13

10 1 0
                                    

Chapter 13. Enjoy

Alam niyo yung sweet? Siya yun. Nakaka-inis lang dahil nahuhulog na ako sa kanya pero mukhang hindi niya yun alam. Ang lalong nakaka-inis pa ay alam ko naman na wala siyang gusto sakin. I mean, yes his sweet and all but that doesn't mean he loves me, right? Malay natin, sweet pala siya sa lahat. Ouch.

"Kelan daw tatanggalin yang benda mo?" Aniya.

Nandito kame sa kwarto ko at nanunuod ng cartoon network.

Inirapan ko siya. "Next week."

"Oh? 3 days nalang pala." binatukan ko nga siya.

"Bakit ba atat kang matanggal ang benda ko? Gustong gusto mo na ba akong alilain? Ha?" Singhal ko sa kanya, at si gago tinawanan lang ako. As usual. Kainis!

"Chill ka lang." Natatawa pa niyang sabi.

"Chill chillin ko kaya yang mukha mo?"

"Eto naman? Galit ka niyan? Siguro hindi mo na naman naka-usap si Zues no?" Pang-aasar niya. Speaking of Zues, hindi na nga ulit siya tumawag or nagtext man lang after nung huling tawag niya.

Sinamaan ko lang si Andy ng tingin at binato ng unan na hawak ko. Sinalo naman niya iyon at tumawa. Baliw na ata ang lalaking ito. Tumawa na ng tumawa. Lalo tuloy siyang nasisingkit, lalong gumagwapo.

"Excited na ako para next week." Aniya.

Excited? Bakit? Dahil slave na naman niya ako next week? Hindi naman talaga sa inaalila niya ako, di ba? Ayoko ko lang yung thought na mas masaya pa siya na magiging slave na niya ulit ako kesa sa mismong pag-galing ko, which is kasalanan niya kung bakit ako injured.

Mabilis dumaan ang three days. Parating nasa bahay si Andy. Pero parati lang din naman kameng walang ginagawa kundi manuod ng tv o kaya mag xbox. Nakakatamad na din naman yun. I miss the outside. Para kasi akong nakakulong sa bahay. Bawal lumabas kundi mapapagalitan ako ni mama.

Kagagaling lang namin ni mama at papa sa doctor para ipatanggal ang benda at stitches ko. Maliit lang naman talaga yung putok sa noo ko, 2 stiches lang. Buti nga daw at maliit lang yun, to think na mataas na hagdan yung hinulugan ko.

Pagdating namin sa bahay ay nanduon si Andy at malaki ang ngiti. Tss.

"Andy, hijo. Buti naman nandito ka." sabi ni mama habang nagmamano sa kanya si Andy. "Dito ka na maglunch. Magluluto ako ng adobo, Andi's favorite." at kinindatan niya si Andy.

Napasapo na lang ako sa mukha ko. Mama talaga. Kaylangan pa talagang sabihin na favorite ko iyon? Para namang interisado si Andy don.

"Ah, tita tito, hindi na po. Paalis na din naman talaga po ako. Dumaan lang po ako dito dahil may sasabihin ako kay Andi." Aniya.

"Ganoon ba? Tara na mama at may pag-uusapan daw ang mga bata." sabi naman ni papa at tinapik ang likod ni Andy at saka hinawakan ang bewang ni mama at umalis na.

"Upo ka muna." Alok ko.

"Wag na. Sasabihin ko lang naman na, bukas 10 am susunduin kita." Aniya at ginugulo ang buhok ko. "Wear something comfortable, ha?"

Tatanungin ko pa sana siya kung bakit pero umalis na siya. Bukas? Wear something comfortable? Wag mong sabihin na para mautusan niya ako ng mabilis. Naman oh.

The next day ay maaga akong nagising kahit na puyat ako kaiisip kung anong ipapagawa sakin ni Andy. 9:00 am palang ay bihis na ako. Naka shorts lang ako, loose white shirt at pink havaianas. Eksaktong 10 am dumating siya bahay. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang pa na para bang sinusuri kung tama ang sinuot ko. Nakaka-conscious tuloy.

"Pwede na yan. Tara na." Aniya at hinila ako papasok ng sasakyan niya.

"Ano bang iuutos mo sakin?" Usisa ko habang natingin sa labas. Narinig ko na napangisi siya sa sinabi ko. May mali ba sa tanong ko?

"Isa lang naman ang utos ko sayo ngayong araw." Nakangisi niyang sabi.

"Ano?"

"Just enjoy." Aniya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan niya. Ilang minuto pa ang nakita ko na papunta pala kameng EK. Matagal na nung huling punta ko dito, noon ay si mama at papa ang kasama ko.

Mabilis siyang nag-park at hinila ako papasok ng EK. Siya na din ang nagbayad ng entrance naming dalawa. Walang sabi-sabi ay hinila niya ako sa Disk-O-Magic. Wala pang gaanong pila dahil kabubukas palang naman, pero may mga iilang tao naring nandoon na. Hindi na nakapagtataka iyon. Bakasyon ngayon at isa ang EK sa mga dinadayo talaga pag ganitong mga panahon.

"Ang saya nun!" saad ko habang pababa kame ng Disk-O-Magic.

"Tara, isa pa habang hindi pa mahaba ang pila." Hinawaka niya ang kamay ko at hinili ako para pumila ulit. Akala ko bibitawan na niya ang kamay ko pagdating namin sa pila pero hindi niya iyon binitawan hanggang sa makasakay kame at habang umaandar ang Disk-O-Magic. Hindi ko tuloy alam kung saan ako masaya, sa ride o sa kamay niya?

The Fall (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon