Chapter 8: Closer To You
Happy New Year guys! <3
Again, gusto ko lang mag--thankyou sa inyo for the past year! It was the best year of my life so far, and thank you dahil kasama ko kayo dun. Sorry kung ang kuripot kong mag-update! Sana sipagin na ako this year!
New mixtape's up! Maybe We're Too Young and Naive mixtape (please see the external link, upper right <3)
Sana magustuhan niyo 'tong chapter na 'to :)
Chapter inspiration: Closer To You by Jaylene Johnson (see right side for the YT link)
ENJOY!
Xxx
HINID MAPAKALI SI VIVIEN habang kumakain sila ni Barbs ng dinner sa may Maginhawa. Nung isang araw pa niyang napapnsin na may something na nagbago sa roommate niya. Mas.. naging light ang aura nito, kaso nabawasan ng pagkadaldal. Madalas na rin nga itong napapangiti for no reason. Pati nga ngayon, ang bagal niyang kumain. She knows something’s up, and gusto niyang malaman kung ano yun.
“Okay ka lang ba, B?” she finally asked nang matapos na sa pagkain si Barbs.
Barbs stared at her. “Uhmm.. oo naman. Why?”
“May nangyari ba?”
Nahalata ni Vivien ang gulat ni Barbs, pero di na siya nagreact. Baka matakot pang magkwento eh. “W-wala naman. Nothing bad happened.”
“Eh something good meron?”
That did it. Sinubukan ni Barbs na pigilan ang pagngiti. “Nothing happened, really.”
Alam niyang nagsisinungaling si Barbs but she let it slide. Sa tingin niya nahihiyang magshare si Barbs sa kanya. Pero tungkol naman saan? May hunch siya na si Seth ang dahilan ng pagiging weird ni Barbs. “Eh kamusta yung kay Seth?” Vivien asked casually, observing her reaction. “Nakausap mo na?”
She didn’t expect Barbs’ reaction. Her friend turned beet red in front of her. Parang nahihiya na naiiyak na ewan ito. First time niyang makita na ganyan si Barbs.
“Barbs.. kinikilig ka ba!?”
“WHAT!?” she scoffed defensively. Inilayo ni Barbs ang plato niya sa takot na maibato niya ito maya-maya. “Hindi ako kinikilig! At ako? Ako, kikiligin!? Parang imposible ata yun!”
“Sa recent events parang wala nang imposible, B. Seth and Cyrus, remember? We all thought that would never happen. Look at you now.”
Saglit na napaisip si Barbs. Gustung-gusto niyang sabihin kay Vivien ang confession ni Seth in a very calm and cool manner. Yung tipong like a boss siya, na siya ang in control dun sa situation na yun. Hell, that didn’t happen anyway. Seth’s confession got her floored. Buong weekend niyang inisip, buong linggo siyang nag-overthink kung ano ba talaga yung sinabi ni Seth. His confession was too raw for her to bear. Marami na siyang nabasang kwento na ganun. Yung confession nga ni Denn kay Leiza, straight to the point.
Kaso iba yung impact sa kanya ng confession ni Seth. Sa sobrang totoo, sa sobrang straight to the point.. nakakatakot magtiwala. Kaya simpleng “Ah ganun ba? Ayos!” lang ang naisagot niya sa mahabang confession ni Seth. She didn’t even look at him the whole drive home.
“Nasabi ko na sa kanya yung sa debut ni Janine. He’s cool with it. Nakita niya sa Facebook yung photos so.. walang takas.”
“Whew! At least okay na kayo, right? But not with the labels thing. Tama ba?”
BINABASA MO ANG
This Might End Up A Story
Jugendliteratur[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda.