CHAPTER 6

1.3K 48 1
                                    

CHAPTER SIX

Bakit ba ako tumatakbo? Tinatakbuhan ang katotohanan? Na ako si Drake at si Sharlene ay si Shirley? At si Shirley na si Sharlene na minamahal ni Drake na ako? Ang gulo!

Hindi ko na namalayan na nakaarating na ako sa kabilang building. Paano’y nakayuko habang tumatakbo. Shunga rin eh.

At dahil nga nakayuko ako, hindi ko napansin na may paparating palang tao… kaya nabunggo ko siya.

“OMYG, ouch! Are you watching your--- Oh Jairus it’s you pala.” Lagot, si Janella pala itong nabangga ko. Bawas pogi points :’(

“Friend, nasaktan ka ba?”

“Janella, sorry, hindi kasi ako nakatingin sa dinaraan ko eh. Sorry talaga!” humingi ako ng pasensya. Itinatayo ko siya habang patuloy na humihingi ng tawad.

“O? that’s OA ha. Jane, Jairus I’m fine. Sorry if masyado kayong nagimbal sa reaction ko.”

“Sure ka?”

“Yes. Ammm, is there anything wrong?” Ha? Masyado bang halata yung pagda-drama ko? Pinunasan ko yung mukha ko.

“Wa-wala.”

“Ah okay, sige we’ll go ahead kasi napagutusan ako na pumunta sa science lab. We’re in a hurry na rin kasi malapit na mag-time. See you at class. Let’s go Jane?”

“Sige let’s go.”

“See you at class!” nagbabay ako.

Bumalik na tayo sa issue ko. Nakakapagtataka talaga. Naniniwala akong walang reincarnation. Kaya paano nangyari iyon?

-Sharlene-

Totoo bang nasa harapan ko na si Drake? Ibig sabihin, tapos na ang misyon ko? Salamat naman at pagkatapos ng ilang taon, nahanap ko na rin siya. Pero bakit si Jairus pa? Kaya ba pagkakilala ko palang sa kanya, may kakaiba na akong naramdamang espesyal para sa kanya?

Pero medyo masakit na bigla na lang siyang nag-walk out. Hindi ko naman siya masisisi. Ganon din siguro ang gagawin ko kapag nalaman ko na reincarnated ako or something. Malaman mo nga lang na ampon ka, yun din ang magiging reaksyon mo. Hindi ako ampon ha.

Naramdaman ko na lang tumulo ang luha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. At bigla-bigla, nayakap ko si Jairus. Hanggang sa tumakbo siya, umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigil. Ano kaya ang mangyayari sa amin pagkatapos nito?

“Sis?! Shar, bakit ka umiiyak? Sino gumawa nyan sa’yo? Resbakan natin!” Pag-aalala ng bestfriend kong si Jamaiza. Ito talaga, bigla-biglang sumusulpot. Parang kabute lang. Kaya nga ako pumunta dito sa library kasi bigla siyang umalis. Maliban dun, napunta rin ako sa lugar na ito kasi may bumubulong sa akin na magtungo rito. Siguro’y dahil nga makikilala ko na yung Drake na hinahanap ko.

“Walang nanakit sa akin. Sabihin nating, tears of joy?”

“Tears of joy? Bakit anong nangyari?”

“Ito naman kasi, alis nang alis, hindi ka tuloy naging updated.” Biro ko. Pinupunasan ko rin ang luha ko habang sinasabi ito.

“Hindi kita magets.”

“Sis, nakita ko na siya sa wakas! Pagkatapos ng apat na taon. Nahanap ko na siya!”

“Nakita sino? Diretsohin mo na kasi ako.”

“SI DRAKE!”

“Drake? Wait, yan ba yung ka-loveteam nung sinasabi mong Shirley? Yung past life mo?”

“TAMA!”

“TALAGA?! EDI CONGRATULATIONS PALA! PA-CHEESE BURGER KA NAMAN!

“Teka, sino nga pala yun?” dagdag niya

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon