CHAPTER 13

992 42 7
                                    

CHAPTER THIRTEEN:

-Sharlene-

Akala ko okay na.

Akala ko naka-get over na siya kay Janella.

Akala ko kahit papano nagkakagusto na rin siya sa akin.

Pero akala ko lang iyon.

Maraming namamatay sa maling akala.

Ikaw rin kasi Sharlene eh, naging assuming ka. Masyado rin akong nadala doon sa lovestory ni Drake at Shirley. Ano bang magagawa? Eh hindi naman talaga kami iyon. May pagkakaiba pa rin.

Kung hindi lang din dahil sa misyon ko, ititigil ko na ito eh. Ayoko na. Suko na ako. Pagod na akong umasa.

Grabe. Keso ba nahuli ko lang siya nakatitig sa akin. Sinabihan ako ng maganda. And everything… iyon na ‘yon agad? Ikaw eh. Sana hindi ko na lang napansin iyon lahat.

Paano ka ba hindi makakatanaw ng pag-asa, binigyan ka nga ng isang mamahaling kwintas na kamukhang kamukha nung kay Shirley.

Eh yung kwintas nga na iyon ang simbolo na forever niyang mamahalin si Shirley. Akala ko ganoon din yung amin. Ang sakit.

Wala rin naman akong karapatang magselos sa kanila ni Janella kasi, wala naman kaming relasyon. Si Shrlene at si Jairus lang kami. Hanggang doon lang.

Talaga palang gustong gusto ni Jairus si Janella. May payakap-yakap pang nalalaman! ERGH! Ano ba ang meron yung babaeng iyon na wala ako?

Ito pala epekto ng pagiging heart broken. Nakatulala. Emo. Nakayuko kaharap ang tuhod.

Sa sobrang kabaliwan ko, pati mga kotse na dumadaan sa harap ng bahay naming hinihinilingan ko.

Isang kotse, he loves me. Pangalawa, he loves me not. Pangatlo, he loves me. He loves me not. He loves me. He loves me… not. HELL YEAH!

Sabagay, gaya nga ng sabi ko, nababago pa ang tadhana. Hindi ito eksaktong kamukha ng sa past life mo. Nawala na ang ilaw.

Mag-usapang kwintas tayo. Kaya pala hindi ko na mahanap yung kwintas na iyon kasi, kung saan na rin nakarating iyon. Ibibigay ulit sa akin. Ngayon, ang kwintas na ito ang simbolo ng sakit na nararamdaman ko. Itapon ko kaya nang mawala? Huwag, mamahalin ito.

“Ate.” Tumawag si Bugoy mula sa labas ng kwarto. Gabing gabi na gising pa rin siya?

Pinunasan ko muna ang luha ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

“O Bugoy? Bakit gising ka pa? Past 11 na.” sabi ko.

“Natakot kasi ako sa panaginip ko eh.” P A N A G I N I P. Ito ang dahilan kung bakit ako nakilala ni Jairus. Oh well. Enough.

“Ano ba yung napanaginipan mo?”

“Natanggal daw lahat ng ngipin ko. Eh di ba, hindi magandang pamahiin iyon?” Ayon sa superstition, kapag nanaginip ng nabunutan ng ngipin, may kamag-anak o malapit na kakilala ang mamatay.

“Oo nga nakakatakot iyan. Superstition lang naman iyan eh. Wala lang iyan.”

“Pero ate, malinaw eh. Naramdaman ko pa nga na nabunot yung mga ngipin ko. Kaya nga ako nagising kasi akala ko totoo.”

“Ang pangotra raw riyan ay pagkagat sa isang kahoy.”

“Effective ba iyon?”

“Pero bukas mo na gawin iyon, masyado nang gabi.”

“Pwede ba akong tumabi sa iyo sa pagtulog?”

“Oo naman, para makatulog ka na rin ng mahimbing. Huwag ka na matakot ha. Andito lang si ate sa tabi mo.” Tapos hinimas ko yung ulo niya at pinahiga na sa higaan. Kumanta ng lullaby para makatulog agad. At hinalikan sa ulo. Tsaka ko na rin intindihin itong puso ko. Sisirain pa nito ang ulo ko. Hindi maganda iyon, ikapapanget ko lang.

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon