kinantahan niya ako at ganoon parin ang epekto ng boses niya sa akin. Hindi pala, mas tumindi pa. Nakakapanindig balahibo, nakakabaliw, at nakakahumaling.
BINABASA MO ANG
The Fall (On Going)
Genel KurguI fell for you so damn hard I don't know if I will ever recover.