3

25 1 0
                                    

Chapter 3. Date?

Sa sobrang saya ko ay hindi ko mapigilang mapasayaw. Yes! Safe ang secret ko.

"What are you doing?" Agad kong naramdaman ang hiya na mabilis na bumabalot sa katawan ko! Shet! Si Zues. Nakita niya ako.

"Ah-ah. Dancing?" Saad ko habang dahandahan akong pumapaling. Agad ko namang nakita ang ngiti niya. OMG! Why so gwapo?

"Ang cute mo talaga." Sabay pisil sa ilong ko. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa kilig. Kaya awtomatikong hinampas ko ang kamay niya.

"Cute mo mukha mo!" Pagmamataray ko. Pinipilit kong itago ang ngiti ko ko, pero wala e.

"Tara! Kain tayo sa loob." sabay akbay sakin.

Lord. Salamat po sa blessings!

Sa sobrang lapit niya ay naaamoy ko na ang pabango niya. Hindi masakit sa ilong at tunay namang nakaka-adik. Bagay na bagay sa kanya na nakaka-adik din.

"Hoy Andi. Baka maubus na si Zues niyan." Pabiro sabi ni Harold. Nakaka-inis talaga siya! Bakit ba parati nalang akong nahuhuli nito pag nagmomoment ako kay Zues? Tsk.

"Dami mong alam! Kumain ka nalang!"

"Taray mo naman Andi. Meron ka ba ngayun?" Loko talaga ito. Binato ko nga siya ng tinapay na kinakain ko.

"Bastos!"

"Bastos agad?"

"Ewan ko sayo Harold."

"Oh. Tigil na." Nakangiting suway ni Zues. Syempre good girl ako, tumahimik na ako at kumain na ulit.

"Ang tahimik mo ata ngayun Andy with Y." tanong ni Harold kay Andy. Seriously? Ang daldal ni Harold ngayun. Mabuti nga yan at tahimik sa Andy, baka kung ano pang masabi niya at mabulgar pa ang sekreto ko.

"Wala. May iniisip lang." Sabay tingin sakin ng may nakakalokong ngiti. Shet lang. Pakiramdam ko alam ko na kung anong iniisip niya.

"Tinitingin tingin mo jan, unggoy?" Sabi ko habang itinuturo siya gamit ang tinapay na hawak ko.

"Masama na tumingin ngayun?" Sabay kagat sa tinapay na hawak ko.

"Peste ka! Bakit mo kinagatan?"

"Akala ko kasi sinusubuan mo ko." Naka-ngisi niyang sabi. What the ef? Ipinapahiya ba talaga niya ako sa harap ni Zues?

"Bakit naman kita susubuan? Kadiri ka. Iyo na yang tinapay! Ayoko na. May laway mo na!" Sabay lapag ko nang tinapay sa platito niya.

"Eto Andi. Ginawa na lang ulit kita ng bago." Mahinahong sabi ni Zues habang inilalagay ang tinapay na may choco palaman sa platito ko.

Parang nagfifiesta na sa kaloob looban ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti. Ipinag-gawa niya ako ng tinapay! Para tuloy ayaw ko itong kainin. Pwede ipa-frame ko nalang?

"Bakit di mo kinakain? Ayaw mo ba?" Nagtatakang tanong ni Zues. Agad ko naman iyong kinagatan at ngumiti sa kanya, dahilan para ngitian niya din ako. Heaven!

"Tss."

Kahit kailan talaga, panira ng moment itong si Andy. Bwisit.

Kinagabihan ay abala ako sa pag-iisip kay Zues ng biglang may tumawag sakin. Tiningnan ko kung sino. Si Andy lang pala. Aba! First time niya akong tinawagan. Alam niya pala ang number ko? Tamad ko naman iyong sinagot.

The Fall (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon