Chapter 1. Gusto
"Unggoy!"
"Baboy!"
"Etong sexy kong ito, baboy? Bulag ka?"
"Etong gwapo kong ito, unggoy? Bulag ka?" He said while mimicking my voice. URGH! I so hate this guy! Wala na siyang ibang alam gawin kundi ang asarin ako. Ginawa na niyang vitamins ang pang-aasar sakin e. Inaraw-araw na niya! Bwiset!
"Andy!" sigaw ni Zues.
"Ano!?" Sabay naming sigaw kay Zues. Nagkasukatan naman kame ng tinggin ng gugong na si Andy. Bwisit talaga! Bakit ba kasi pareho kame ng nickname. Anak ng puto at dinuguan naman oh.
"HAHAHAHA!" Tawa ni Zues habang hawak ang tiyan niya at hinahampas pa ang table.
"Maluugan ka sana Zues." Mataray kong sabi sa kanya. Pagtawanan ba naman daw kame. Badtrip na nga ako, ganito pa.
"Nakakatawa naman kasi kayo. Alam niyo. The more you hate, the more you love! Pusta ko, kayo magkakatuluyan sa huli." Nakangisi niyang sabi.
"Oy! Sali ako dyan! Magkano ba pustahan?" Biglang singit naman ni Harold.
"Ewan ko inyo. Dami niyong alam." Singhal naman ni Zandy John.
"Kung anu-ano talagang kabaklaan ang nalalaman mo Zues. Tumigil ka na nga." Padabog kong sabi sa kanya.
Bwisit naman kasi, sa lahat ng i-lilink sakin, si Andy pa. Tsk! Hindi ba pwedeng ikaw nalang Zues? Haay. Ang hirap talaga pag walang gusto sayo ang gusto mo, tapus siya pa mismo ang magtutukso ssyo sa iba. Asar lang?
"Hoy! Baka matunaw na si Zues kakatitig mo." Natatawang sabi ni Harold.
Nakakahiya! Masyado na palang lumalalim ang iniisip ko, hindi ko na tuloy napansin na nakatitig na pala ako kay Zues. Agad namang nag-init ang mukha ko sa kahihiyan.
"H-hindi ako nakatingin kay Zues no! D-dun sa pogi sa likod ako nakatingin!" Pagpapalusot ko naman.
"Tss."
"Tss ka dyan Andy! Tistisin ko yang mukha mo e."
"Dameng arte. Tara na. Magta-time na." Ang bipolar talaga nitong si Zandy John. Kanina lang ang kulit ngayun naman, pokerface na ulit.
Mabilis dumaan ang maghapon. Siguro ganun talaga pag boring ang klase. Mas gusto ko pang magbasa nalang ng novels kase makinig sa klase e. Hindi gaya nitong si Zues Zanders, super active sa klase. Top 1 yan, hindi lang halata. Mukha siyang happy go lucky pero ang totoo napaka-responsableng student niya.
Hindi gaya nitong si Zandy John "Andy" Sy. Sobrang seryoso ng itsura niya pero sobrang tamad niya. Hindi naman siya bobo, tamad lang talaga. Tapus sobrang suplado pa at may pagka-bipolar din. In short, magulo siyang tao.
Si Harold Tan naman. Tama lang. Tamang chickboy. Tamang gago. Ewan ko ba sa gugung na yun, wala pa siyang sineseryosong babae.
At ako naman si Andilynn "Andi" Valderama. Drummer. Book Lover. Hindi ako tomboy. Please lang.
"Tara na." Aya ni Andy. Nagsusungit na naman ang halimaw na ito. Tss. Oo, unfortunately, kasabay ko siyang umuwi. Sa iisang subdivision kasi kame nakatira. At binilin ni mama kay Andy na isasabay ako pag-uwi dahil delikado daw sa daan. Lalo na at hapon na ang uwi namin. Bwisit di ba?
"Ingat kayo. Oy, Andy. Ingatan mo yang only girl natin." si Zues iyon. Oh-em! Wait lang, ha? Kikiligin muna ako. Shet! Only girl. Woohooo! Pwede only girl nalang din ako ng puso mo?
"Oo na. Geh." At nagsimula ng maglakad si Mr. Bipolar. Syempre ako, sumunod na ako sa kanya.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa mga sinabi ni Zues. Hanggang sa makasakay kame ni Andy sa jeep.
Busy ako sa pag de-daydream ng bigla siyang umimik.
"Mukha kang tanga." walang gana niyang sabi.
"Ikaw hinde. Pake mo ba?" mataray ko namang sabi sa kanya.
"Tss" Ayan na naman ang walang kamamatayan niyang tss. Nakaka-inis talaga.
"Tss ka din."
Nandito na kame sa tapat ng bahay ko ng bigla na naman siyang umimik.
"Gusto mo si Zues, no?" Walang emosyon niyang sabi.
"H-ha?" Pano niya nalaman? Ganoon na ba ako kahalata? Shit! Paano kong sabihin niya kay Zues! No! Nataranta ang buong sistema ko sa realisasyon na baka sabihin ni Andy kay Zues ang nararamdamam ko.
Bigla naman siyang napangiti. Hindi basta ngiti. Nakakalokong ngiti.
"Gotcha." nakangiti parin niyang sabi. "Sige una na ako. See you sa practice bukas." At naglakad na siya palayo.
OH NO! Paano na ito? Pag nalaman ni Zues na gusto ko siya, baka layuan niya ako. NO! Kailangan kong maka-usap si Andy bukas. Asar talagaaaaa!
BINABASA MO ANG
The Fall (On Going)
General FictionI fell for you so damn hard I don't know if I will ever recover.