11

12 1 0
                                    

Chapter 11. Bihisan mo ako.

"Oo. Madamot ako. Kasi kung ano ang akin ay akin lang. Kaya ikaw, akin ka lang."

Natulala ako sa sinabi niya. Para bang na-virusan ang utak ko at hindi na magrespond sa sinabi niya. Punyeta naman. Bakit ba nabablanko ang utak ko?

"Bawiin mo yon!" Singhal ko sa kanya.

"Bakit?" Natatawa niyang tanong.

Napaka bipolar! Kanina nakasimangot, ngayun naman ay tatawa tawa siya. Nakakainis. Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya o pinaglalaruan niya lang ako.

"Bwisit ka!" ibinato ko sa kanya ang unan na nahawakan ko. "Magbihis ka nga!"

"Bakit? Naiilang ka ba sa katawan ko?"

Is he for real? Ang kapal talaga ng apog ng isang ito. Kahit pa best friend ang bansag niya sa akin ay babae parin ako. Natutukso. JOKE! Syempre ay naiilang ako sa nakahain niyang abs.

"Magbihis ka na lang!" umamba akong aalis na pero pinigilan niya ako.

"Bihisan mo ako."

Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala sa pinagsasasabi niya. Bakit ba siya ganito? Tinutukso ba niya talaga ako? Pinaglalaruan?

"Tumigil ka. Masusuntok na talaga kita." Pagbabanta ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako.

"Ayoko kasing magbihis. Tutal ikaw naman ang may gustong magbihis ako, bihisan mo ako."

Tinitigan ko siya at napalunok ng ilang beses. Nakangisi lang siya at para bang nanghahamon.

"Bitawan mo ako." Matama kong sinabi.

"Bibitawan kita, pero bibihisan mo ako."

Ano ba talagang tumatakbo sa isip nang isang ito. Kung noon ay nababasa ko ang mga galaw niya, ngayun ay nalilito na ako sa kanya.

Hindi naman sa nagfifeeling ako pero minsan pakiramdam ko ay nagpapahiwatig siya na gusto niya ako.

Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. But it's no use! Ang tindi ng hawak niya, pero hindi naman to the point na nakakasakit.

"Bitaw sabi!"

Ngumisi lang siya at hinila ako papunta sa walk-in-closet niya. Kumuha siya ng isang white t-shirt at inabot iyon sakin.

"Bihisan mo ako." utos niya.

Sinubukan ko ulit pumiglas pero wala talaga. Kaya kahit labag sa loob ko ay kinuha ko ang tshirt niya.

Ngumiti naman siya ng matagumpay. Yung tipong nanalo sa isang bakbakan.

Lumapit ako sa kanya para mabihisan ko na ang nakabandra niyang katawan. Ako lang ba, o talagang mainit dito sa walk-in-closet niya?

Isinuot ko ang ulo niya sa butas ng tshirt. Napatingin ako sa mata niya at nakitang mariin itong nakatitig sa akin.

Kumabog ang puso ko. Hindi ko malaman kung kaba ba iyon o may iba pa akong nararamdaman. Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Sunod niyang isinuot ang kaliwa niyang kamay tapus ang kanan naman.

Ibinaba ko na ang laylayan ng tshirt niya at marahan kong naramdaman ang matigas at mamawismawis niyang freaking abs.

Napatingin ako sa abs niya, high definition. Lalo tuloy nag init ang pisngi ko.

Noong natapus ko ng isuot ang damit niya ay bigla naman niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nagulantang ako at hindi ko alam ang dapat kong ireact sa ginawa niya.

Lalo pang lumapit ang mukha niya kaya naman napapikit na ako. Hahalikan niya ba ulit ako?

Hinintay kong may mangyari pero wala. Walang kiss. Sa halip ay isang malutong na tawa ang aking narinig. Napabukas ang mata ko at nakita ko si Andy na halus mamilipit na sa katatawa.

Bwisit! Pinagtitripan na naman niya ako! Hindi ko alam kung saan ako naiinis. Sa pang aasar ba niya o dahil hindi niya ako hinalikan gaya ng inaasahan ko.

Ano ba naman.itong mga iniisip ko. Hindi dapat ganito!

Binatukan ko siya at mabilis na lumabas sa kanyang kwarto. Padabog ko iyong isinara at nagtungo na sa hagdan.

Sa pagmamadali ko ay nadulas ako. Ang swerte ko maman! Hay!

The Fall (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon