CHAPTER 4

1.3K 57 9
                                    

CHAPTER FOUR:

-Belinda’s POV-

“Hay nako! Kahit kelan talaga palpak si kuya! Anong petsa na?! Nakakainis!” sigaw ko sa loob ng classroom. Nakakabagot! Ngayon, kami na lang ni Bugoy naiwan dito sa loob. Sinasadya nya ito eh!

“Ayaw mo ba nun, tayong dalawa lang ang nasa loob? Hindi ka ba masaya?” biglang nagsalita si Bugoy. Nanigas lang ako ng sandali.

“Joke lang!” dinagdag niya.

“A ahahaha ahahaha. Ammm.”

“Gusto mo ba na i-check natin kung nasan ang ate ko at kuya mo? Puntahan na natin.”

“Mas mabuti pa nga siguro.” Nanigas naman ako dun sa sinabi nya. Sana hindi kami mahuli ni kuya. Lagot nanaman ako.

--------

“Am eh, Belle, araw ka ba?” Ice breaker  ni Bugoy, dahil siguro sobrang tahimik? Napatigil ako sa paglalakad. Pick-up line ba itech? Matanong na nga lang. Kinikilig ako.

“Bakit?”

“Ang dami kasing kotseng dumadaan.” Ayy. Akala ko pa naman. Boy pick-up ikaw ba yan? Turn Off.

“Ahahaha, walang connection di ba? Sana tayo meron.” Tapos kinindatan niya ako. Ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko umakyat lahat ng init mula sa paa ko papunta lahat sa ulo ko. Nakakahiya namumula yata ako. Kebabata pa naming ganto na agad nangyayari pa sa akin. Tssss… TURN ON!

Nauna na lang ako maglakad. Ayun! Sa wakas nakita ko na rin si kuya! Nakaupo siya sa floor at nakahawak sa ulo. Patakbo na sana ako sa kanya nang may… kasama siyang babae? At nakahawak pa yung babae sa balikat ni kuya! What the? Paki-explain!

“Kuya? Kuya! Sino yang kasama mo?” Gigil na gigil kong tinanong.

“Ate? Anong ginagawa ninyo?” Sinudlong ni Bugoy. Ate?

“Ate? Kapatid mo yung kasama ni kuya?” Tanong k okay Bugoy.

“Ha?! Tek-teka lang, Belle mali yung iniisip mo. Tinutulungan lang niya ako. Wala kaming masamang ginagawa! Kebata-bata pa may iba ka na agad na iniisip ha!” Sagot sa akin ni kuya. Palusot pa yata ito.

“Bakit, ano pa ba ang pwede naming isipin, ate?” tanong ni Bugoy.

“Bugz, tinutulungan ko lang siya kasi biglang sumakit ang ulo niya. Actually, papunta na kami sa classroom niyo kaso nga, ayun.” Sagot nung ate ni Bugoy.

“Dapat yata tanungin din namin kayo eh. Belle, bakit kasama mo si Bugoy, aber?” Nako! Nilipat na naman sa akin ni Jairus ang topic, kainis :/

“Ang kupad-kupad mo kaya! Anong petsa na wala ka pa sa classroom. Nagkataon naman na hinintay rin niya ang ate niya kaya hinanap naming kayo.”

“Sorry naman, sumakit ang ulo ko eh. Ito na magkakaharap na nga tayo eh.”

“Belinda, ako nga pala si Sharlene, ate ni Bugoy. Bugz, pasensya na na-late ako ng sundo, maliban kasi sa pagtulong, may inayos pa kami ni Jamaiza na papers. Sana naman huwag niyo kaming paghinalaan. Kapag ginawa niyo yon. Lagot kayo samin. May pambato rin kaming sura.” Panindak niya sa akin. Kinamayan niya ako at nginitian. So, siya pala ang ate ni Bugoy. Future ate ko rin ^_^ Wait, may sinabi ba ako?

“Sis-sige po. Kuya, uwi na tayo baka nasa bahay na si mommy.”

“Ay oo nga. Sharlene salamat sa tulong.”

“Wo-wala yun!”

“Sige Belle, bukas ulit. Ingat.” Then kinindatan na naman ako ni Bugoy. Ganun pa rin naramdaman ko. Init na mabilis umaakyat sa ulo ko.

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon