Chapter 15: Last Request
Okay, medyo mahabang author’s note muna ‘to.
First, gusto ko munang magthank you sa lahat ng nagbabasa ng TMEUAS. Sa totoo lang hindi ko ineexpect na magiging ganito ang reception niyo sa story na ‘to. I admit, ibang-iba na ‘to mula sa pinlano ko bago ko matapos ang If I Fall nung 2012 (God, ang tagal na rin pala!). Pati ako nagugulat sa mga sinusulat ko.
Nasabi ko na ‘to sa Twitter ilang beses na. Favorite chapter ko ‘tong 15. Bakit? Kasi dito ieexplain kung bakit ganun ang ending ng If I Fall. I know karamihan sa inyo hindi inexpect o hindi nagustuhan ang ending nun. Pero may dahilan kasi ako para don. Ewan ko kung maiintindihan niyo kung bakit. Lahat ng yon, I hope, nasa chapter na ‘to.
IIF’s ending veered to that direction because of a certain scene. Para sa’kin, napakapowerful at meaningful ng scene na yun. Kaya naging One Last Angry Look, di ba? Nandito sa update na ‘to ang scene na yun, sa bandang dulo. Second to the last scene, I think. It took me a year to think about the build up for that scene. Buti na lang nakarating na rin ako sa point na ‘to.
Okay, ang dami ko nang nasabi sa inyo. This chapter is inspired by Paolo Nutini’s Last Request. After this chapter, sa July na ulit ang update nitong TMEUAS. Pagpahingahin muna natin ang ating mga puso :>
xxx
Of course, alam niya ang totoong sagot sa tanong na yun.
Hindi siya tanga. Panandalian lang niyang binulag ang sarili niya sa katotohanan.
Naramdaman ulit ni Seth ang takot at sakit na tiniis niya months ago, nung pinapili nila si Barbs. Ang hirap magpanggap na matapang pag alam mong talo ka na sa laban. He was ready to give up and concede. Sa tingin niya, kailanman hindi mapapansin ni Barbs ang mga nararamdaman niya. Sinisi pa niya ang sarili, na baka mali ang paraan niya ng pagpapakita ng pagmamahala niya. Sana pala, diniretso na lang niya si Barbs nung una pa lang. Siya siguro ang pipiliin kung ganun nga ang nangyari.
Sumuko na siya nung hindi nagpakita si Barbs sa bridge after ng graduation. Tama na siguro yun. Bata pa naman siya, makakahanap pa naman siguro siya ng ibang babae na mapagkukwentuhan ng sasabihin niya.
Pero.. saan siya hahanap ng katulad ni Barbs?
He was just 17 years old. Paano niya nasabi yon?
Kasi sa oras na yon, alam niyang tama ang nararamdaman niya. Kahit masakit. Doon niya narealize na hindi buo ang pagmamahal kung wala kang nararamdamang sakit.
Nung kinausap siya ni Barbs sa Town at sinabing siya ang pinili niya.. mas dumoble ang kaba niya. Something’s wrong here, yan ang paulit-ulit sa isip niya habang pinapaliwanag ni Barbs sa kanya ang takot niya sa commitment at kung anu-ano pang bagay. Pero naisip niya, chance na niya yun. At ang mga bagay na alam nating isang beses lang dadating sa buhay, dapat hindi na pinapakawalan pa.
Ginawa niya ang lahat para mapasaya si Barbs, na eventually nagpay off din after ng ilang buwan. May ilang beses din niyang hinintay na magfreak out ito at iwan siya.. pero hindi ito nangyari. Ang takot niya dati na mali ng pinili si Barbs ay napalitan ng takot na mawala siya sa kanya.
Nga naman, papabayaan mo nga bang mawala ang mga bagay na nagpapasaya sa’yo?
Sabi niya dati kay Barbs Di porke may gusto ako sa’yo.. magagamit mo na ako pag kailangan mo ako. Hindi ako tanga.
At ganun nga ang nangyari sa kanya ngayon.
Pinangako pa naman niya sa sarili niya na kahit kelan hindi siya magpapakatanga sa pag-ibig. Sinabi niya yan noong mga panahong idealistic pa siya sa pag-ibig. Pero sa oras pala na makaramdam ka ng pagmahahal para sa isang tao, parang hinanda at sumuong ka na sa isang suicide mission. Lahat kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo. Isa na dun ang pagiging tanga.
BINABASA MO ANG
This Might End Up A Story
Teen Fiction[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda.