8

30 1 0
                                    

Chapter 8. freaking abs.

2 araw na ang nakakalipas pero walang Andy na nagpaparamdam. Dapat masaya ako dahil wala ng namemeste sakin, pero hindi. Naiinis ako dahil yung pasaway kong utak ay ayaw tumigil sa kakaisip sa kanya.

Nanunuod ako ng isang movie sa Cinema1. Nakakatamad nga kasi Romance. Mas trip ko kasi yung mga thriller and horror movies kahit na parang mamamatay ako lagi sa takot. So bakit ko gusto? Mas exciting.

Biglang nagkiss yung dalawang bida. At tinraydor na naman ako ng puso at utak ko. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko at bigla kong naalala ang halik ni Andy. Pucha naman!

Agad kong kinuha ang remote at pinatay ang tv. Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang S3 ko.

Andy calling...

Lalo tuloy naghurumentado ang traydor kong puso. Nanginginig ang kamay ko ng dinampot ko iyon.

"Hello?" Mahinahon kong sabi kahit na ang totoo ay nilalamon na ako ng kaba.

"Nasa labas ako."

Agad akong tumakbo sa bintana para silipin siya. At viola!  Nandoon nga siya at nakatalikod sa kinatatayuan ko.

"So?"

"May pupuntahan tayo. 5 minutes."

Ibinaba niya ang tawag at lumingon sa akin. Sa gulat ko ay isinarado ko ang kurtina. Shet na malagket! Anong 5 minutes?

Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay umakyat ako at nagpalit. Medyo natagalan pa nga ako sa pagpili ng isusuot. Asar! Bakit ba ako natataranta? Si Andy lang naman iyon. Si Andy na first kiss ko. Fuuuuu

Sa huli ay isang white shirt at red skater skirt ang sinuot ko. Matagal na itong skirt na ito sa akin, pero ngayun ko palang naisuot. Hindi kasi ako sanay sa ganito. Mas feel ko kasi ang pantalon. Paminsan minsan ay short. Pero minsan lang iyon.

Paglabas ko ay isang nakasimangot na Andy ang sumalubong sa akin. Tumingin siya sa suot ko at lalong sumimangot.

"Pangit ba?" Naiilang kong tanong sa kanya.

"Tsk!" Yuon lang ang sinabi niya at hinila na ako palabas ng gate.

Nagulat naman ako ng makita ko na binuksan niya ang pinto ng isang itim na Mazda MX-5 Convertible.

"Iyo yan?"

"Oo. Pasok na!"

Nagtatanong lang naman ako, bakit ba siya galit? Di ba dapat ako yung galit dahil ako yung nanakawan ng first kiss? Tsaka bakit siya may dalang kotse? Wala pa naman siya sa legal age para magdrive ah!

Tiningnan ko siya habang nagdadrive. Nakatingin lamang siya sa kalsada at nakasimangot parin. Problema nito?

"Saan ba tayo?"

Umirap siya sa kawalan. "Sa park sana. Kaso..." Sabay tingin sa suot ko. "Sa mall nalang."

Ano ba talagang problema sa suot ko? Kung pangit, sana ay sinabi niya agad kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mailang, malungkot at mainis.

Tahimik lang kame hanggang makarating sa mall. Lakad kame ng lakad pero parang wala kameng pupuntahan. Ano ba naman itong trip ni Andy!? Pinapagod lang ata niya ako.

The Fall (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon