CHAPTER 1

7K 66 6
                                    

YUN OH!  Mayroon na akong Filipino Fan Fiction. Ito nga po pala ay isang Jairus Aquino Fan Fiction :D Surprise na lang kung sino pa yung ibang kasali ;)

----

CHAPTER ONE:

“Tara na Shirley, tatakas na tayo. Huwag ka lang gagawa ng ingay. Dahan dahan lang sa pagkilos baka mahuli tayo.”

Tumango lang siya. Nginitiin ko siya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay at tsaka tumakbo ng mabilis. Hinding-hindi ko siya pababayaan.

“Ito na, malapit na tayo sa pintuan! Tandaan mo kahit ano man ang mangyari, mahal na mahal kita.” Sabi ko ulit. Kailangan hindi ko mabitawan. Ngunit…

“Hep, hep! At saan ninyo balak pumunta? Dito lang kayo!”

Malas naman nahuli pa kami. Nakakasura.

“Ano ba Carl? Pakawalan mo na kami, kahit ano naman gawin at mangyari, kay Drake pa rin ako sasama!” sambit ni Shirley habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Nakakatuwa naman marinig ang mga salitang iyon. Pero nakakatakot din isipin kung ano ang maaaring gawin ni Carl sa amin.

“Talaga? O sige, mga kaibigan kunin at paghiwalayin silang dalawa!” Sigaw ni Carl. Ito na nga ang kinakatakutan ko eh.

“BITAWAN NYO NGA KAMI!”

“SHIRLEY!”

“DRAKE!”

“Kahit maghiyawan pa kayo dyan, walang mangyayari. Mga kaibigan, gawin nyo na kay Drake ang nararapat.” SHOCKS ANO IBIG SABIHIN NON?

“HA ANO? DAPAT PARA SA AKIN? NAHIHIBANG KA NA CARL!”

“HOY! Ano binabalak mo? Please lang Carl ‘wag mo nang ituloy! Nakikiusap ako!” Pakiusap ni Shirley habang unti-unting tumutulo ang luha mula sa mga mata niya.

Nilapitan siya ni Carl at hinawakan ang kanyang mukha at sinabi.

“Sorry. Hindi pwede.  Say goodbye Drake na.”

At iyon na ang mga huling salitang narinig ko maliban sa tunog ng baril. Ano ba ang nangyari? Wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Patay na ba ako?

--------

“Hoy kuya gising na! Nakakahiya naman ang mas bata mo pang kapatid ang gumigising sa iyo. GISING! MAY PASOK KA PA HOY!”

Panaginip? Panaginip lang pala. Ang brutal naman nun. Kaya pala nakakapagtaka, Drake ang tawag ng mga taong iyon sa akin. Sino ba sila?

“Oh? Huwag ka ng tumulala dyan, bangon na! Malamig na yung tubig na ininit ko!” Ito lang naman ang mga salitang araw-araw kong naririnig mula sa MAS nakababatang kapatid ko na si Belinda. Nakakarindi noh?

“Aga-aga pa eh. Five minutes.”

“Five minutes? Five minutes mo mukha mo! Maiwan ka na nga. Papasok na akong mag-isa!”

“Nako! Ang sabihin mo, kaya ka nagmamadaling ganyan kasi excited ka ng makita si Bugoy! Palusot pa reh.” Sabi ko habang umiikot-ukot sa kama para makahanap ng masarap na pwesto, sabay takip ng unan ang mukha.

Natahimik siya ng konti.

“O? Natahimik ka? Totoo no? Ayiiieee!” sabay bangon ko.

Binato niya ako ng unan.

“Umayos ka nga kuya! Male-late pa tayo sa ginagawa mo eh.!”

“Totoo nga AHAHAHHAHHAHA”

“TSE!” sabi niya sabay alis. EFFECTIVE! Naalis rin.

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon