CHAPTER 12

979 45 4
                                    

CHAPTER TWELVE (PART 2):

“Nagsasayawan na sila. Tayo na lang ang nakaupo.”  Sharlene.

“Aba oo nga noh?” tumayo ako at iniabot kay Sharlene ang kamay ko.

“Can I have this dance?” Tanong ko na may kasamang ngiti.. Tinanggap naman niya. Nung nahawakan ko na niya yung kamay ko, ayoko na siyang bitawan. Nagtutuloy na yung mga weird kong nararmdaman. Pag-ibig na kaya? Ashhhhhh. Huwag ko na nga lang pansinin. Basata kung ano sabihin ni instinct sunod lang.

“My pleasure.” Matamis niyang sagot. Tumayo na siya at pumunta na kami sa may gitna para magsayaw.

Hinawakan ko ang bewang niya gamit ang isang kamay. Siya naman, nilagay na niya ang isa niyang kamay sa balikat ko. Pagkatapos, naghawak na kami ng kamay.

Parang tumigil ang oras at nawala ang lahat ng tao sa paligid namin. Parang… kaming dalawa na lang ang nagsasayaw. MAGICAL. Basta kami, sumasayaw at tinitignan ang isa’t isa. Tapos yung kanta pa yung “Can You Feel The Love Tonight” nga ba yung title nun. Yung kanta galing sa favorite children movie ko na Lion King. Tamang tama. Nararamdaman ko na ang pag-ibig sa paligid. Nasasagot na yata paunti-unti yung mga katanungan sa isip ko. Hindi ko lang pinapansin ang nararamdaman ko noon pa. Sharlene, ito ko alam kung tama nga ba ang nararamdaman ko. Gusto nga yata kita…

Paano ko ba sasabihin sa’yo? Hmmmm, baka masira lang yung friendship natin kapag pinagtapat ko sa’yo. Ayy, parang ngayon ko lang narealize, ligaw na agad?

Ganto na lang, sana naman hindi mo isipin na kaya lang kita kinakausap o pinapansin dahil ikaw si Shirley, ito ay dahil ikaw si Sharlene. Tama nga yata si Nash, nagbulag-bulagan ako.

Kung tutuusin, mas okay ka kay Janella. Tanggap mo kung ano at kung sino man ako. Lagi mo pa nga ako tinutulungan eh. Ang shunga ko nga lang dahil binalewala ko lang lahat nang iyon dahil lagi ako nakatingin kay Janella.

At tsaka parang alam ko na rin yung sagot sa riddle mo. Yung kung ano ang meron si Drake at Shirley na wala tayo. Love. Ngayon, sana nararamdaman mo na rin.

Ops. Corny na tama na.

“Aray” Haya natapakan ko yung prinsesa ko. Nakakahiya, kasi kung ano-ano iniisip, tapos hindi ka kasi marunong magsayaw.

“Haya, sorry. Sorry po.” Paulit ulit akong humingi ng sorry.

“Hindi, sige ayos na, hindi naman masyadong madiin yung pagkakatapak mo.”

“Sorry talaga.” Tapos pinunasan ko yung sapatos niya.

“Hoy! Ano yang ginagawa mo? Tigilan mo nga iyan. Okay na nga ako. OA?  Sayaw na ulit.” Tumawa lang siya. Sabi niya eh. Okay. Tuloy ulit ang pagpapantasya. :)

“AYIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEE.” May mga boses na nagsabi. Bakit?

“Ayieeee JaiLene!” JaiLene? Jairus. Sharlene. Pinagsama naming pangalan?

“Bagay!”

“Ano bang pinagsasabi niyo?” Sharlene.

“Ang cute niyo kayang dalawa. Grabe kayo magtitigan kanina. Lagkit! Akala naming hindi na mababali eh. Kaso natapakan lang yung paa mo kaya natigil.” Random

“Kung hindi niyo napapansin, kanina pa naming kayo pinagmamasadan. Lahat kami tumigil sa pagsayaw.” So, yung akala kong tumigil yung oras at kami na lang ang natira na nagsasayaw, totoo? Literal? Ay, nakakahiya.

Nagkatinginan lang kami. Hindi na lang kami kumibo.

“Students, what’s happening? Why are you all shouting and not dancing?” Principal

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon