[6] Eighteen Candles

93.5K 1.4K 304
                                    

 Chapter 6: Eighteen Candles

 

AUGUST

 

From: Zade Pascual <scheherazade_pascual@gmail.com>

To: Barbara Ramirez <barbara31@yahoo.com>

Subject: Meeting

                Hi Barbs! I can’t get hold of your number kaya nag-email na lang ako. Malapit na deadline ng activity natin. I would like to ask if pwede tayong magmeet to discuss this? Vacant ako ng Monday (whole day), then Tuesday to Thursday starting 2PM onwards. Is it okay kung sa Café Feliz tayo magmeent? Sa may Maginhawa lang naman. Contact me here 0921******* kung kelan ka pwede. Thank you!

                Zade

xxxx

WALANG KAALAM-ALAM SI BARBS na may nag-eexist na Café Feliz sa may Maginhawa. Madalas silang tumambay dito ni Seth para kumain ng kung anu-ano pero di niya napansin ang existence ng café na yun. Kung sabagay, hindi naman siya fan ng cafés.

Lunes nang pumunta siya dun, tutal wala naman siyang klase. Maliit lang ang Café Feliz. Napapaligiran ng mga bahay kaya di masyadong pansinin. Akala nga ni Barbs niloloko siya ni Zade, na wala naman talagang Café na ganun. Kaso nang makita niya ang calming ambiance ng café ay nagbago ang isip niya. First word na pumasok sa utak niya? Home. Hindi siya fan ng color brown pero natuwa siya dito. The sign on the door says Open, kaya pumasok na siya.

Thinking About You kaagad ni Norah Jones ang sumalubong sa kanya pagpasok ng café. May iilang estudyante na nagrereview o simpleng nakikigamit ng libreng wifi. Nakakarelax ang amoy ng kape sa loob. Inaantok tuloy siya.

“Excuse me, Ma’am? Ano pong order nila?”

Nagulat si Barbs sa nagsalitang yun. Di niya napansin na may tao pala sa counter. Buti na lang hindi si Zade. “Uhh.. w-wala naman. May imi-meet lang ako dito,” parang tanga niyang sagot.

Tinitigan siya saglit ng babae sa counter at ngumiti ito. “Ah okay. I get it. Zade! Nandito na yung hinihintay mo!”

Mas kinabahan si Barbs. Hinihintay? Gusto na niya tuloy na magback out. Tama siya, dapat siya na lang ang gumawa ng activity na yun. She doesn’t give a shit if Zade’s a literature major. Marami naman siyang nabasang libro at napanood na pelikula, kayang-kaya na niya yun.

“Uy Kesh ano ka ba! Wag ka ngang mai—“ napatigil si Zade sa may pintuan sa kusina. Halata sa mukha niya na gulat siya sa pagpunta ni Barbs. “Barbs!!! Oh gosh sorry! Can you wait for me? May inaayos lang ako sa loob.”

Barbs nodded dumbly. So.. she’s working here? Eh bakit pa, artista naman boyfriend niya? She brushed those thoughts aside. Ano nga bang pakialam niya, di ba? Bago pa siya himatayin ay umupo agad siya sa may table malapit sa may entrance ng café. Pag hindi na niya kaya, sisibat siya kaagad.

Minutes later ay lumabas si Zade sa kitchen na may dalang tray at sukbit nito ang malaki niyang Jansport na backpack. Suot pa rin niya ang brown apron na may nakasulat na Café Feliz. Inalis agad ni Barbs ang tingin nito sa kanya, baka kasi di siya makapagsalita.

“Uy sorry ha, hindi kita nareplyan kanina. Shift ko kasi,” Zade explained. Inilapag niya ang tray sa table at umupo opposite Barbs’ direction. “Nahirapan ka bang hanapin ‘to? I know, di kami kasing sikat ng Starbucks or CBTL pero pwede na rin!”

Umiling na lang si Barbs. Namamawis na ang palad at talampakan niya sa sobrang kaba.

Nang di natinag si Barbs ay inabot na ni Zade ang dala nito. “Try mo ‘to o! Hershey’s frappe! Then strawberry cheesecake. Don’t worry, sa’kin na yan. Tsaka wala pa naman yung manager namin dito kaya okay lang.”

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon