Chapter 9. Bestfriend?
Habang nakahiga ay iniisip ko kung anong gagawin namin bukas ni Andy at kailangan pang naka-dress ako. Infairness naman maganda ang taste niya sa damit. Isang simpleng red dress pero may dating.
Teka!? Baka naman bakla si Andy!? lol. Sino bang niloloko ko. Si Andy, bakla? Wish ko lang. Haha
*one message received*
Kinuha ko ang S3 ko at tiningnan kung sino iyong nagtext.
Si Zues!
Alam kong alam ni Zues ang number ko pero hindi iyon nagteyext saakin. As in. Hindi.
Kaya naman hindi ko ineexpect na magtetext siya. At lalong hindi ko ineexpect na ganito ang itetext niya.
*
I MISS YOU.
*
Shet! Kinikilig ako. Please lang! Anong irereply ko dito? I miss you too? Nye. Sabihin naman easy to get ako. Harhar
*
Haha. Kumusta?
*
Send! Agad akong dumapa at isinubsob ang mukha ko sa unan.
May 5 minutes bago siya magreply.
*
Okay lang. Eto jamming kasama ng mga pinsan ko. *insert smiley*
*
Magrereply na sana ako ng 'Masaya akong masaya ka'. Kaso Check Operator na ako! Bwisit. Kung kelan naman katext ko pa si Zues!
*
Here I am waiting,
I'll have to leave soon
Why am I still holding on?
*
"Hello?" Wala sa sarili kong sinagot ang cellphone ko. Kanina pa itong nagriring pero ngayun ko lang sinagot dahil antok na antok pa ako kanina.
"I'm outside your house."
"Sino ba-- Oh my gosh!!" Napatingin ako sa relo sa side table ko at nakita kong 11:08 na.
"Make it fast."
Paktay.
Galit si Andy.
Dali dali akong naligo at nagbihis. Sinuot ko itong dress na bigay niya. Baka magalit pa lalo iyon pag hindi ko ito isinuot.
"You are..." tumingin siya sa relo niya. "34 minutes late."
Kahit kalmado ay alam mong galit siya.
"S-sorry Andy. Ano kasi..."
"Get in." Aniya.
Sumunod na lang ako dahil baka lalong mag alburoto itong si Andy. Scary talaga siya pag galit.
BINABASA MO ANG
The Fall (On Going)
General FictionI fell for you so damn hard I don't know if I will ever recover.