CHAPTER 5

1.2K 55 16
                                    

CHAPTER FIVE:

“Belinda, sasabay ka ba sa akin? Maaga akong papasok.” Naisipan kong pumasok ng maaga para tignan yung bahay sa panaginip ko. Minsan natatakot na ako sa mga pangyayari sa buhay ko eh. Tapos vintage pa yung setting.

“Wow. Anong drama yan kuya?”

“Sasabay ka ba?”

“Oo naman kuya. Mahirap kayang ma-late ng mag-isa. Dapat may karamay.”

“Tara na.” Tapos lumabas na ako.

“Hoy, hintayin mo ako.”

-----------

“Kuya bakit naman tayo naglalakad papunta sa school? Hindi pa naman tayo ganon kagipit para magbayad ng pamasahe.” Kaya ayoko isama ito eh. Hindi na maiintindihan tatawanan lang niya ako.

“Edi mauna ka na lang. ayos lang naman sa akin eh.”

“Eh kuya…”

“Eh eh ka dyan. Sandal lang naman toh. 5 minutes lang.”

“O deba nandito na tayo.” Dagdag ko. Tumigil kami sa harap ng isang NAP-PAKALAKING bahay. SAbi na nga bat ito yung bahay sa panaginip ko at yung may strange feeling akong nararamdaman.

“So tititigan lang natin ito, ganon? Ang boring naman.”

“Mauna ka na nga kasi kung ayaw mo! Kulet.”

“Sige na nga dun na lang ako sa isang tabi.” Nang papaalis na Belle, tinignan ko ulit yung bahay at biglang nag-flashback yung mga napanaginipan ko kagabi. At dahil doon, sumakit na naman ang ulo ko.

“Arghh”

“Kuk-kuya?” Napatakbo si Belle papunta sa akin.

“Haya kuya, ayos ka lang?” nung pinilit ko na huwag alalahanin yung panaginip, nawala na rin ang sakit.

Hinawakan ko ang ulo ni Belle at sinabi: “Ayos lang si kuya. Sige na nga pumasok na tayo.”

“Sigurado ka?”

“Oo tara, mag-tricycle na tayo papasok.”

“Okay” Nagco-commute na lang kami ngayon kasi yung service naming dati lagging late! Late na nga ako, late pa siya. San ka pa?

Una munang sumakay si Belle. Nung papasakay na ako sa tricycle, biglang may lumabas nung bahay na napakaganda. Kilala ko yata sila ah. Bugoy? S-H-A-R-L-E-N-E?

Kinuskos ko muna yung mata ko kung hindi ako namamalik-mata. OO! SIYA NGA! Nagkataon lang ba ito o sadya?

“Kupad!” –Belle

“Ito na nga eh.”

Si Sharlene talaga iyon ah. Ibig sabihin ang bahay ni Shirley at ni Sharlene ay iisa? Si Shirley at si Sharlene ay iisa? WAAAAAAAAH!

****

Ngayon naman nasa harap ako ng altar ng simbahan. Kaharap si Shirley. Kami lang ang nasa loob. Parang hindi naman espesyal ang okasyon eh, kasi naka-casual attire lang ako, kami.

May maliit na table sa harap ng isa’t-isa. May flower crown akong hawak. Nakangiti ng malawak si Shirley sa akin.

“Balang araw totoong kasal na ang magaganap, hindi na kasal kasalan. Habang buhay na tayo magkakasama. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Tatandaan mo iyan.” Banggit ko habang hinahawakan ang kamay niya. Nilapit ko ang mga labi ko sa noo niya tsaka ko hinalikan.

“Mangyayari ‘yon, tiwala lang. Mahal na mahal din kita Drake!”

Ngumiti ako at inilagay na ang flower crown sa ulo niya tsaka ko siya niyakap.

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon