CHAPTER 9

1.1K 40 9
                                    

CHAPTER NINE:

-Jairus’ POV-

Matagal-tagal na rin akong hindi nanaginip simula nung naging close na kami ni Sharlene. Nakakamiss pala.

Hindi pa ako makatulog, 10 pm na may pasok pa bukas.

Naisipan kong uminom ng gatas, pampaantok man lang.

Nakita ko Belle nasa study table niya… nag-aaral? SIPAG AH!

“Oh Belle bakit gising ka pa?” tanong ko.

“Nag-iisip kasi ako ng materials at plano kung paano gagawin yung project naming. Eh, malaki kasi puntos nun sa grades eh. Eh ikaw kuya, ba’t gising ka pa?”

“Hindi ako makatulog eh. Magtitimpla na lang ako ng gatas. Tungkol saan ba yung project niyo?”

“Miniature ng isang Buddhist temple. Nakakastress nga eh. Hindi ko alam kung paano sisimulan.”

“Group project ba yan?”

“Yap”

“Kelan papasa?”

“Next next week.”

“Oh yun naman pala eh. Humingi ka na lang ng idea sa mga ka-grupo mo. Matulog ka na may pasok pa bukas, baka hindi ka magising.”

“Eh wala ngang kwenta yung mga members ko eh! Si Bugoy lang ay tumutulong.”

“NAKS! Hahaha, uling na lang ipangkulay niyo sa temple niyo! HAHAHA!”

“SIGE NGA KUYA IHANAP MO AKO NG ULING NA KULAY GOLD!” hiyaw niya. Medyo nabara. Makainom na nga lang ng gatas.

“Ano?!” dagdag niya.

“Matulog ka na. may pasok pa bukas.”

Tsaka ako lumayas sa harap niya at nagtimpla na ng gatas.

******

Kakagaling ko lang sa library. Nagpaturo ako kay Shirley ng English para sa exam bukas. Eh hindi ko maintindihan eh! Ang galing-galing niya talaga! Hindi ko nga alam kung may natutunanan ako kasi sa mukha lang niya ako tumitingin hindi sa notebook. Landi ba?

“Ano naintindihan mo  na ba?” tanong niya. Ammm…

“Oo naman!” sagot ko.tama bang isagot ko ito?

“Sigurado ka? Kaya mo na yung exam bukas ha?”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Hmmm, oo na! sige mauna na ako, may dadaanan pa kasi ako sa kabilang building eh.”

“Samahan na kita. Baka naman sabihin ng parents mo irresponsible ako.”

“Sus! Nagdrama pa! wala namang masamang mangyayari sa akin na masama eh. Goodluck na lang sa exam bukas.”

“Wala manlang goodbye kiss?”

“Flying kiss na lang.” tas nag-flying kiss sya sa akin at tsaka umalis.hindi pa naman siya nakakalayo. Kinilig naman ako dun.

“I LOVE YOUU SHIRLEY!”

Lumingon siya at kumindat. HAAAAAAAAAYYYY.

Pagkalabas ko sa pintuan ng library may lalaki akong nabangga.

“Ay, sorry po!” paumanhin ko.

“Sorry?!” ay, ang yabang naman nire. Ngayon ko pa nga lang siya na-encounter ganto pa sagot sa akin?

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon