CHAPTER 10

1K 42 4
                                    

CHAPTER TEN:

-Jairus-

 “Jai, anak, konting bilis naman! Malapit nang magbukas yung mall!”

“Sandali na lang po!”

“Hay nako mommy, masanay na kayo kay kuya. Pagong iyan eh! Ang one minute dyan 100 years.”

“Anak, alam mo namang dapat pagkabukas na pagkabukas pa lang ng mall nandoon na tayo!”

“Sandali na lang po talaga.”

Nag-aayos na lang naman ako ng buhok. Pagdating talaga sa buhok inaabot ako ng siyam-siyam. Vain eh.

Ganyan lang talaga ka-shopaholic yang si mommy. Lahat nga ng butas sa mall sinusuot! Nagkasundo naman sila ni Belinda sa ganoon. Kaya nga hindi ako sumasama masyado kapag nagmo-mall sila, kung hindi lang din kailangan. Tapos magagalit sila sa akin kapag ang bagal ko kumilos samantalang hindi naman ako masyadong nagrereklamo kapag namimili na sila. Hindi nila naiisip ang nararamdaman ko. HUHU.

Maliban sa pamimili nila ng kung anek-anek, mamimili rin kami ng susuotin ko para sa formal dinner. Ilang taon na naman ba kami doon? -.- mga babae…

At tsaka kasabay nga pala namin sina Sharlene, dapat daw terno kami ng isusuot. Pshhh. Okay?

Doon na lang naman kami mismo sa mall magkikita-kita.

**Pagkadating sa mall

“Late tayo ng  five minutes.” Mommy.

“Hindi naman po tayo mauubusan ng mga produkto. Sobra pa nga po yung mga iyan eh.” Sagot ko kay mommy. Grabe napra-praning na naman. Sana hindi na dumagdag si Belle. Plith.

“Mommy, di ba mamaya pang 10:30 darating sina ate Sharlene?” Belinda

“Yes.”

“Daan muna tayo sa Penshoppe.” Ito na, nagsisimula na sila.

“Tara.”

“Mommy, Belle, doon naman ako sa Toby’s.” ayoko nga sumama sa dalawang ito. Titingin na lang ako ng bola ng basketball. Better.

“Okay, tawagan na lang kita kapag nandiyan na sina Mylene. Huwag mo ihihiwalay yung cellphone mo sa katawan mo.”

“Okay po.”

“Ingat!”

WOW! Tumutulo na yata yung laway ko. Ang daming bola. At hindi lang iyon, ang gaganda pa ng klase nung mga raketa sa badminton. Yung… AHHHH. Sana lang mabili ko itong lahat.

Pagkatapos sa Toby’s Sports, tumingin naman ako ng rubber shoes. Yung laway ko *O* Ito ang langit sa lupa.

Habang nililibang ko yung sarili ko. Tumawag na si mommy. Tapos na ang kaligayahan?

Sabi niya nandoon na daw sina Sharlene sumunod na lang daw ako sa kanila. Nasa Max’s sila.

-----------------

“Mylene, ito nga pala ang binata kong si Jairus at ito naman si Belinda. Iyan na pala ang dalaga, mas maganda pa sa iyo.” Biro ni mommy. Feeling close?

“Hindi ka pa rin nagbabago. Ito nga pala ang bunso ko si Bugoy. Balita ko classmates sila ni Belinda.”

Parang sampung minute pa lamang ang nakakalipas, close na agad agad? O.o

“Ang tahimik ng mga anak natin, siguro nagtataka sila kung bakit ganito na tayo kakomportable sa isa’t isa.” Sabi ng mommy nina Sharlene. Wui, nakahalata.

“Mga anak, bestfriend ko nga pala itong si Mylene nung High School.”

“Owwwwww.” Sagot naming apat. Kaya pala.

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon