CHAPTER 7

1.1K 47 10
                                    

CHAPTER SEVEN:

“Hindi ka ba napapagod Drake?”  Tanong ni Shirley.

“Saan naman? Sa pagtakbo sa isip mo?”

“Hindi! Corney neto.”

“Seryosong-seryoso ka kasi sa pagtatanong mo eh. Saan nga?”

“Sa panliligaw sa akin. Tignan mo tatlong taon na ito.”

Tumingin ako sa dagat. (Nakaupo kami sa dalampasigan. Field trip ng university namin). Bilang kung ilang isda ang dadaan sa paa namin.

“Tulad ng pagbilang ko sa mga dilis na dadapo sa paa natin, hindi ako magsasawa, nage-enjoy ako eh. Ganun din sa panliligaw ko,ibubuhos ko ang lahat ng pasensya ko. Mahal kita eh.”

“Nakakainis ka.”

“Anong ginawa ko? Nakakainis pa bay un? Nagsasabi ako ng totoo.”

“Lagi mo na kasi akong pinapakilig.”

Natahimik ako. Ibig sabihin ang lahat ng ginagawa ko… nagbubunga? YES!

Lunok laway.

“Ibig sabihin ba nito…”

“Oo.” Tumalbog ang puso ko. Tapos na ba ang paghihintay ko?

“Hindi ko narinig. Ano ulit iyon?”

“OO”

“Ang hina.”

“*tawa* Ang kulit nito. Huwag na nga.”

“Ito naman binibiro lang! Ui.”

“Oo nga. Tayo na.”

“Oo nga kanina pa tayo nakaupo rito eh.”

“Napaka nito.”

“Joke lang.” niyakap ko siya ng mahigpit. Ang init. Ang saya saya.

“Salamat talaga. Hindi alam kung gaano ako kasaya. I know, I knew na worth the wait ang lahat ng pinaggagagawa ko para sa iyo. Promise aalagaan kita at hindi kita sasaktan.”

“Aasahan ko yan.”

---------

Nadilat ang mga mata. Sabi na nga bat. Grabe pala nung unang panahon. Tatlong taon ang itinatagal ng panliligaw. Kung sa panahon ko kaya ngayon, kakayanin kaya? KAKAYANIN! Narinig mo ba iyon Janella?

“Good Morning ma, good morning bunso!” Masaya ang gising ko! Nalilinawagan na kasi ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Tanggapin na lang natin ang kapalaran ko. Intindihin ang mga pinapanaginip sa akin dahil para rin sa akin ito at kay Sharlene. Lalo lang ako malulungkot ‘pag inintindi ko pa iyon. May quote nga si Buddha eh, The secret of health for both mind and body  is not to mourn for the past, not to worry about the future but to live the present moment wisely and earnestly. TAMA. TAMA.

“Mommy, natatakot na ako kay kuya. Kahapon matamlay ngayon, napakasaya naman.” –Belle

“Pabayaan mo na ang kuya mo. At least hindi siya laging sad diba?”

“Hay nako. ”

“Good morning anak.” --mom

“Naririnig ko yung mga binubulong mo kanina Belle.”

“Bakit may mali ba akong sinabi?”

“Wala naman.”

Biglang nag-beep yung phone ko. May nagtext.

Panaginip (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon