Sobrang ikling update. Sorry~
----
Chapter 14. Panget.
Sobrang saya ng EK experience ko with Andy. Kahit nakakatakot yung mga rides ay game parin ako. He's with me and that's more than enough for me to feel secured.
3 days. Yan nalang ang natitira sa deal namin. As much as I want to be happy, I felt somehow off. Pagkatapus ba ng 3 days ay balik na naman kame sa dati?
"Photowalk tayo?" aniya habang nanunuod kame ng tv.
"Photowalk? Saan naman?"
"Kahit saan. I'll just get my car." pagka-alis niya ay nagbihis agad ako. Pinili kong isuot ung pinaka magiging comportable ako. A pair of jeans and white shirt.
Sa park malapit sa mall kame pumunta.
"Ano ng gagawin natin dito? Wala nga pala akong camera." Saad ko habang nababa ng sasakyn niya.
"You walk, Ill do the photo." Tumango nalang ako at nagsimula ng maglakad. Nauuna ako kay Andy, medyo mabagal kasi siya maglakad dahil nga nagpipicture siya.
Dahil busy siya sa ginagawa niya ay nagpakabusy din ako. Aba! Di naman pwedeng siya lang.
Ang gaganda ng mga bulaklak dito. Kung pwede lang akong pumitas ay ginawa ko na. Ang cute nung mga batang nagtatakbuhan. Tapus may ilang mga couples din akong nakita. Ang sweet naman nila.
Tumingin ako kay Andy at nakita siyang masayang masayang nakatingin sa screen ng SLR niya. He loves photography this much?
"Andy! Bili tayo ice cream!" Tumingin siya sakin at tumango. Lumapit kame kay manong at bumili. Syempre libre niya. Naks, gentleman. Kakainlab! Pakiss nga.
Syempre joke lang.
Nagpaalam siya na mag c-cr kaya naman umupo ako sa isang bench doon. Wala pang ilang segundo ay may 2 jejemon na lumapit sakin.
For pete's sake! Kung pwede lang akong magdonate ng pera sa mga ito para naman makabili sila ng matinong damit, ginawa ko na.
"Hi miss. Ang ganda mo naman, bagay tayo." what the? asdfghjkl. I did not see that coming. Ang kapal naman ni kuya!
"Alam mo kung anong bagay sayo? Bagay sayong masampal. Pero dahil ayokong madumihan ang maganda kong kamay, palalampasin kita ngayon." Pagmamataray ko sa kanila. Tumayo na ko para umalis pero bigla naman niya akong hinawakan sa braso.
I wasn't scare at these to jejemons. Hell no. Hindi ako nag aral magkarate for nothing. Pero bago ko pa sila mabigwasan ay mag biglang humawak sakin at hinapit ako papalapit sa kanya.
"Bibitawan mo ang girlfriend ko o babaliin ko yang kamay mo?"
It was Andy.
Mukha naman natakot yung mga jejemonsters sa kanya at tumakbo paalis. How weird. Ganun ba nakakatakot si Andy para tumakbo sila?
"Okay ka lang?" he asked while holding my hand.
"Okay lang. Bakit tumakbo ung mga yun?" nagkibitbalikat lang siya at hinila ako papunta sa mall. Sayang, akala ko mapapractice ko na ang karate skills ko sa dalawang panget na yun.
"Where do you want to eat?" Aniya habang nagllakad kame sa mall. Take note, hawak parin niya kamay ko.
"Sa Razon's nalang. Gusto ko mag halu-halo."
Kung titingnan para na kameng mag boyfriend/girlfriend na nagdedate. Naalala ko tuloy nung sinabi niya ma girlfriend niya ako. Peste! Kinikilig ako.
Halu-halo lang talaga inorder ko dahil hindi naman ako gutom, pero itong si Andy ang daming order. Hindi halatang gutom. Slight lang.
After naming kumain ay nagsimula na ulit kameng maglakad. Pumasok kame sa ilang shops na gusto ko. Nagsukat ako ng ilang damit at bumili na rin. Si Andy, ayun busy sa camera niya.
"Patingin naman ako ng mga shots mo."
"Ayoko. Bawal to sa panget." Saad niya at agad pinatay ang camera. Abat! Pwedeng pabatok? Kahit isa lang?
"Di wag! Panget siguro kaya ayaw mo ipakita sakin." bahagya lang siyang tumawa habang umiiling.
"Tara, iuuwi na kita. Nagsisimula ka na namang magtaray e." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at hinila na niya ako palabas ng mall.
Baliw na ba ako? Bakit gustong gusto ko pag hinihila niya ako? Hinigpitan ko ang kapit sa kamay dahilan para mapatingin siya sakin. I will miss this. I will miss the way he holds my hand.
BINABASA MO ANG
The Fall (On Going)
General FictionI fell for you so damn hard I don't know if I will ever recover.