CHAPTER 8

1.1K 49 10
                                    

CHAPTER EIGHT:

(A/N:Inaalay ko po ang chapter na ito sa bestfriend ko <3 HAYAN NA SIISS! :')

At yung mga Nashies dyan, gusto kong isipin niyo na kayo si Jamaiza J Sana po magustuhan niyo ito. Mahal na mahal ko po kayo! Yung mga lagi pong vinovote at nagcocomment ditto sa story ko, tuwang-tuwa po ako sa inyo! LUV U all!)

-Jamaiza's POV-

"Ang bestfriend ko naga-upgrade na! ipinagluto mo pa ha!" Sabi ko habang naglalakad kami papuntang canteen. Ikaw kaya gumawa nun!

"Ilang ulit ko bang sasabihin na... NAPAG-UTUSAN LANG AKO?! Walang ibig sabihin yon." Sagot ni Sharlene sa akin. HINDI NGA?

"Maniwala naman ako sa'yo. Ginusto mo rin naman yan eh."

Natahimik siya ng sandali...

"Honestly, totoo yung sinabi mong 'ginusto ko rin'. Ilan lang ito sa mga kilos ko para kahit papaano, maramdaman niya na hindi ko siya gusto bilang Shirley na mahal si Drake kundi bilang Sharlene na may gusto kay Jairus. Pero mukhang imposible niyang mapansin." Tumingin siya sa akin ng nakangiti. Malungkot na ngiti. Siguro iniisip nito yung tungkol kay Jairus at Janella. Balita ko patay na patay itong Jairus na to sa Janellang iyon. Sus, LILIPAS DIN 'YAN FRIEND!

"Ang drama! Pero real talk, sususportahan ko yung Sharlene San Pedro version 2.0. sisters nga tayo diba?"

"Kaya mahal na mahal kita eh! Sa ngayon, iisipin ko na lang muna yung misyon ko, hindi muna itong puso ko."

"KORAK! Tara na nagiging corney na naman tayo. LET'S EAT!"

Habang kumakain kami nakita ko si Jairus three tables from here sa canteen!

"Sis, look, si Jairus oh! At... kinakain na niya yung luto mo!" Inaalog ko si Sharlene habang sinasabi iyon.

"Mukhang mas kinikilig ka pa sa akin ah."

"NOMON!"

Habang masaya kaming nagkwe-kwentuhan at nag-aasaran, mas isang lalaking lumapit sa amin para kunin yung patis na hindi ko na naibalik.

"Miss, pwede po bang makahingi ng patis?"

"Nakalimutan ko palang ibalik. Pakibalik na lang din. Ito oh." Sagot ko. Inabot ko sa kanya ang patis. Napatingin ako sa kanya. Mukhang hindi siya pamilyar. New student? But wait, nakaramdam ako ng butterflies na naglililikot sa tiyan ko. At... SIYA NA YATA ANG PINAKAGWAPONG NILALANG NA NAKIT AT NAKASALAMUHA KO!!!

"Salamat."

"We-we-we-welc-" Ngumiti lang siya sa akin at umalis. Ang bastos naman hindi pa ako tapos eh! Hindi ko pa siyang tapos titigan.

Kahit nakaalis na siya, hindi ko pa rin natatapos yung sinasabi ko. Tinignana ako ni Shar ng masama.

"HOY! Anong nangyayari sa iyo?"

"Sis, I think nag-taxi na yung prince charming ko!"

" mo?"

"Ang slow naman! Di ba dati sa library, napag-usapan natin na yung prince charming ko nakasakay pa sa turtle kaya hindi pa siya dumadating? Hayan na siya! DUMATING NA SIYA! NAG-TAXI RIN SIYA SA WAKAS!"

"Tinutukoy mo ba yung lalaking nanghingi ng patis kanina?"

"Mejj." Tapos sinundan naming siya ng tingin. OMG! TOTOO BA YUNG NAKIKITA KO? UMUPO SIYA SA TABI NI JAIRUS?! FRIEND SILA NI JAIRUS???!

Dinampot ko yung balikat ni Shar at tsaka ko ito inalog. KAYO KAYA MAGING AKO?

"SHAR!!! FRIEND SIYA NI JAIRUS!"

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon