2

23 1 0
                                    

Chapter 2. Deal.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi pag-iisip sa sasabihin ko kay Andy. Ayoko mang gawin pero mukhang makiki-usap ako sa baliw na yun na wag sabihin kay Zues ang nalaman niya.

Pero syempre sa bawat plano, dapat may plan B. Inisip ko narin ang mga maaaring palusot na gagawin ko kung sakaling nasabi na niya na crush ko si Zues.

Pero maalin sa dalawa, ay talo talaga ako. Nakaka-inis kasi yung Zandy John na yun! Sa lahat ng makaka-alam siya pa. Lord, help me.

"Malalim ata ang iniisip ng only girl namin ah." Shet! Taympers. Kinikilig talaga ako sa 'only girl' na yun!

"May iniisip lang." Nginitian ko naman siya. Ngiting awkward dahil nagpipigil ako ng kilig. Deym. Medyo nakahinga naman ako ng malalim dahil mukhang hindi pa nasasabi ni Andy ang sekreto ko.

"Hoy Harold. Nasaan na ba yang si Andy? Late na naman?" nakakunot na ang noo ni Zues. Paano ba naman, 1 hour na nakakalipas di pa nadating si Mr. Bipolar a.k.a Andy.

"Aba! Ewan~ Oh. Ayan na pala. Yow!" bati ni Harold kay Andy na mukhang bagong gising lang.

"Sorry. Late." tipid na sabi nito.

"Oo na. Sige na. Pwesto na ng makapagsimula na. Papacute ka dyan e." Hirit naman ni Zues. Haaay. Napaka-understanding niya talaga. Matured na siya mag-isip kahit 3rd year HS palang naman kame. Kaka-inlove no?

"Tss." Sabi naman ni Andy sabay kuha ng gitara niya. Para na siyang ahas kakasabi niya ng 'tss'.

Nagulat naman ako at nung napatingin ako kay Andy ay nakatingin din siya sa akin. Nginitian na naman niya ako ng nakakaloko at saka bumaling na ulit sa tinotono niyang gitara.

Naalala ko na naman tuloy ang sikreto ko!

Oo nga pala, kame nga pala ang 'Wanderlust'. Hoy! Hindi yan bastos. Porket may lust bastos agad? i-google niyo ng malaman niyo. hahaha.

Si Zues ang vocalist at Bassist.

Si Zandy John ang Lead guitarist.

Si Harold sa Keyboard.

Si Andilynn sa Drums and Second voice. Ako yun. He-He

Kahit wala naman kameng gig. Once a week kameng nagpapraktis at nagjajamming dito sa Bar nina Harold. Sa magulang niya ito, pero pag nag 18 na daw si Harold ay mapapasakanya na ito. Minsan dito kame tumutugtug. Minsan sumasali kame sa mga Battle of the bands, in and out the campus. Hilig namin ito, at ito ang nagbubuklod sa amin.

Naks! Pwede na bang makata? Haha. Joke lang.

Matapus ang praktis ay nagpunta naman kame sa bahay nina Zues. Dito kame madalas tumambay. Malaki kasi ang bahay nila, may pool pa. Richkid e.

Abala sa paglalaro sina Zues at Harold sa Xbox, kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon para maka-usap si Andy.

Hinila ko siya sa garden, buti naman at hindi na siya nanlaban kundi baka bigwasan ko talaga siya.

"I'll go straight to the point. I want to have a deal with you." matalim kong sabi sa kanya habang naka-cross arms ang kamay ko sa dibdib ko.

"A deal?" Tanong niya habang naka-ngisi. Mukhang inaasahan na niya na sasabihin ko ito kaya hindi na siya nagulat.

"Bingi ka ba? Oo. Deal. Kasunduan."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Gago pala ito e, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah!

"Tumigil ka, bibigwasan talaga kita ng isa." Iritado kong sabi sa kanya.

"Okay. Okay." Medyo hinihinahon niya pa ang sarili niya. "Sadista talaga. Ano bang deal yan?"

"You won't tell my secret. I will do you a favor." Mukha namang nagustuhan niya ang deal ko kaya napaisip siya.

"So?" Inip kong tanung sa kanya.

"Okay. Sure!" YES! Pumayag! Tila nagdiwang ang puso ko sa aking narinig.

"So, what do you want me to do?" nakangiti kong tanung sa kanya.

"Pag-iisipan ko pa kung ano. I'll tell you as soon as I've decided." Sabay walk-out.

Taray ng walk-out. Pero kahit nilayasan niya ako ay hindi na mapapawi ang saya ko, dahil safe na ang secret ko!

A/N:

Andy and Andi's picture -->

The Fall (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon