CHAPTER 3

1.4K 44 8
                                    

CHAPTER THREE:

“Good morning Jairus!” bati ni Sharlene habang patakbo sa akin. Kamukhang- kamukha niya talaga yung Shirley sa panaginip ko.

“Hello.”dagdag niya. Hindi ko namalayan natulala na ako. Kinawayan niya yung paningin ko.

“Ah eh hi. Good morning!”

“Oh? Anyare sa mata mo? Eyebugs?”

“Hindi kasi ako nakatulog ng matino kagabi.”

“Bakit? Sino iniisip mo? Umiirog.” Maloko rin pala toh. Pano ba? Sasabihin ko ba na napanaginipan ko siya? Eh siya nga ba talaga yun?

“Ha? Wala ah. Wala lang ito. Sige papasok na ako sa classroom. Bye.”

“Bye.”

-Sharlene-

Naniniwala ba kayo sa ‘REINCARNATION’? Ako kasi oo. Bakit? Dahil ako mismo, reincarnated na.Nagbalik ako sa mundo para maipaghiganti ang mahal ko. Kailangan kong makuha ang hustisyang mahigit limampung taon ko nang inaasam.

Ako ang reincarnation ni Shirley, hindi man talaga ako siya, hindi titigil hangga’t hindi ko siya nakakapaghiganti. (Reincarnation lang, hindi mismo si Shirley)

Pero, nakakapagtaka lang talaga, paano kaya nalaman ni Jairus ang pangalang Shirley? Hmmmm… Pero aaminin ko na-love at first sight ako sa kanya. Napakatapang niya. At magaan na agad ang pakiramdam ko sa kanya. Kung pwede lang kasi mauna ang babae sa pagsasabi ng nararamdaman nila sa isang lalaki, ginawa ko na.

Buti na lang kasi alam ko ang itsura ni Carl. May isa pang bilin si Shirley, bantayan ko raw yung reincarnation ni Drake. Eh hindi ko nga alam yung itsura nun eh! Yun ang nakalimutan niyan ipadala. Paano ba?

-Recess Time-

Hayan na si Jairusssssss! Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Masaya na natataranta na ewan ko ba. Feeling ko nasa langit ako. Agad agad.

“HOY! NANGAGARAP KA NANAMAN NG GISING!”

“AAAHHHH! JAMAIZA NAMAN NANGUGULAT.” Si Jamaiza nga pala bestfriend ko. Siya lang ang pinagsabihan ko tungkol sa misyon ko. Pati parents ko hindi ko pinagsabihan.

“Nangangarap ka nanaman kasi ng gisisng eh.”

“Naalala mo ba yung kinuwento ko sa’yo ng isang araw?”

“Oo.”

“Naisip ko lang, paano ko mapoprotektahan si Drake eh, ni hindi ko nga alam yung itsura nya.”

“Malalaman mo rin yan balang araw. Kain muna.” Inabot niya sa akin ang snacks na binili niya para sa amin.

“Salamat”

“Ammm, Jamaiza, kilala mo ba si Jairus?”

“Jairus? Ano surname?”

“Hindi ko naitanong eh, basta section A siya.”

“Ah! Si Jairus Aquino. Oo naging classmate ko na yon! Isa siya top students di ba?”

“Malay ko”

“Kaya siya section A. Bakit mo naman natanong?”

“Ah eh kasi, nakilala ko siya nung isang araw. Pinagtanggol niya kasi kami ni Philip laban kina Alfred.”

“Wow ang tapang!”

“Oo nga eh. Tapos kapatid pa niya yung crush ng kapatid kong si Bugoy! Nakakatawa.”

“Crush mo rin?”

“WHAT? Hindi ah.” Dineny ko.

“Pero di ba, Mariano apelyido ni Belinda?” Tanong niya. Oo nga no hindi ko napansin, magkaiba sila ng apelyido. Eh bakit naman kaya?

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon