6

16 1 0
                                    

Chapter 6. Kiss.

Si Zues ang nagsilbing tutor namin kaya naman hindi gaanong mahirap maintindihan ang mga lectures. Nakapag basa na din ako nung mga nakaraang araw kaya naman madali na din sakin ang mga saulohin.

Sa kwarto ni Zues natulog yung tatlo at ako naman ay dito sa kanilang guest room. Katapat lamang ito ng kwarto ni Zues.

Hindi naman ito ang unang beses na makiki-overnight kame dito. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ako makatulog.

Sa laki nitong kama ay kanina pa ako paikot-ikot dahil sa frustration. Antok! Nasan ka ba kapag kailangan kita!?

Lalabas muna ako para magpahangin.

Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang pagbukas din ng pintuan ng katapat na kwarto.

Si Andy.

"Hindi ka din makatulog?"

"Hindi e."

Naglakad na ako at dumiretso sa garden nina Zues. Umupo ako sa bench sa may pond at ganundin ang ginawa niya.

"Bakit di ka makatulog?" Tanong niya sakin habang nakatingin siya sa langit. Ang daming bituin! Nakakarelax pagmasdan.

"Hindi ko nga alam. Ikaw ba, bakit di ka makatulog?"

Nagkibit balikat na lamang siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

"I will never let you fall." Napatingin ako sa kanya at nagulat sa biglaan niyang pagkanta. Nakapikit parin siya, para bang ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta.

"I'll stand up for you forever." Ang ganda ng boses niya. Sa tagal tagal naming magkakilala at magkasama sa banda ay ngayun ko lamang siya narinig kumanta.

Lalaking lalaki pero nakakagaan sa pakiramdam. Para bang hinehele ka sa bawat salita. Kaya naman kusa ng pumikit ang aking mga mata.

"I'll be there for you through it all. Even if saving you sends me to heaven."

Hinintay kong ituloy niya ang kanta pero wala na akong narinig. Iminulat ko ang aking mata at nagulat ako dahil nakatitig na siya sa akin.

"B-bakit?"

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. Gusto kong magprotesta, gaya ng lagi kong ginagawa. Gusto ko siyang sigawan,murahin pero hindi. Bagkus ay napangiti ako.

"2 more weeks."

Pagkatapus niyang sabihin iyon ay tumayo na siya. Akala ko ay magwawalk-out si loko. Yun pala ay inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Tulog na tayo?" Nag aalangan ko iyong hinawakan at tumayo.

"Sige."

Hanggang sa pag akyat namin ay hawak parin niya ang kamay ko. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Damn heart! Wag mo akong traydorin!

The Fall (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon