Chapter 13.1: We Should Feel Like We Are in Love**
Namiscalculate ko pala ang TMEUAS chapters! So, may 13.1&.2, 14.1&.2, and my favorite, 15. I had to split Ch 14.. just because.
Chapter title is a song by Echotape. May isang line sa song na nangyari sa chapter na 'to. Hahaha
So.. safe to say na sa chapter na ‘to.. Happy 18th birthday, Barbs!
This chapter is very short and straight to the point. You’ll know why. Sa 13.2 ang action. Char.
xxx
OCTOBER 30
Makalipas ng ilang oras na pag-iikot sa Town, nakahanap na rin ang mga kaibigan ni Barbs ng regalo para sa kanya.
Wes – bola ng basketball + Miami Heat t-shirt
Rocky – backpack
Janine – kaunting makeup (sugal ‘to, alam niyang itatapon na ‘to ni Barbs) at satchel bag
Chester – bagong t-shirt ni Randy Orton
Vivien – isang libro mula sa to buy list ni Barbs
Big deal para sa barkada nila ang birthdays, lalo na ang debuts. Sa kaso ni Barbs, pipilitiin nilang maging masaya ang kaibigan. Last year kasi ang pinakamalungkot na birthday nito. Hindi nila makakalimutan, lalo na nina Rocky at Janine, ang itsura ni Barbs habang naghihintay sila sa may emergency room. Para sa kanila, iyon ang pinakamalungkot na Halloween Ball sa lahat.
Wala silang kaalam-alam (maliban kay Vivien) na higit pa sa sakit na inaakala nila ang naramdaman ni Barbs noong gabing yon.
Isang taon na rin mula noong nasaktan si Vivien, nadurog ang puso ni Janine, muntikang mamatay si Chester at nagkagalit sina Wes at Rocky.
Isang taon na ang lumipas.
Ayaw man nilang aminin.. may natitirang sakit pa rin sa mga puso nila.
xxx
Hindi mapakali si Barbs sa kama niya.
8 PM pa lang nagpaalam na siya sa Mama at mga ate niya na matutulog na siya. Hindi niya inakalang nakakapagod ang pag-aayos para sa maliit na celebration ng birthday niya bukas.
18th birthday.
It wasn’t supposed to be a big deal for her. Every year naman siyang nagbibirthday. Nadadagdagan ng isang digit ang edad niya. Ordinaryong araw lang naman para sa kanya ang October 31.. dati.
Last year was different. Bad different.
Halloween Ball. Tatin and I got back together. Aksidente ng pamilya nina Chester.
She always wondered how the hell she survived that day.
Siguro.. gusto ni Lord (o ng destiny, whatever) na makaabot pa siya ng isang taon para makaranas ng isa pang birthday kung saan siya sasaya. Naniniwala siya na bukas na yon.
Kinakabahan ba siya na ipakilala si Seth bukas? Sobra.
xxx
OCTOBER 31
12 MN
BINABASA MO ANG
This Might End Up A Story
Teen Fiction[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda.