[5] DTR

96.9K 1.7K 872
                                    

Chapter 5: DTR

Inaalay ko ang maikling update na ‘to sa #TeamUmaasaKahitAngSakitSakitNa at #CyrusHoldOnTight shippers. Para sa inyo ‘to!

PS: May mixtape din ‘to! Click the link sa right side, yan yung link for 8tracks streaming. Nandun na rin ang download link!

xxx

LAST WEEK OF JULY

 

Hindi inaakala ni Barbs na si Doraemon pa ang makakasira ng lahat.

“Barbs.. hindi naman kita pinipilit na magkwento pero… really? Si Seth!?”

Napapikit na lang si Barbs sa sinabi ni Vivien. She can’t blame her roommate. Talagang eskandalosa lang ang cellphone niya. Lalo namang hindi niya masisisi si Seth, malay ba nito na nasa CR siya nung tumawag ito.

Si Doraemon talaga ang may kasalanan. Dahil dun sa ringtone na “Ang chismosa naming kapitbahay” na ringtone niya para kay Seth.. nalaman  ni Vivien sikretong pinagkatago-tago niya for three months.

Barbs didn’t answer Vivien’s question. In shock pa rin siya sa discovery ni Vivien. 10 minutes ago nasa CR lang siya, nagpapalit ng pantulog niya. Laking gulat niya nang makitang hawak ni Vivien ang cellphone, may kausap. Akala niya si Wes ang tumawag, pero..

“Barbs.. si Seth ba ‘tong ES EPAL sa phone mo?” may halong amusement at gulat sa boses ni Vivien.

Pasalamat na lang siya at malapit ang kama niya sa CR. Dun siya bumagsak nang ma-out of balance  siya.

Shit, how to explain this? paulit-ulit na tanong ni Barbs sa sarili. Hindi pa nila napag-uusapan ni Seth ang possibility na mabuko sila kasi sobrang ingat nilang dalawa. Cryptic ang tweets niya about kay Seth. Ni hindi siya nagpopost ng photos ng mga pagkain sa Instagram habang lumalabas sila. Balanced naman ang oras niya sa barkada at kay Seth.

Kaso nadali siya sa simple at annoying na Doraemon ringtone. Panalo lang.

Nakahiga na rin si Vivien sa kama niya, tabi ng kay Barbs. Ayaw niyang pilitin si Barbs kasi natatakot siyang magalit ito sa kanya. Sa tatlo niyang kaibigan, si Barbs ang pinakaclose niya. Hindi lang sila palakwento tungkol sa love life kasi inaassume niya na walang ganun si Barbs. Though nakapansin siya ng ilang signs, she chose to ignore it. Imposible kasi. Hindi naman sa panliliit kay Barbs pero hindi siya yung tipo na boy crazed. Pero.. mas nakakalamang pa pala si Barbs kesa sa kanya,

“Okay Barbs.. I’m sorry,” paninimula ni Vivien nang hindi na talaga nagsalita si Barbs. “Hindi ko sinasadyang sagutin yung tawag. Akala ko kasi si Wes eh. Di ba sabi niya dadaan siya dito tonight? Kaya ayun.. akala ko siya na yun..

Actually.. ilang linggo na rin akong curious sa ringtone na yun. Every morning ko kasi naririnig yan e. I thought it was your alarm tone! Yun pala..” umupo na siya sa gitna ng kama niya at humarap kay Barbs.  “I’m so sorry, B. Ang pakialamera ko.”

“Okay lang, Viv. At least hindi ka na magugulat pag sinabi ko sa kanila, di ba?” napangiti na lang si Barbs. “Ang hirap palang sabihin, teh. Hindi kami prepared sa ganito. Kung pwede nga lang.. walang makaalam ng kung anong meron sa’min pero.. labo labo na eh. Buti na lang wala dito si Janine. Grabeng interrogation yun pag nagkataon.”

“Of all people.. si Seth. I’m surprised.”

“Me too. Akalain mo yun. Dati.. hindi natin maramdaman ang existence niya sa Charleston. CR Boy natin sa kanya di ba? Tapos.. ngayon..” Barbs trailed off. Bigla siyang kinilabutan sa pagrereminisce niya sa dating Seth. Baka mamaya bigla siyang mamula.

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon