CHAPTER 14

1K 49 23
                                    

(a/n: Ito na ang ending. Salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lang. Super nakakataba po talaga kayo ng puso. May isa po akong reader na lagi niya po ako pinapasaya sa mga comments niya si @_itsmerona_ nga ba username niya? xD kayo naman pong lahat pinapasaya ako :'D At sa bestfriend kong si Jamaiza and Paula na tumutulong sa pagspread ng story ko, THANK YOU LOVE YOU! Ito na nga yung last chapter. dumadaldal na ako.

P.S: Pa -favor? Please, no matter what, kahit ayaw niyo na basahin ito dahil nawawalan na ng kwenta at lumalawlaw na yung plot, please ituloy niyo po yung pagbabasa niyo. May announcement din po ako sa dulo. Please po tapusin niyo. Pretty pretty please? )

CHAPTER FOURTEEN:

-Jairus-

Pagkagising ko, ang paligid ko ay punong-puno ng mga tambak. Marumi. Bodega ba ito? Nasaan na ba ako?

Paglingon ko sa gilid, nakita kong katabi ko pala si Sharlene. Wala siyang malay. Sana naman okay lang siya. SANA.

Sinubukan ko tumayo kaso napaupo ulit ako pabalik. Nakagapos pala yung mga kamay ko at paa.

Maalala ko, may kumidnap nga pala kay Sharlene. Nakiepal lang ako kaya ako nasama. Ayos na rin ito para mabantayan ko siya. Mahirap kaya maging loner. It's my turn naman sa misyon na... gawing happy ending ang lovestory ng DrakeLey. Teka, kaya nga pala nagkamisyon si Shar kasi ayaw maulit na mamatay na isa. Eh parang... alanganin kami ngayon.

"Sharlene. Sharlene. Please gumising ka." Bulong ko. Please gising.

Unti-unting dumilat yung mga mata niya.

"Jairus?" mahina niyang tanong. Tumingin siya sa paligid.

"Oo ako nga."

"Nasaan tayo? Anong ginagawa natin dio? Paano tayo napunta dito? Nasaan yung doughnut na binili ko? May movie marathon kami ni Bugoy ngayon. Hinihintay niya ako." sinubukan din niyang tumayo kaso bumalik din siya.

"Nakagapos ako?"

"Nakidnap ka. Hindi ko rin alam yung dahilan kung bakit. At yung doughnut mo? Baka kinain na ng mga kidnappers." Sagot ko.

"Nakidnap ako? Eh ikaw rin naman nandito ah. At tsaka ang alam ko mag-isa lang ako kanina pauwi. Haya alam kaya ito nina daddy? Baka nag-aalala na sila sa akin. Pati yung parents mo."

"And, WALA SILANG KARAPATANG KAININ YUNG DOUGHNUT!!! Favourite ko pa naman yung mga flvor doon. MALASON SANA SILA!" dagdag niya. Nakakatakot naman ito. Pero SANA NGA!

"Nadamay lang din ako. Sinubukan ko kasing pigilan yung kotse na kumuha sa'yo kaso binangga lang nila ako. Eh para walang saksi, kinuha na rin nila ako."

"Ililigtas mo ko dapat?"

"Actually, papunta ako sa bahay niyo para makapag-sorry ng personal. Tapos ayon nga, may mamang isinakay ka sa kotse. Buti nga nakita ko kung hindi, baka kabadong kabado rin ako kung napapano ka na."

"Magsorry?"

"Naintindihan ko na kasi kung bakit mo ko biglang sinampal nung isang gabi. Hindi ko naman alam na... basta, sorry kung nasaktan kita."

"Hindi, wala ka naman talagang kasalanan, ako nga ito eh. Bigla na lang akong nanampal. Eh wala ka naman talagang kamalay malay sa mga pangyayari..."

"Hindi naging manhid rin kasi ako gaya ng sinabi mo."

"Huh?"

"Sharlene, may---"

"Gising na pala kayo." May isang lalaki na biglang pumasok sa kwarto na kung nasaan kami. Siya ng kidnapper.

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon